Case 15: How to Seduce?!! O__O (Training Part Two)

31 2 1
                                    

Case 15: How to Seduce?!! O__O (Training Part Two)

Danica's PoV

"Hinay-hinay lang. Baka mabilaukan ka na niyan." Sabi niya sa akin ngunit patuloy pa rin ako sa pagkain. Kung nagtataka kayo kung sino ang kasama ko ngayon, ' yon yung lalaking sumalo sa akin kanina. At akalain mo nga naman si Alex pa talaga!!

Nakita ko na hindi pa rin niya masyadong nagagalaw yung pagkain niya. At dahil ako ay ako, ako na gluttony, kinapalan ko na pagmumukha ko.

''Di ka kakain? Sayang naman oh. Akin na lang?" tanong ko sa kanya sabay turo sa sashimi sa plato niya. Kumakain kasi kami dito sa may Japanese na restaurant kasi yun yung mas malapit kung saan ako malapit mahimatay kanina.

Akalain mo yun?! Nahimatay ako dahil sa gutom?! Never pang nangyari yun! Ito kaya talaga ang nangyayari sa akin kapag nasobrahan sa shopping at gutom? Alam niyo ba na nang masalo ako ni Alex na nasabi ko na ang hot ng guy? Hindi ko meaning yung mukha at body built niya ha... Wait, body built pala yung tinutukoy ko. Kasi naman nagmukha siyang hotdog sa paningin ko kaya nasabi kong hot. Sabihin na nating crush ko nga siya but mas mahal ko parin mga pagkain ko. ^__^ Haha!!

"It's okay. Kain ka lang." sabi niya saka iniabot sa akin yung plato ng sashimi. Itadakimasu!!

"By the way, matanong ko lang, ikaw lang ba mag-isa rito sa mall?" tanong niya sa akin. Umiling lang ako. Puno kasi bibig ko kaya di makapagsalita. (=___= /V) Peace.

"Kasama ko sila Em, Eri, Eli, Johannes, CJ, Dennis at Jimin. Nasa 3rd floor sila. Naghahanap ng mga damit para sa wardrobe ko daw." =__=" Psh. Hassle lang yan.

"Bakit kayo bumibili ng bagong wardrobe?" tanong niya ulit sa akin. Natigilan naman ako kasi....

.

.

.

Nakalimutan ko rin ang dahilan!

Dios Mio, Danica! Nagmemeno-pause ka na ba?!! Nakalimutan mo na agad ang purpose ng pagpunta mo rito?

Xensya, mahina utak eh. Kailangan pa ng pagkain.

Kaya ayon! Hindi ko muna sinagot si Alex at tinira na ang mga pagkain.

"Honestly speaking, nakalimutan ko rin ang dahilan kung bakit kami namimili." tas napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Haha! Nakakatuwa ka talaga, Danica!" sabi niya sabay pisil sa ilong ko. Ano ako stuffed toy?! Kaya ayon, napa-pout naman ako. Tapos bigla siyang namula. "S-so. Malapit-lapit na rin ang new sem. Handa ka na ba para sa election?"

Natigilan ako. Naman oh! Buti pinaalala!! Every first week of sem nga pala may election for the student buddy! Nakalimutan ko! Dami kasing nangyayari ngayong summer. Kinain ko yung sashimi. Tapos nagsalita.

"Alam mo naman siguro ang sagot." He chuckled at my answer. Ang cute niya tumawa! O/////O ~~~ Ano ba tong iniisip ko!

"Eh ikaw. Handa ka na bang mag-abduct sa trono mo? Baka mamaya malaman mo na lang may nakakuha na ng position mo ng hindi mo man lang alam. "sabi ko habang nakatingin ng seryoso sa kanya.

Ericka's PoV

Kakalabas lang namin sa boutique kung saan kami namili ng mga damit. Specified kasing sabi ni Tita Danila na don daw kami sa boutique na iyon maghanap ng damit. At actually, na-enjoy ko talaga ang pagsha-shopping!!! Ang gaganda ng mga designs nila. Cheerful at attentive din yung mga staffs. Ma-search nga ang may-ari ng store. Baka pwede ko tanungin sila mom kung pwede ako magpagawa ng customized na product from that shop. Naks! Enjoy na enjoy talaga ako nito oh!! Hindi halata di ba?! Haha!

"Guys, nasan si Danica?" dinig kong tanong ni Melissa. Napalingon ako sa likod ko at tiningnan yung mga kasama namin.

Oo nga noh! Kanina pa namin di kasama si Danica!

"Sus. Baka naman nagutom yun kakahintay sa atin kanina kaya bumaba sa ground floor para kumain. Ganon naman talaga yun. Pagkain na lang ang iniisip."kalmadong sagot ni Emily. Tsk. Tama naman kasi.

"Mas mabuti pa hanapin natin siya sa ground floor." pagsa-suggest ni Johan.

~~~Ground Floor

Pagkadating naming dun, nakita agad namin si Danica...with someone else...a guy to be specific.

Naks!!Umi-improve si Danica ha!Nakikipag-date na! Sa crush pa! Nice one! Wait si Alex yun diba? Means...one of the suspects. Suspect nga pala yung crush niya! Pano yan!

Nakarinig ako ng mga tilian. Sino pa nga ba ang dahilan? Syempre yung mga gwapitong kasama namin. Tsh. Maglandi lang talaga yang Dennis na yan at susuntukin ko talaga yung treasure niya.

Nilingon ko mga kasama ko kasi baka makita pa kami ni Danica.

"Ano b- Teyka nasan si Johannes?" tanong ko kasi nawala bigla yung hinayupak na yun. Tapos may tinuro si Melissa kaya tinignan ko. Nakita ko si Johannes, nasa isang arcade at nilalaro ang isang...boxing game?! Alam niyo yun? Isusuot mo yung boxing gloves tapos susuntukin mo yung punching bag tapos may lalabas na score? Yun yon. Tiningnan ko si Johannes. Nag-iba kasi yung expression nya. Tapos sinuntok na niya yung punching bag. And guess what?!! Siya na yung highest score! 400!!

O_______O

"Anyare sa kuya mo? Bakit biglang nagbago ang mood?" bulong ko kay Melissa.

"Di mo halata? Nagseselos siya kina Danica at Alex." Napatingin ako bigla kay Melissa na para bang tinubuan siya ng mushroom sa ulo niya. Alam kong para na akong weird ngayon kasi for sure nanlalaki ang mata ko at wide open yung bibig ko.

"May g-g-gusto siya kay Danica?" di makapaniwalang bigkas ko sa kanya. Ano ba to? Nagiging makata na ako. Kita niyo?! Naman oh?!

"Oops. Wag mo sabihin kay Kuya na nasabi ko na sayo ha. Aawayin ako non." Sabi niya tapos binaling niya ulit yung tingin niya sa harap. "But seriously? Kailan pa naging close yung dalawang yun?" nakanguso niyang turo kila Danica.

"Matagal na yang magkakilala. Kaya lang nakalimutan ni Danica si Alex because of that incident. Amnesia. She had an amnesia at sa pagkamalas-malas ni Alex siya pa talaga yung nakalimutan. Ang first love ni Danica ang nakalimutan niya. Ang lalaking unang nagpalambot sa puso ng babaeng alien na iyon." Natigilan ako dahil sa sinabi ni Dennis. Is it real?!! First love ni Danica si Alex noon pa man?

Napatingin ulit ako kay Alex tapos kay Johannes.

Heh. Ang galing ng timing. Magagamit natin yang 'love' niyo para sa mission. Danica, you reallyhave the charisma. Sana nga lang sa ending makapili ka ng tama.

Ano na naman 'to?! Nagiging makata na naman ako!Kita niyo?

ߘ@.

UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon