CASE 04: THE PARTY

49 2 0
                                    

 

ERICKA’S PoV

Kahapon sa school, nong nag-attendance kami, sinabi ng prof namin na wala kaming klase ngayon kasi ang mga teachers ay magsi-seminar para na rin sa Foundation week ng school. Kaya ito, nasa bahay ako ngayon nagluluto.  I’m cooking our breakfast.Thanks to Danica I woke up late in the morning. I told her to wake me up early but she's still sleeping.It was supposed to be her day to cook. While Danica is sleeping, Emily is watching anime. A detective anime called Detective Conan. Sus. Pa-easy-easy na lang si Emily, hindi ba siya naawa kay Danica kagabi?

~~~~~Last Night~~~~~~~~~~~~~

“DANICA!Why did you do that?! Iniidolo pa naman kita kasi wala ka pang record sa detention tapos narinig ko na lang sa mga classmates ko na na-detention ka?!And worst, sinadya mo talagang magpa-detention, para lang makaiwas sa meeting?!” sigaw-sermon ni Emily kay Danica na kasalukuyang nakaluhod sa asin.

“Sorry na nga. Ayaw ko lang talaga mag-attend ng meeting nun.Teyka, bakit mo ba ako sinisigawan at pinaluhod mo pa talaga ako sa asin? Hindi naman masyadong masama ang ma-detention.” Sabat ni Danica.

Oo nga naman. Bakit ba pinaluhod ni Emily sa asin si Danica?

“P-pan-disiplina. Aish. Sige na nga. Talo na ako, tayo ka na. Sorry din. Nasanay lang siguro ako kasi ganyan lagi ang pinapagawa sa akin ni A-mama.” Well, talaga nga sigurong malupit minsan ang parents niya.

~~~~~~~~~

Ilan lang yun sa mga sinabi ni Emily kagabi. Alam nyo bang inabot kami ng 3 hours sa sermonan dahil lang sa unang bisis ni Danica na ma-detention! At ang malala, nadamay pa ako sa sermon ni Emily kasi daw, umalis ako bigla. Aba, malay ko ba na hinahanap niya ako! Dahil sa sermonan, hating-gabi na kami natulog. Kaya ayon, si Danica na mantika kung matulog, tulog pa rin. Ay may mali nga pala akong nasabi kanina. Hindi na pala breakfast ang niluluto ko. Lunch na pala. Ganun ako ka-late nagising. Aish!

“Oy, Ericka, punta tayo sa mall.” Hindi ko alam kung paano napunta bigla si Emily sa tabi ko pero mas nagulat at nagtaka ako sa sinabi niya sa akin. Kinuha ko ang frying pan at tinutok ko sa kanya.

“Sino ka? Saan mo dinala si Emily?! Magsalita ka!What did you do to her?!Sasagutin mo ako o ihahampas ko ito sa pagmumukha mo!” sigaw ko sa kanya. Sino ba ‘to? Kamukha niya si Emily pero…pero alam kong hindi ganyan si Emily. Never pang nang-invite si Emily sa akin na pumunta sa mall. NEVER PA!

“Aish. Ano ba? Ilayo mo nga yan sa mukha ko. Baka masaktan mo pa ako niyan. Ano bang kalokohan ang sumagi sa isip mo at itinutok mo sa akin yan, ha? Tsaka, ako talaga ito noh. Emily. EMILY ROBSON!”

Napataas ako ng kilay. “WEEH?! Alam mo…UHMMM, kung sino ka man, never pa akong inaya ni Emily – nang totoong Emily – na mag-mall.NEVER PA! So, imposible na ikaw si Emily!”

Ti-nap niya ang balikat ko. “Ericka, bawas-bawasan mo na nga ang panonood ng alien movies. Nasobrahan ka na ‘ata.Masama pa ang magbago ng taste agad?”

“Good morning! Ay!Hindi na pala morning.GOOD NOON! Anong lunch natin?”

Mabuti naman at alam niya na tanghali na. Thank you rin, dahil sa bigla mong pagsulpot nakalusot ako sa sermon ni Emily.

Na-weirduhan ako kay Danica kasi tinuro-turo niya ang nasa likod ko. Ano bang meron? “Oy, Ericka! Yung niluluto mo, umuusok na!”

UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon