Chapter 3
Comparison
“Megan! . . . . Megan!”Gosh! Tumayo na ako sa kama at naghilamos at pagkatapos bumaba na ako. Pumunta ako sa dining room at nandoon na ang kapatid ko,si mama at si papa. Lumapit ako sa kanila.
“Kanina pa kita tinatawag bakit ngayon ka lang bumaba?”tanong ni papa.
“Kasi po tulog pa po ako,hindi ko po narinig.”sagot ko habang kumukuha ng kanin.
“You’re always like that,bakit hindi mo gayahin si Ate mo? Your school reported to me that you fight with someone in your academy. What’s the matter of you,Megan? If you continue doing that nothing will happen to you. Magiging kagaya mo yung mga iba mong pinsan. Walang patutunguhan yang buhay mo. Pinaggagastuhan kita diyan sa HCIA but you’re wasting it.Look at your ate,she’s managing our company now. She’s helping us,but you,hindi ka pa tapos sa pag aaral pero sakit ka na sa ulo. Paano na pag nakapagtapos kana? If you want me to respect all your decisions,respect my decisions too Megan. Magpakatino ka and made as proud like your ate.”sabi ni papa tsaka siya tumayo at umalis na. Well sanay ako sa pagcontrol ng mga luha,kaya wag kayong magtaka kung bakit hindi ako umiiyak.
Hinaplos lang ni Ate ang likod ko. Kahit naman naicocompare ako sa kanya,hindi parin ako galit sa kanya. Wala naman siyang kasalanan eh,siguro kasalanan ko lang talaga kasi ganito ako.
“Everything will be okay Megan.”sabi ni Mama. I just nodded at her at kumain nalang kami. Ate Andrella is cheering me up but I can’t. I’m just smiling at her but it’s a fake one. Pagkatapos naming kumain nagbihis na ako at umalis ng bahay.
Hindi ako dumiretso ng room at pumunta sa garden. Umupo ako sa damuhan at yumuko. Gusto kong ibuhos dito lahat lahat,kasi ang sakit.
Ayoko sa lahat ay ang naiko-compare ako sa iba.Hindi nalang nila diretsuhin na ang pangit ng ugali ko,patapon ako,palamunin at kung ano ano pa.Bakit kailangan nai-compare pa ako? Tingin ko pag naiko-compare na ako kay Ate,wala akong magandang ginawa. Wala akong personality na angat sa kanya. Ganun ang mga nararamdaman ko. Ang sakit.
Patuloy lang pag agos ng luha ko nang biglang may tumabi sa akin. Napatingin naman ako sa kanya nang makita ko si Blyte na nakatingin sa akin.Nagulat siya nong nakita niya akong umiiyak.
“Bakit ka umiiyak? May nagpaiyak ba sayo? Sabihin mo.”nag aalalang tanong niya. Hindi ko siya sinagot instead I hug him tightly. He hugged me back and I cried to his shoulder. Hinahaplos haplos lang niya ang likod. Nang medyo kumalma na ako,humiwalay na ako sa kanya.
“Masama ba talaga ugali ko,Blyte?”
“Hindi.”sabi niya. “Bakit kinompare ka nanaman sa Ate mo?”tanong niya. Oo alam ni Blyte ang tungkol diyan. Kasi pag naiko-compare ako,tinatawagan ko siya at kung minsan pupunta kami sa park at magkwekwento ako sa kanya. Siya lang naman yung taong nakakaintindi sa akin eh. Sa kanya lang ako nakakalabas ng mga hinnanakit ko.
“Ang sakit nanaman Blyte. Bumabalik nanaman ako sa pagiging weak. Kinalimutan ko na ang Mexis na yun,yung mahina. Gusto ko malakas lang ako,pero bakit hindi pwede?”tumulo muli ang mga luha ko. “Hindi man lang niya ako pinag explain,hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko. Bakit pagdating sa kanya bumabalik ako sa dati? Bakit kahit ilang ulit na niyang sinasabi ang mga salitang yun nasasaktan parin ako? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko Blyte. Wala na ata akong lugar sa bahay na yun.Ang pangit kasi ng ugali ko. Hindi ko kasi matapatan ang ate ko.Hindi niya nakikita ang mga tama kong ginawa. Ang tanging nakikita lang niya ay yung mga pagkakamali ko. Ni minsan hindi ko maramdaman pagmamahal niya sakin. Minsan naisip ko,ampon lang ako kasi iba ang trato niya sa akin.”tsaka ako yumuko. Naramdaman ko naman na hinaplos ni Blyte ang likod ko.
BINABASA MO ANG
Mexis' Revenge Operation(Finished)
De TodoMexis is back and she would bring down those people who underestimated and bullied her. Just relax, take a big breath and wait for the GRAND COME BACK of Megan Alexis Amanda.