CASE 09: THE VAN
EMILY’S PoV
SUMMER…..
Months have pass since that incident happen, within that months tinuloy namin ang plano na protektahan si Shine Park. At kasalukuyang girlfriend na siya ni Jimin. Alam kong masakit pero kailangan kong tanggapin. Kasi alam kong may maiiligtas kaming tao.
Nagplano kami nina Danica at Ericka na mag-summer sa bahay-bakasyonan ni Danica. Ni Danica, okay? Siya talaga ang may-ari at bumili nito. Yung bahay-bakasyonan niya nasa Boracay, yaman. Akala ko plano lang naming ‘to. Hindi pala. May iba pa kaming kasama. Ang barkada. Sinu-sino sila? Si Melissa, Jonathan, Chanyeol, Dennis at si Jimin. Ang problema ko ngayon, sinama niya pati si Shine. Akala ko mag-eenjoy na ako yun pala hindi. Napatingin ako sa dalawa kong kasama. Nang makita ko si Ericka pareho lang kaming may kakaibang nararamdaman. Galit siya kasi alam niyang nasasaktan ako sa nakikita ko at dahil na rin kasama niya ang asungot sa buhay niya na si Dennis. At ang mas nagpapagalit sa kanya ay dahil si Dennis ang nag-imbeta sa kanila para pumunta ditto. Nang tumingin naman ako kay Danica, galit din ang nakita ko. Galit siya kasi nakialam sa plano niya si Dennis. At galit din siya dahil ditto matutulog ang lahat sa bahay niya. Bago pa man sumabog sa loob dahil sa galit at inis naming ay lumabas na kami.
“Nakakainis talaga ang Dennis na iyon! Pinsan ko ba talaga siya?! O sadyang epal talaga siya?!” inis na sabi ni Danica sabay kamot ng ulo niya.
“Ang ibang-iba nyong mag-pinsan. Ikaw iniisip mo ang kapakanan at feelings nang iba habang yung pinsan mo, panira ng buhay. Pasensya na, Dan. Dahil sa panglalait ko sa pinsan mo.” Sabi naman ni Ericka.
“Wag kang mag-sorry. Alam kong hindi natin siyang pwedeng patayin kaya isumpa na lang natin siya sa mga bad words natin. Siraulo, bwisit, pakialamero, BAKA!” sigaw ni Danica.
Nagulat kami ni Ericka kasi pinsan ni Danica, gusto niyang isumpa. Dahil sa pinaggagawa ni Danica natawa kami ni Ericka. Pero relate ako sa kanilang dalawa. Kung hindi lang masamang pumatay…
“Wag kayong lumapit o kumausap sa hinayupak na iyon ha?Alalahaninniyo, galit tayo sa kanya. *sigh* Mabuti pa bumalik na tayo. Sisiguraduhin ko na malayo tayo sa kanya.” Sabi niya tapos hinila niya kami papasok at umakyat sa taas para pumunta sa kwarto namin. Ngunit napahinto kami ng bubuksan na sana ni Shine yung kwartong pinili ko kanina nang dumating kami. Ramdam ko na yung galit na nabubuo sa akin ngunit mas ramdam ko ang galit ni Danica. Danica’s Bitch Mode Switch On.
“EXCUSE ME! SINO KAYO PARA PUMILI NG KWARTO NIYO? HA?!!BAHAY KO ITO KAYO AKO ANG MASUSUNOD. PUMILI KA NG IBANG KWARTO AT WAG NA WAG KANG MAKAKALAPIT SA KWARTO NA IYAN! AT WAG MO RING SUBUKANG HAWAKAN AT PUMASOK SA KWARTONG KATABI NIYAN AT SA HARAP NIYAN! SUBUKAN NIYO LANG AT BLACK-EYE ANG IBIBIGAY KO SA INYO!” May sasabihin sana si Dennis ngunit pinigilan ni Danica. “AT WAG NA WAG KANG MAGSASALITA DITO DENNIS ADAM WOODSON! KUNDI PAPALAYASIN KO KAYONG LAHAT?TSAKA ANONG KARAPATAN MO PARA MAG-IMBETA HA?IKAW BA MAY-ARI NITO? TSAKA, MAY MGA RULES KAYONG DAPAT SUNDIN! 1: BAWAL ANG MAGLANDIAN DITO! 2: BAWAL ANG MAINGAY KAPAG ORAS NA NG PAGTULOG! 3: BAWAL MAGKALAT! 4: BAWAL MANGIALAM NG GAMIT! AT 5: KAILANGAN NIYONG SUMUNOD SA AKIN DAHIL PARA SA AKIN!HINDI!KAYO!WELCOME!DITO! PERO DAHIL NANDITO NA KAYO WALA AKONG MAGAGAWA! KAYA SUMUNOD KAYO!” lahat yan ha, sigaw na sabi ni Danica. Hindi kaya siya mapaos nito? Pero napabilib ako ni Danica sa mga sinabi niya. So blunt. Sinabi niya talagang hindi sila welcome. DAHIL HINDI NAMAN TALAGA SILA WELCOME! “Pero okay lang si Melissa. Welcome na welcome siya dito at pwede niyang gawin ang gusto niyang gawin.” Mahinahong sabi ni Danica at tumingin kay Melissa. Una, naka-frown siya tapos ng sabihin na iyon ni Danica ay napangiti na siya.
BINABASA MO ANG
UNDERCOVER LOVE
Action[Bad Boy's Love to Problematic Girls Series Story # 5] Three girls with different family backgrounds, met and became friends. All because they shared one dream: To become detectives. At first, it seemed impossible for them to reach their dream. Unti...