Simula

138 8 0
                                    

Raven Michael's

Agad akong napangiti nung nakitang pumarada sa harapan ng simbahan ang isang bridal car. Abot abot ang kaba sa dibdib ko habang nasisinagan ang magandang mukha ng babaeng pinakamamahal ko mula sa bintana ng sasakyan.

Huminga ako ng malalim at inayos ang suot ko. Dahan-dahang lumapit ako sa kanya at kumatok sa bintana ng sasakyan.

Halos pigil ang hininga ko habang bumababa ang salamin at mas nakita ko ang napakaganda nyang mukha.

Gaya noon, kayang kaya pa rin nyang patigilin ang tibok ng puso ko. Walang pagbabago kahit na mahigit labin limang taon na ang nakakalipas mula noong unang beses kaming magkita.

"Hi, Kael! Salamat naman at nakarating ka" nakangiting bati nya sakin. Ngumiti rin ako pabalik kahit na pakiramdam ko'y unti-unting nadudurog ang puso ko.

"Hindi rin ako magtatagal, My. Duty kasi ako ngayon. Dumaan lang ako para batiin ka. Masayang masaya ako para sayo" ganun talaga siguro, pag mahal mo hahangarin mo na lang ng kasiyahan nya kahit kapalit nito ay kabiguan mo.

"Salamat Kael" nakangiting tugon nya. Kitang kita ang maaliwalas na mukha nya dala ng labis na kasiyahan dahil sa wakas ay ikakasal na sya sa taong mahal na mahal nya.

"Ganyang ganyan ang itsura mong pinapangarap ko noon. Naiimagine ko na hihintayin kita sa altar suot ang napakagandang gown. Ikaw ang pinakamagandang bride na nakita ko. Yun nga lang, hindi akin" hindi na napigilan ng mga luha kong umalpas sa aking mga mata.

Ang ganda ganda nya, mukha syang prinsesa pero hindi ko na sya maaangkin gaya noon dahil hindi ko na sya pagmamay-ari.

"Kael .." hahawakan nya sana ang pisngi ko pero agad ko syang pinigilan. Lalong hindi ako makakausad pag ganito. Siya lang naman kasi ang kalakasan at kahinaan ko.

"Okay lang ako. Best wishes, My. Congratulations" sa huling pagkakataon ay hinalikan ko ang kamay nya. Ayaw ko pang bitawan yun ay sya na mismo ang umagaw nun.

Wala na akong karapatan. Simula nung nagkamali at tinalikuran ko siya --sila noon ay nawala na ang karapatan ko.

"Mahahanap mo rin yung para sayo, Kael. Hangad ko ang kaligayahan mo" nahanap ko na, kaya lang dahil sa kaduwagan at katangahan ko, nawala sya sakin.

Tinitigan ko lang ng matagal ang mga mata nya. Wala na ang galit at pagkamuhi na nakikita ko doon sa loob ng halos pitong taon mula nung araw na magkasala ako.

Siguro, dapat na rin akong maging masaya na nagawa pa rin nya akong patawarin kahit na hindi ko deserve ang bagay na yun.

Looking at the woman I love while exchanging vows with her beloved husband is a complete torture.

Parang may nakabaon sa puso kong isang matalas na bagay at hindi pa ito natuwa, umikot ikot pa doon para mas masaktan ako.

"Ano insan, kaya pa ba?" Nakangising tanong sakin ni Gio -- ang pinsan ko habang nakaakbay pa sakin. Kaibigan din kasi sya ng napangasawa ni Myka, ang dating kasintahan ko.

Kahit na may trabaho pa ako ay hindi ko nagawang umalis. Nagkubli na lang ako ngayon dito sa may labas ng simbahan at nagmamasid. Gusto ko kasing makita muli yung masayang mukha at maningning nyang mga mata.

Yung mga ngiting sa akin lang nya ginagawad noon pero ngayon ay sa iba na.

Inis na pinalis ko naman ang braso ni Gio at ibinalik ang tingin sa unahan kung saan magkahugpong na ang mga labi ng taong mahal ko at taong mahal nya.

Umiwas ako ng tingin at tumingin sa langit para pigilan muli ang mga luha ko. Siguro, karma ko to dahil sinira ko ang buhay nya. Hindi ko tinupad ang mga pangako ko sa kanya .. nung mga panahong hawak ko pa sya.

PalagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon