CASE 05: THE CONFESSION OF ERICKA?!!

60 3 0
                                    

 

Emily’s PoV

Matagal ding hindi nakamove-on ang lahat sa tawanan. Umabot siguro kami ng 10 minutes bago natapos ang tawanan nila. Mabuti na lang talaga at hindi sineseryoso ni Danica ang mga taong tumatawa sa kanya, just like kanina. Kung iba yun at pinagtatawanan siya, rumble na ang resulta. *sigh* Ganito ba talaga, kapag matalino ka, ikaw lang yung maykontrol sa emotions mo? I know that Danica is smart, pero hindi nga lang niya ginagamit ng maayos. Si Ericka naman, matalino talaga yun. Kaya lang mas-focus sa curricular kaysa sa academics. *sigh* Ako lang ba ang pinaka-mature sa aming tatlo? Hoy! Sa aming tatlo lang yung sinabi ko ha? Hindi ko sinabi na ako ang pinakamature na student sa school namin. *sigh*

“Panay ang pagbuntong-hininga mo ha? Anong iniisip mo?” Napatalon ako sa inuupuan ko – literal na napatalon – nang bigla na lang sumulpot sa tabi ko si Jimin. Gosh! Kanina pa ba siya?

“Kanina ka pa ba dyan?” tanong ko sa kanya. Focus Emily!

“Hindi naman masyado. By the way, why are you alone? Bakit hindi mo kasama sila Ericka at Dan? Iniwan ka ba? Haha. Joke lang.” Haha! Nakakatawa. Sus, kung hindi lang kita crush matagal ka nang walang dila. Nainsulto kaya ako sa sinabi mo, kasi totoo. Iniwan nila ako!

“Oy, joke lang naman yun. Wag mong dibdibin. Sorry na oh.” When he touched my arms, it sent shivers to all over my body. Kaya ayun, nahampas ko tuloy ang kamay niya. Mahina lang naman.

“A-apology accepted.” Ano ba Emily? Don’t stutter. “Ano nga palang ginagawa mo dito?  Dapat kasama mo sila Johannes di ba?” change topic ko.

“Si Johannes, ayun, nagtatago sa ex nya. Si CJ naman, as usual nasa mga girls niya. At si Dennis, nangungulit kay Ericka.”

“Haha. Naiimagine ko na ang mukha ni Ericka habang naiinis. Pero, para sa akin, cute sila bilang couple. I know na balang araw, magkakagusto si Ericka kay Dennis.” Yun talaga ang naiisip ko tuwing magkasama at magkaaway sila. I can see in Dennis eyes that he is interested kay Ericka. “If that happens at naging sila payag naman ako. Wag lang papaiyakin ni Dennis ang kaibigan ko. Dahil kung hindi… babaliin ko ang buto niya.” Hindi ko alam kung may nakakatawa ba akong nasabi kasi, tinawanan ako ni Jimin. Ang cute nya pala kapag nakatawa.

“I can’t imagine you, breaking Dennis’ bones. But you did great in that joke, Em.” Patuloy pa rin siya sa pagtawa. Nag-blush naman ako kasi naga-gwapuhan ako sa kanya tunwing tumatawa siya. Pero seriously, seryoso ako sa sinabi ko kanina. Dapat mainis ako kay Jimin kasi he underestimated me pero hindi ko magawa… Bakit ko nasabing he underestimated me? Kasi…kaya ko talagang baliin ang mga buto ni  Dennis. Hmp. Hindi niya kasi ako kilala kaya he judge me easily. Ayan tuloy naalala ko tuloy yung last na tao na nag-underestimate sa akin.

*FLASHBACK*

 I graduated as our class Valedictorian when I was in elementary. And because of my good grades, hindi ako nahirapan na makapasok sa Veiraduff. It was my first day as a Junior High student in Veiraduff at hindi ko alam kung anong kailangan kong gawin. Usually, sa mga nababasa ko sa mga story, para makilala ka it’s either matalino ka, cheerleader, maganda… or a bully. Well kung isasama mo ako sa mga grupo na nakalista diyan, I think I will belong in the matalino’s or in the bully. Yes. I am a bully. Lagi ko ngang binu-bully yung mga classmates kong bitch, witch at bully when I was in Elem. At dahil bully nga ako, takot silang magsumbong sa mga parents nila. Pero, I want to change my image this school year. Para naman magkaroon ako ng mga friends. So I think I will settle in the Matalino’s but I can’t promise na hindi ako makakasakit ng kapwa. If they will provoke me, then wala silang magagawa kundi makita ang bully-side ko.

UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon