Chapter 11

247 11 2
                                    

Chapter 11

Bracelet

                    

“Mexis anong nangyari nanaman sayo? Nakipag away ka nanaman ba?”bungad sa akin ni Mama. Tinulungan naman ako ng ibang maid na umupo sa sofa tsaka tumabi sa akin sa Mama.

“Ang pula ng pisngi mo. Mexis napapahamak ka na sa ginagawa mo. Ayoko na isang araw, bangkay mo na ang bubungad sa amin.”nag aalalang sambit ni mama.

“Ma okay lang ako. Ganito naman ako umuwi nong elementary ah? Ang pagkaiba nga lang hindi ako lumaban noon ngayon lumalaban na ako. Wag na kayong mag alala okay? Okay na okay ako.”nakangiti kong sambit.

“Ayoko lang na makita ulit na puro pasa at sugat. Bilang ina mo, nasasaktan din ako. Bigla ka nalang nagbago, dahil ba sa nangyari sayo nong elementary ka?”tumango bilang sagot. “Hindi mo naman kailangan gawin yan eh.”

“Ma hindi mo ako naiintindihan. Nasaktan ako noon at gusto kong ipakita sa kanila na iba na ako. Sana ma suportahan niyo ako.”

“Alex anong nangyari sayo?”bigla naman lumapit si Ate na kadadarating lang.

“Maghahanda lang ako para sa dinner.”tsaka pumunta si Mama sa kusina.

“Ano nanaman bang kaguluhan ang pinasok mo at ganyan nanaman ang itsura mo?”

“Ish! Tinulak ako at pinagsangga ko ang palad ko. Ito naman pisngi ko, sinampal ako. Aakyat na ako.”tsaka ako tumayo at paika ika akong lumakad.

“Pilay ka?”gulat na tanong ni Ate.

“Naitulak ako at mali ang pagkabagsak ko.”

“Mag usap tayo sa taas.”hindi na ako nakapalag dahil tinulungan na niya akong umakyat.

Umupo ako sa sofa ko at siya naman ay nakatayo lang. Nandito kami ngayon sa kwarto ko.

“Ano ba talagang nangyari at ganyan ang itsura mo? Siya nanaman ba?”tanong niya sa akin.

“Sinong siya nanaman?”nagtatakang tanong ko.

“Si Nathalia. Pumunta ako sa school mo nong nabasa ko ang letter tungkol sa pagkakaalis mo sa Dean’s List. At sinabi nilang dahil sa ginawa mo sa kanya. Pumunta ako sa Dean office niyo pero sinabi yun daw ang naging desisyon ng owner at ng iba. Pumunta ako sa Guidance Councilor Office para sana ireklamo ito pero hindi nila ako pinakinggan.”my jaw dropped.

“Bakit mo ginawa yun?”

“Kasi alam kong pinaghirapan mo yun pero mawawala nalang yun bigla bigla dahil sa kasalanan hindi mo naman ginawa at nagawa ko yun kasi mahal kita.”tumayo ako at paikang ika na lumapit sa kanya at niyakap siya. Gumanti din siya ng yakap at napahagulgol siya sa balikat ko. Napaluha nalang din ako sa ginawa ng ate ko. Kailan man ay hindi pa niya ginawa yun, ang magreklamo sa school. Parehas kaming tahimik ng ate ko. Ako lang itong nagbago at mas naging palaban.

Humiwalay na ako sa pagyakap sa kanya at tinignan siya.

“Wag mo nang gagawin yun. Ako ang aayos ng gulong nagawa ko. Wag na kayong mag alala sa akin. At about sa Dean’s List na yan, okay na ang lahat. Pumunta ako sa Dean ng school ni Nathalia at nakausap ko mismo ang may ari ng school. Nagreklamo ako about sa ginawa ni Nathalia. Sinabi niya na bagong rule daw na kasali na ang attitude sa Dean’s List. Pero naalis na dahil kinausap ko siya. Naaalis din si Nathalia sa Dean’s List dahil sa pagsampal niya sa akin. Nagalit sa akin si Nathalia kaya nag away kami.”nagulat si Ate sa pag amin ko. Hinawakan niya agad ang braso ko at tinignan ng may pag aalala.

Mexis' Revenge Operation(Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon