Chapter 20

148 10 5
                                    

Chapter 20

Unconscious State

Cale’s POV

"Ibaba niyo yung mga baril niyo!”sigaw ng isang pulis. Asan si Mexis?

Napatingin kami nang may marinig kaming isang putok. Nakita kami na parang may nasusunog. Pinasakay agad kami ni Marcos sa kotse at mabilis na pinaandar ang kotse niya patungo doon. Tinigil niya ang kotse at lumabas kami. Pati na rin sila Blyte at The Killers na nakasakay sa ibang sasakyan.

Nakita ko ang dalawang tao na nakahiga sa kalsada habang may babaeng nakatayo sa harap nila na nakatutok ang baril sa kanila. Mabilis na nilabas ni Marcos ang baril niya at binaril ang babae. Natamaan ito sa paa.

Tumingin ito sa amin at lumapit habang nakatutok ang baril niya. Mabilis ulit na binaril ni Marcos ang babae at natamaan ito sa tiyan. Nagpakawala ulit si Marcos ng bala at natamaan ito sa balikat na ikinatumba na niya at nawalan na ng malay.

Tumakbo agad ako sa dalawang babae at napaluhod ako nang makita ko si Megan na duguan ang mukha at kanyang paa na puno ng sugat at kanyang kamay na may sugat ito.

“MEGAN!”sigaw ko tsaka ako umiyak.

“Alex! Alex!”niyakap ni Ate Andrella ang katawan ni Megan at humagulgol ito.

“Kuya.”naramdaman ko ang yakap ni Cassie sa akin na ngayon ay umiiyak na rin.

“May pulso pa si Nathalia. Titignan ko kung mayroon pa kay Mexis.”sabi ni Blyte at hiniga ni Ate Ella si Mexis sa lap ko.

Hinawakan ko ang mukha niya na puno ng dugo. Pumapatak ang luha ko sa kanyang pisngi.

Megan please.

“May pulso pa siya.”nabuhayan ako nang malaman ko yun. Buhay pa siya.

Dumating na ang ambulansya at binuhat ko si Mexis para ilagay sa stretcher. Dalawa kaming sumakay ni Ate Andrella sa ambulansya. Hawak hawak ko lang ang kamay niya.

*

“Hanggang dito nalang po kayo.”sabi ng nurse. Umupo nalang ako sa upuan at hinintay ang doctor.

“Andrella.”napatingin ako sa dumating at nakita ko si Tita at Tito. Agad na niyakap ni Ate Ella si Tita.

“Nasa emergency room pa siya, Mama.”humagulgol lang si Tita.Di ko mapigilang umiyak sa kinauupuan ko. Yumuko nalang ako tahimik na umiyak.

“Ang anak ko.”humahagulgol na sambit ni Tito.

Paikot ikot ng lakad si Blyte sa harapan namin. Magdadalawang oras na pero wala paring lumalabas na doctor para sabihin ang kalagayan ni Megan. Sana naman maging okay siya.

Biglang may lumabas na doctor kaya napalapit kami sa kanya agad agad.

“Musta ang anak ko?”

“She needs a surgery for her hand na nafracture. Mas lumala ito dahil mukhang pinilit itong igalaw ng igalaw. Maraming nawalang dugo sa kanya at kailangan niyang masalinan ng dugo agad-agad.”

“Anong blood type niya doc?”mabilis na tanong ko.

“Type A+. O-, O+,A- and A+, these are the blood types that she can recieve.”Type O ako. Willing akong magdonor kahit ubusin na nila ang dugo mabuhay lang si Megan.

Mexis' Revenge Operation(Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon