Sorry fo the typos and wrong grammar.Anyway, who wants dedication? Comment for reservation. :D
Chapter 9
The Picture
Angela’s POV
“Ganun ba kalaki ang galit ni Mexis kaya nagawa niya yun?”
“Sobrang sama ni Mexis.”
“Nakakainis siya sana siya nalang ang naturukan at siya ang nakaratay ngayon sa kama.”
“Ang pangit talaga ng ugali niya.”
Nasasaktan ako sa mga sinasabi nila kay Mexis. Ngayon lang naikalat ang balita. Maraming tanong din ang gumugulo sa isipan ko. Kung totoo bang si Mexis nagturok o si Nathalia. Parehas silang biglang nawala at hindi ugali ni Mexis ang ganun. Kahit naman na malaki ang kasalanan niya hindi yun nagpapatalo.
Gusto kong makausap si Mexis.
*
“Okay na si Nathalia?”-Trix
Nandito kami ngayon sa cafeteria at si Mexis lang ang wala sa amin. Hindi nga namin alam kung bakit hindi namin siya kasama. Halos tatlong araw nanamin siyang hindi nakakasama.
“Tingin ko okay naman siya at balita ko pumasok na siya ngayon.”-Nash
“Si Mexis? May balita na ba kayo sa kanya?”tanong ko. Nag aalala na ako sa kanya.
“Wala. Sinusubukan namin siyang tawagan kahapon kasu patay ang cellphone niya.”-Jake
“Hindi rin namin siya nakikita dito sa campus. At ngayon tingin ko hindi parin siya pumasok dahil kung meron na siya di sana may nabalitaan na tayong may pinaiyak siya.”-Luke. Tama siya, knowing Mexis hindi siya magpapatalo sa mga sinasabi nila sa kanya.
“Blyte at Ethan, kayo wala ba kayong balita? Hindi niyo ba siya nakakausap?”medyo haggard din ang dalawang ito. Hanggang ngayon kasi hinahanap parin nila yung Tata na yun.
“Hindi ko pa siya nakakausap. Gusto ko siyang makausap at magsorry. Nakakainis! Namimiss ko na din siya.”-Ethan. Ako din miss ko na siya.
“Nong pumunta ako sa bahay nila nong nakaraang araw, sinabi ng maid nila na may pinuntahan daw na party ang family nila. Kahapon naman sinabi naman ng maid nila, dinala daw siya ng dad niya sa company nila. Ngayon hindi ako nakapunta pero baka may pinuntahan nanaman siya. “-Blyte.
“Mas rumami na ang haters niya ngayon. Ang rami nang poster na nagkalat sa campus na puro mukha niya at sirang sira na siya. Anong gagawin natin?”-Jake. Isa pa yan sa problema namin ngayon. Ish! MEXIS COME BACK!
“Ahmm Excuse me.”napatingin naman kami sa kanya.
“Nathalia may kailangan ka ba?”-Nick
“Gusto ko lang magpasalamat sa inyo. And I felt sorry about Mexis, alam kong hindi naman niya sinasadya iyon. Okay lang naman sa akin ang ginawa niya at pinapatawad ko na siya. Sana pumasok na siya kasi ayokong ginaganun siya ng mga haters niya. Baka kasi kung ano pang gawin nila sa kanya.”tsaka siya napayuko. Natahamik naman kaming lahat sa sinabi niya. Mexis I fucking need your explanation. Parang ang hirap paniwalaan ang babaeng ito.
“Aalis na kami.”sabay sabay kaming napatingin kay Blyte at Hannah sa pagtayo nila. Magkahawak kamay silang umalis at kitang kita ko sa mukha ni Blyte na hindi siya komportable kay Nathalia. May tinatago ka ba sa amin Blyte?
BINABASA MO ANG
Mexis' Revenge Operation(Finished)
DiversosMexis is back and she would bring down those people who underestimated and bullied her. Just relax, take a big breath and wait for the GRAND COME BACK of Megan Alexis Amanda.