Case 17: Chasing the Shadow of the Past
Third Person's PoV
Noong mga oras na sinugod sila Danica ay isang pag-uusap ang naganap.
"Are you sure about your plan, X? What if she learns that you are one of the reasons why these things happen in their life?" sabi ng isang lalaki habang nakatingin sa lalaking nasa Driver's seat.
"Eh, ikaw? Di ka ba nagsisi na pinatay mo ang dalawa sa kaibigan nila dahil sa paghihiganti? Sa tingin mo madali ka lang mapatawad ni Ericka dahil sa ginawa mo?" pabalik na tanong naman niya sa lalaking nasa passenger's seat.
Napangiti na lang siya ng mapait. "Para saan pa ang pagsisisi ko? Alam ko naman na hindi na siya mapapasaakin. All I need to do is to be with her." Kumuha siya ng isang sigarilyo mula sa bulsa at sinimulang hithitin iyon. "Ba't mo pa kinuha yan?" tanong niya habang nakatingin sa tatlong bagay na ninakaw nila.
"Alam kong naging masama ako sa ilan. Pero kahit naman sa ganitong paraan lang, makalimutan nila ang isinumpang nakaraan nila. I know na maiintindihan nila ang dahilan ko kapag nahuli na nila ang killer...kung hindi pa man sila nakukuha ng killer." Agad naming pinaandar ang kanilang sasakyan ng makita nilang lumabas ang mga ninja na inutusan nila.
"Nasasainyo na ang kapalaran ng buhay niyo at ng buhay ng mga taong malapit sa inyo. Mag-ingat kayo."
Tatlong araw ang lumipas...
"Ready na kayo?" tanong ni Melissa sa mga kasama.
"Basta tandaan niyo okay, wag kayong hihinto kapag hindi pa kami tumatawag." Sabi ni Ericka sa mga kasama. Tiningnan niya naman ang dalawa niyang kaibigan. "Bagay sayo ang black gown, Em. Bagay din sayo yung white gown Dan. Nagmumukha kang malinis at babae." Pabiro niyang sabi para mabawasan ang tension sa kanilang Barkada.
"Nakakatawa... ano tingin mo sa'kin madumi?" Sabi ni Danica na may malasarcastic na tono.
"Tigilan nyo na nga yan baka mauwi pa ito sa away." singit ni Emily, "Let's be serious guys. Kunin na natin yung pakay natin and yun... tapos."
"Oo na. Guys, bilis na baka mahuli pa tayo." Nagmamadaling sabi ni Ericka.
Ericka's PoV
Nagsisimula na ang party nang makarating kami. It's good that we're fashionably late dahil pagpasok namin ay tumingin silang lahat. Being fashionable is my style, ha!
"Buti nalang masquerade ito. Nakakahiya namaaaaan." sabi ni Danica. Hindi ko nalang siya pinansin at nagsignal nalang ako.
"Positions. Baka malapit lang siya." sabi ni Emily pagkatapos kong magsignal sa kanya.
Danica's POV
Nakita ko na nag-signal na si Ericka na pumosition na kami kaya hinigit ko na lang ang partner ko daw sa ball. Tsk . Sipain ko kaya ang bola para tumama sa mukha niya. Oy lol. Kinakausap ko na sarili ko.
"Why are you smiling? You're creeping the hell out of me, Danica."
Napa-tsked lang ako sa kasayaw ko. Bakit ba kasi siya pa?
"Hey, I just want to ask you something?" tumango ako. Ayaw ko magsalita. Kakapagod kaya. "What if mahal mo ang isang tao pero yung taong mahal mo, may mahal na iba, bestfriend mo pa.Pero paano kung yung bestfriend ng mahal mo mahal ka, tapos yung bestfriend mo mahal yung taong nagmamahal sayo?"
BINABASA MO ANG
UNDERCOVER LOVE
Action[Bad Boy's Love to Problematic Girls Series Story # 5] Three girls with different family backgrounds, met and became friends. All because they shared one dream: To become detectives. At first, it seemed impossible for them to reach their dream. Unti...