CASE 11: THE BOMB

27 3 1
                                    

CASE 11: THE BOMB

3rd Person’s PoV

Pagkalapag na pagkalapag ni Danica sa motorbike….

“Bring it on, Baby!” sabi niya habang nakatingin sa taas ng daanan. Nang huminto siya ay huminto rin ang namamaril sa kanila na siyang ipinagtaka ni Danica.

Bakit sila huminto?

Agad na itinutok ng isa ang baril niya kay Danica. Mabuti na lang at napaandar agad ni Danica yung motor at naiwasan niya ang putok.

What the?!!

“Anong pakay niyo?!” she said shakily.

Rinig na rinig ni Danica ang tawa ng dalawa at nagulat siya sa mga sinabi nito.

“Takot ka na ba ngayon, ***** ****?! Akala ko ba wala kang kinakatakutan?” sabi ng isa na may hawak ng baril.

Bigla nilang binaba ang motor nila kaya naman nasa gilid na lang sila ni Danica.

“Nagulat ka ba kung bakit ka namin kilala? Well, you should be. Dahil kung hindi…Patay silang lahat.” Sabi naman ng nagmamaniho ng motor.

“A-anong kailangan niyo sa kanila? Kasamahan ba kayo ng killer ng kaibigan namin?” litong tanong ni Danica sa kanila.

“Anong killer?! Wala kaming pinapatay. At wala kaming kasamang iba! Kami lang! Wag mong sabihing may iba kayong pursuers?!”

Nalito ang dalawa dahil bigla na lang nag-smirk si Danica at naisip nilang…TRAP!!!

Agad binunot ni Danica yung baril na dala niya tsaka pinaputukan ang gulong ng motor nila. Bumagsag ang dalawa kaya huminto si Danica.

“No one mess with me. Even if you are his agents, I would not lose to you.” Sabi ni Danica at agad na kumuha ng handcuff. “Dan to Agent Em. Dan to Agent Em. Over.” Tawag niya kay Emily habang nakakonekta sa isang transreceiver.

“Agent Em to Dan. Report. Over.”

“2 suspects. Apprehended. Over.”

“May paparating na na mga pulis dyan. Siguraduhin mo munang hindi sila makakatakas. Agent JL is on cover. Back-up needed.”  Medyo hindi malinaw ang reception kaya nahihirapan silang makakunekta sa isa’t isa.

“What does he need? Bakit niya kayo pinadala dito?!”

“Malalaman mo rin daw sa 16th birthday mo. Wag kang masyadong kampanti. Mas malakas siya kaysa sa akala mo.” Sagot nila habang naka-smirk. Nainis si Danica kaya pinatulog niya sandali.

I know. You don’t have to say it.

Samantala….Pagkaalis ni Danica sa van….

“Siraulong Danica! Sabi ko sa kanya may motorbike na naghihintay sa kanya half-way. Aalis na lang bigla?”

“Oy, Emily. Alam niyo ba talaga yang ginagawa niyo? Paano mo naman nasigurado? Paano kapag may masaktang iba? Anong gagawin natin kung hindi tayo makaka-” naputol ang sasabihin ni Melissa nang putulin ito ni Jonathan.

“Trusts us, Mel.” Nanlaki ang mata ni Jonathan at mas nagulat ito ng hindi siya pinagalitan ni Melissa. “Hindi mo ako sasaktan o papagalitan dahil tinawag kitang Mel?” tanong niya dito habang diretsong nakatingin sa daan.

UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon