Case 18: The Great Surrender

14 0 0
                                    

Emily's PoV

Nakalabas na kami sa venue ng party. Mabuti na lang at walang nakapansin na nakapalibot kami sa venue kanina dahil lagot kami pag nagkataong may nakakita.

"Nakuha mo ba, Dan?" tanong ni Ericka.

"Yes, nakuha ko." Binigay niya sa amin yung bagay na pinaka-iniingatan namin. Ngunit nang makita ko yung mata niya, may nakita akong pag-aalinlangan doon. Sakit, lungkot, galit at pagkamuhi.

"May iba pa bang nangyari sa loob? May iba kang nakita o nalaman?" Tanong ko sa kanya at pilit binabasa yung ekspresyong nasa mukha niya. Napansin kong bigla siyang naging alerto nang tanungin ko iyon at nawala yung pag-aalinlangan na nakita ko.

"Wala na akong ibang napansin. Hali na kayo, umalis na tayo. Delikado na tayo rito." Sagot niya naman.

BOOOGSH!!!!

Napadapa kami bigla dahil sa lakas na narinig naming pagsabog.

Napatingin kami sa venue ng party. At nagulantang ako sa nakita ko. May kung anong sumabog sa loob na naging dahilan ng sunog. Marami kaming narinig na sigawan at iyakan. Yung mga taong nasa labas natataranta na.

"Tinawagan ko na yung bombero at pulis." Sabi ni Chanyeol.

"Umalis na tayo dito. Baka ano pang mangyari. Hindi na ligtas." Sabi ni Johannes sa amin habang may pag-aalalang mukha.

"No! Hindi tayo aalis agad! Tulungan natin yung ibang nasaktan at survivors. I-try na rin nating patayin yung apoy, baka may magagawa pa tayong paraan para matulungan yung ibang nasa loob." Sabi ni Ericka. Mangiyak-ngiyak siyang naglakad palapit sa mansion ngunit may pumigil sa kanya.

Napatingin ako sa kamay na humawak sa braso ni Ericka. Hindi ko maiwasang kabahan.

"Hindi na natin kailangan gawin yun! Baka dumagdag lang tayo sa nangyari. At isa pa! Yung mga taong nasa loob, mga terrorista iyon. May mga gangsters, mafia at assassins sa loob! Tutulungan mo ang mga mamamatay tao? Nababaliw ka na ba?! Buti lang sa kanila yun!" Pagalit na sigaw ng pinsan ni Danica.

Teka. Ano daw sabi niya?

Ericka's POV

"Hindi na natin kailangan gawin yun! Baka dumagdag lang tayo sa nangyari. At isa pa! Yung mga taong nasa loob, mga terrorista iyon. May mga gangsters, mafia at assassins sa loob! Tutulungan mo ang mga mamamatay tao? Nababaliw ka na ba?! Buti lang sa kanila yun!" Pagalit na sigaw ni Dennis.

Pagalit kung tinanggal yung kamay niya sa braso ko. Galit ako. Galit na galit.

"Baliw ka ba? Eh ano naman yung mamamatay-tao yung nasa loob?! Tao pa rin sila! May buhay! At tayo dito, ligtas tayo! Habang yung mga tao doon sa loob, malamang nag-aagaw buhay na!" Tinuturo ko yung venue para malaman niya na seryoso ako sa sinasabi ko. "May kakahayahan tayong iligtas ang mga taong 'yun! We're capable of helping somebody even if some people think that they don't deserve to live! Oo mamamatay tao nga ang iba doon, pero paniguradong marami ring mga inosente! Hindi dapat natin ginagawang dahilan ang pagiging masama nang isang tao para tulungan ito! May buhay sila! At dapat hindi tayo gumagawa ng bagay para maihalintulad din tayo sa mga mamamatay tao! May kakayahan tayong sagipin sila pero wala tayong gagawin? Mas masahol pa pala tayo sa mga criminal kung ganoon!!!" Galit na galit ako. Na umabot na sa puntong napaiyak na ako.

Ayaw ko talagang magalit lalo pa't minsan yun galit ko nauuwi sa pag-iyak. Bwesit talaga. Ayaw kong makita nila akong mahina.

Bigla akong napaupo dahil di na kaya nang katawan ko yung nerbyos, galit, at iyak ko. Napahawak na din ako sa mukha ko para di nila makita yung pag-iyak ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon