Case 13: When There's Death, New Beginning Will Bloom
Emily's PoV
The next morning....
Nagising ako sa mahimbing kong pagkakatulog dahil bigla na lang nag-ring yung cellphone ko. And this time alam ko na na bakasyon pa rin. Ayaw ko sanang sagutin yung cellphone ko ngunit dahil limang beses nang may nagtangkang tumawag sa cellphone, syempre sinagot ko. Alangan namang hayaan ko eh ang ingay na ng nakakairitang cellphone na ito.
"Hello?" walang gana kong sagot. "What do you need? It's a freaking 6:36 in the morning."
"Oh, hi Emily. I'm sorry for disturbing you kaya lang kailangan niyo na talagang pumunta dito sa hospital. Si Shine..." agad kong nabitawan yung cellphone nang marinig ko kung anong nangyari.
"Emily? Nandyan ka pa ba? Sabihan mo si Danica na -"hindi ko na pinatapos si Tita sa pagsasalita at agad kong ginising si Ericka.
"Get up right now, Sleepyhead."niyuyuyog ko na siya ng husto hanggang sa bumangon na ito. Tumingin siya sa alarm clock niya at binigyan ako ng bagot na tingin.
"What is wrong with you? It's rare for you to wake someone up on a freaking 6:46 am." Sinubukan niyang humiga ulit ngunit hinawakan ko ng napakahigpit ang braso niya para hindi subukang matulog ulit.
"I'm sorry for ruining your beauty rest but we need to leave now." She was planning to protest but she stopped when she saw my serious look. "Change. I'm going to wake,Danica up." Nang sabihin ko yun agad akong napalunok. Si Ericka tiningnan ako na para bang nababaliw na ako dahil sa sinabi ko.
"Are you sure na gigisiningin mo siya?" Kinuha niya ang alarm clock at tinuturo-turo ito sa harap ng mukha ko. "Gigisingin mo siya sa ganitong oras? Gusto mo bang mapunta sa impyerno ng maaga? Alam mo naman na ayaw na ayaw ni Danica na ginigising siya ng napakaaga."
"I basically know that. But this is a serious case, Ericka. It's about Shine." Agad akong umalis at pumunta sa kwarto ni Danica.
Do it! Do it! Kayanin mo!
I entered Danica's room. Ngayon ko lang napasok ito, mabuti pa si Ericka nakapuslit sa kwarto niya dati. Kahit hindi appropriate ang timing hindi ko maipagkakaila na manghang-mangha ako sa kwarto niya. Pink and Purple? Seriously ganito yung color nang kwarto niya. Well, yung color ng kwarto hindi yung super girly na pagka-pink na pag tinignan mo mapapasabunot ka sa buhok mo. Yung color ng kwarto ay yung pink na magpapagaan ng loob mo.
Chotto!!!Stop! Stop!
"Danica Rose Jacobson! Gumising ka na!" bumangon naman siya agad. Ngunit yung mukha niya ay natabunan ng bangs niya kaya hindi mo makikita ang reaction siya sa paggising ko sa kanya. Napahawak siya sa leeg niya at hinimas-himas ito.
"Neh, Emily. Alam mo ba kong anong oras pa? B-"
"Mamaya na yang tantrums mo. Magbihis ka na pupunta tayo sa hospital. May nangyari kay fine. Nasa baba na ang sundo natin." Nang masabi ko na ang sadya ko, agad akong lumabas at isinara ang pinto.
Can you believe it? Walang nasabi si Danica. Napatahimik mo si Danica kahit ginising mo siya sa ganitong oras. Tsk.
Hindi pa ako nakakaalis sa harap ng pinto niya kaya naman ng buksan niya ito ng napakalas ay tumalsik ako papunta sa kabilang kwarto.
"Ang bilis mo naman atang nakabihis?"tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang katawan ko kung may nabali bang buto mabuti na lang at konteng galos lang ang meron. Tinulungan niya akong tumayo at hinila ako papunta sa harap ng bahay.
BINABASA MO ANG
UNDERCOVER LOVE
Action[Bad Boy's Love to Problematic Girls Series Story # 5] Three girls with different family backgrounds, met and became friends. All because they shared one dream: To become detectives. At first, it seemed impossible for them to reach their dream. Unti...