CASE 07: THE CLUE
Ericka’s PoV
2 hours and 54 minutes after the incident….
Katatapos ko lang maligo at nagbihis agad ako ng pantulog. Magsi-sleepover kami dito! Ano ba naman yan! Kung kalian may nangyaring hindi maganda saka pa kami makakatulog dito.
Pagkababa ko ay nakita kong nakalapag na ang mga pictures at ang iba ay nagsisimula nang maghanap ng clue. May hinanda din silang printer at laptop. Grabe si Emily! Kinareer talaga ang pagiging detective.
“Em, Eli. Ito oh. Maligo at magbihis na muna kayo. Ako muna ang maghahanap ng clue.” Tawag ko sa kanilang dalawa at ibinigay ang pantulog na kinuha ko sa closet ni Danica.
“Sure ka? Baka naman lukutin mo ang mga pictures dahil sa inis.” Sabi ni Emily sa akin? Ano daw?
“Ba’t naman ako maiinis?’
“Ito. Sige maliligo muna kami.Ikaw na bahala dito ha?Wag mong lukutin yung mga pictures ha!” sabi niya sabay abot sa akin ng isang picture tapos dali-dali silang umalis.Nang tiningnan ko na ang picture... S**T!! Makakapatay yata ako ng tao!
“EMILY ROBSON!!!” Urgh! Nakakainis nga! Ayan napapasigaw na tuloy ako sa bahay ng may bahay. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip niya at kinuhunan niya ako…kami ni Dennis, na magkasama. Ang mas malala, nakatawa pa ako sa picture. Para tuloy akong natutuwa sa Bwisit na’yon kahit sarcastic na tawa ang binigay ko sa kanya. Hay. Bakit ba kasi ang ganda ko pa rin kahit anong reaction ko?! NAKS! Ito naming si Emily, tumawa…nang NAPAKALAKAS! Dinig yata sa buong mansion ang pagtawa niya. Sige. Balang araw ako naman ang makakaganti sa’yo! *evil laugh*
“Ericka,” napatingin ako kay CJ nang bigla niya na lang ako tawagin.
“Bakit? May problema?” tanong ko sa kanya tsaka tumabi sa pagkakaupo niya.
“Kailan pa naging kayo ni Dennis?” prankang tanong niya. @-@! Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Naka drugs ka ba?” tanong ko sa kanya. Baka naka-drugs talaga ‘tong mokong na ito. Kami ni Woodson mag-on? Eh, hindi ko nga kayang makasama yun o Makita yun kahit 10 seconds lang eh. Tapos magiging kami?!HELLO?!
“Tsk. Bakit laging ganyan ang itatanong at isasagot niyo sa akin kapag nagtatanong ako kung maykarelasyon kayo? HINDI! Hindi ako naka-drugs! Mambabae pwede pa. Pero drugs?”
“Relax...Baka atakehin ka niyan. Pero… Chanyeol, kapag sinabi mo ulit yun, puputulin ko yang dila mo. Pwede ba?” pagbabanta ko sa kanya. Hindi ko naman talaga totohanin yun kasi saying sa oras ang baliw na ito. Madudumihan pa yung mga kamay ko. Hay.
“Pare, may inumin ka ba dyan?” tanong ni Johannes kay Chanyeol.
“Pare, nasa harap mo yung bar counter, kaya maghanap ka! Wag ka lang magtanong, ang tamad!” Sheez. Umiinom nga talaga ang mga lalaking ito. Mabuti pa ako, kahit umiinom one shot lang. Oo. One shot lang talaga. Underage pa ako eh. Bawal pa daw sabi ni Mama. Pero kahit ganoon, kapag kailangan ko na talaga umiinom ako. Isa lang naman! Tsaka, once a month lang naman ako umiinom ano? Hindi katulad ng mga tao dito na halos buong araw naghahanap ng maiinom at mapagbubuntungan ng galit.
“Ganito karami ang nakuhang picture ni Emily?” bigla akong napaangat ng tingin ng makita ko si Woodson na nakaupo sa tapat ko. Para hindi na ako ma-istress ng masyado nagpatuloy na lang ako sa paghahanap ng clue sa mga pictures and then I saw one picture na kumuha talaga ng atensyon ko. Sa picture, si Sam, isang Royal – well, sya yung babaeng nakaaway ko when I came here – ay nakikipag-usap sa kapwa popular girls ng campus. Pero hindi iyon ang kumuha ng atensyon ko. Yung taong nasa likuran niya. I know that girl…the victim.
BINABASA MO ANG
UNDERCOVER LOVE
Action[Bad Boy's Love to Problematic Girls Series Story # 5] Three girls with different family backgrounds, met and became friends. All because they shared one dream: To become detectives. At first, it seemed impossible for them to reach their dream. Unti...