CASE 08: THE CLUE (Part 2)
Interrogation room…
Kami nina Danica, Emily, Jimin, Chanyeol, Dennis, Jonathan at Melissa ay pinagsabay-sabay na lang sa interrogation room… Ganito ba talaga ang pag-iinterogate? Sa mga libro at TV shows din kasi ganitong-ganito ang interrogation room. Alam nyo yun? Yung table, chairs at ilaw lang ang laman. Tapos pag magtatanong na sila itatapat nila sa iyo yung ilaw. Ganito ba talaga?
Police officer: So, maaari nyo bang sabihin ang mga alibi nyo at kung sino ang pinaghihinilaan nyong killer?
Sinimulan namin ang pagkwekwento. Hindi naman mahirap kasi tugma-tugma lahat ng aming sinasabi. Magkakasama lang kami noon di ba? Tapos tinanong na nila kami sa mga posibleng pumatay kay Jessica at sabi naman namin wala kasi hindi namin alam kung ano ba talaga ang nangyari at hindi rin naman kami ang unang nakakita sa bangkay. Pero bago kami paalisin ay sinabi namin ang nakita naming clue.
Una namin pinakita yung picture na nakita namin ni Emily. At dahil nasa police station kami, nanghiram kami ng projector para makita ng lahat yung picture. Nung marinig ng police yung request namin mukhang na shock sila dahil alam namin ang bagay na iyon. Aba syempre! Detective kaya kami! Pinauna kong mag-explain si Emily tapos kapag wala na siyang masabi ako naman.
“Kung titingnan, this picture ay nagmumukha lang normal ngunit kapag tinitigan mo ng mabuti (lumingon kay Ericka at pina-zoom ang picture), makikita nyo sa likod ang isang babaeng papunta sa forest. And this girl, is the victim. The dress that she is wearing ay katulad lang kay Jessica. At kung titignan nyo pa ng mabuti sa kanan, makikita nyo ang anino ng isang tao. Which, we suspect na ang killer. The way Jessica walks, parang kilala niya ang killer.” Explain ni Emily. Satisfied naman ako. Yun din kasi lahat ng sasabihin namin. Yung mga police, ayun nganga.
Sunod namang pinakita ni Danica yung evidence na nakita niya. Nagpakuha din siya ng whiteboard.
Anong plano niya?
“Yung picture na nakuha ko ay related din sa picture na nakita nyo kanina.” Sabi niya habang hinahanda ang picture para makita sa projector.
“Please observe the two pictures in the screen.” Sinunod naman namin yung sinabi niya. Bago ko tingnan ang picture ay tiningnan ko muna ang time na kinuha ito. 10 minutes after the first picture. Nandoon pa rin sa pwestong iyon si Emily at kumukuha ng picture? Seriously? Ganon siya ka tiyaga sa pagiging photographer?
“Ano namang meron sa picture na yan? Parang wala naman akong nakikitang iba. Maliban na nga lang sa oras.” Sabi ng police. Tama naman siya. Zinoom ni Danica yung picture sa likod ng mga tao yung malapit sa forest at may nakita kaming babaeng papalabas doon.
“Tama kayo nang nakikita. May taong papalabas sa forest. At nakikita nyo bang pareho ng buhok yung lumabas at si Jessica? Pati din ng damit. It means buhay pa si Jessica? No. By that time she’s already dead. Paano ko nasabi? Tingnan niyo ulit yung first picture at ikumpara niyo sa pangalawa, makikita niyo ang pinagkaiba.”
Ilang minutes rin kaming nakatingin sa picture. Noong pasuko na ako kasi wala naman akong makitang pinagkaiba tumingin ulit ako sa first picture at second picture at nung makita ko yun…
“YUNG BAG!” sabay na sabi namin ni Emily. Pareho pala kami ng iniisip.
“Yung bag? Anong bag?” tanong naman ng iba.
“Tama.” May isinulat si Danica sa board. “Yung bag. Kung nakikita nyo, sa first picture, ang dala ni Jessica ay glass wine. Pero sa second naman, may dala siyang bag. Paanong nangyaring nakapagdala siya ng bag sa second picture kung wala naman talagang dala sa una pa lang. Dahil, hindi siya si Jessica. By that time,this person na papalabas sa forest sa pangalawang larawan ay pinatay na si Jessica or kasabwat ng killer. Let’s say that A is the suspect. A knows na may maaaring maghinala kapag nawala si Jessica at alam niya ring nandoon pa si Emily at kumukuha ng picture, so para malito tayo, naghanda na siya ng mga gamit para maloko tayo. Let’s say na magkakilala nga sila at sabi ni A na magkita sila sa forest, noong pinapunta ni A si Jessica ay nakita niyang kumukuha ng pictures si Emily kaya nagtago na lang siya sa gilid sa halip na salubungin si Jessica. Within that 10 minutes ay pinatay niya si Jessica and to make sure na hindi siya magkakamali ay siya mismo ang nagsabi kay Jesica kung ano ang susuotin nya para makabili din siya ng katulad noon para sa plano niya. When A was done, nagbihis siya at noong papalabas na siya, nakita niya yung glass ni Jessica at dinala niya iyon para walang makakita. I think sinadya niyang dalhin yun para malaman ng lahat na murder yun at hindi suicide. Pinatay niya si Jessica to threaten the other person na may alam sa kung ano mang alam ni Jessica. Pero akala niyang wala siyang maling ginawa ngunit nakalimutan niyang itago ang bag. Akala siguro nya wala na si Emily kasi 10 minutes na rin ang lumipas. Ngunit dahil matiyaga si Emily sa pagkuha ng pictures at dahil madami rin ang nagpapapicture ay hindi agad siya nakaalis. And iyon ang malaking pagkakamali ni A. Naging masyado siyang confident sa plano niya. Pero…Maaari ring sinadya niyang ipakita ang bag at alam niyang nandoon pa rin si Emily para ipaalam ang babala niya.” Danica said seriously. WOW! Ngayon ko lang nakitang mag-analyse si Danica sa isang kaso. At lahat ng sinabi niya may point. But…
BINABASA MO ANG
UNDERCOVER LOVE
Action[Bad Boy's Love to Problematic Girls Series Story # 5] Three girls with different family backgrounds, met and became friends. All because they shared one dream: To become detectives. At first, it seemed impossible for them to reach their dream. Unti...