No character in this book is intended to represent any actual person;all the incidents of the story are entirely fictional in nature.
Copyright ©2021
All rights reserve.No parts of this publication may be reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopy, recording,or any information storage and retrieval system now known or to be invented, without permission in writing from the publisher, except by a reviewer who wishes to quote brief passages in connection with a review written for inclusion in a magazine, newspaper,or broadcast.Hello,amm... thankful ako kong ipagpatuloy mo pa ang pagbabasa nito.I save mo na to dahil hindi ka magsisisi . I'll do my best para maging maganda itong story at maging exciting.Pero guys kong may napasin kayong mali o nakaka confuse na part i-tawa niyo nalang .Free naman pong magcomment. Salamat...
Prologue
In another world....named Maglo, a magical world.
Where love and magic is real...a boy is born because of love and magic.The love of two great magic users. Their legacy will never be forgotten.It will always be in the hearts of every people,love.Binigyan ang bata ng pangalang Darwin.
Lumaki ang bata na hindi na nakasama ang kaniyang mga magulang. Ang kaniyang lola at lolo nalang ang nagkupkop sa kaniya. Tinuring namang niya sila bilang mga magulang at minahal sila na parang kaniyang ina at ama.Katabi niya sila sa pagtulog,kasama sa pagtatanim,kasama sa pangangahoy,at maging sa pangangaso ay kasama niya ang kaniyang lolo at lola.
Hindi na si Darwin mahiwalay sa kaniyang mga lolo at lola. Ayaw ni Darwin na mawala sa kaniya ang kaniyang magulang. Ikakamatay niya kapag nawalay sila sa kaniya. Sinabihan siya ng kaniyang lolo na hindi sila parating magsasama ,at balang araw ay mawawala din sila sa piling niya. Pero sabi ni Darwin na sasama pa din siya kahit sa kabilang buhay.
Sa mundo nila Darwin, ang mga tao ay napupunta sa lugar na tinatawag na "Ang Dulo ". Dito ka hahatulan at dadalhin sa Mabuting Kalagayan o sa Kadiliman.
Habang masayang nangangaso sila Darwin ay may dumating na gruka. Ito ay isang malaking halimaw. Walang mata pero may matalas itong panrinig. Ang katawan nito ay parang higanting daga. Ito ay may apat na malalaking tenga sa ulo at balikat. May mahaba din itong buntot ,matatalas na kuko, mahahabang pangil ,at uhaw ito sa dugo ng tao. Sila ang mga isa sa mga halimaw sa mundo ng Maglo. Wala silang awang pumapatay magkalaman lang ang kanilang sikmura. Hindi sila umaatake ng sama-sama, dahil gusto nila masulo ang kanilang biktima. Ganon sila ka sakim.
Gruka ang pangatlo na kinakatakutang halimaw dahil sa bilis at lakas nito.Naglalaway na itong lumapit sa kanila.
Agad namang humarang si lolo upang maprotektahan ang dalawa mula sa gruka. Natakot ang batang Darwin at halos mapaiyak siya."Wag kang matakot"mahinang saad ng kaniyang lolo."Hindi ka namin hahayaan masaktan ng halimaw na 'to. Poprotektahan ka namin ng lola mo. Walang pwedeng manakit sa iyo."
Sinubukan nilang dahan dahang lumayo sa gruka ,ngunit hindi sila pinaalis nito. Agad na sumunggab
ang halimaw. Agad gumamit si lolo ng kaniyang kapangyarihan at gumawa ng isang pabilog na water shield. Ito ay naging pananggala nila mula sa gruka. Na naumpog sa matibay na mahika ang mukha ng gruka at sinubukan nitong sirain ang harang gamit ng kaniyang matatalas na kuko.Hindi hinayaan ni lolo at lola ang gruka na makalapit sa batang si Darwin.Gumamit ng kapangyarihan si lola at hinuli ang gruka gamit ng water cage. Na pasok sa bilog na tubig ang gruka at hindi na ito makaalis. Ihinampas ng lola ni Darwin ang bilog na tubig ,kung saan nasa loob ang gruka, sa malalaking mga puno .Habang nakaka alalay ang water shield ni lolo sa dahilan na baka makabawi ang gruka.Ihinampas ng ihinampas ni lola ang water cage sa mga matitigas na puno naparang naglalaro lang ang kaniyang mga mata.Malala ang inabot ng gruka sa kamay ng lolo at lola ni Darwin. Unti-unti ng nabali ang mga buto ng halimaw at itoy tuluyan ng namatay.
Umalis na agad sila sa gubat at umuwi na .
Nang nakauwi na sila. Napag-usapan nila ang nangyari kanina habang kumakain sila ng gabihan.Umabot ang kanilang usapan sa mga kapanahunan ng kaniyang lolo at lola.Kapanahunan na sila ay sikat sa tawag na water duo. Dati kaya ni lolo bigyan ang daan-daan ng mga tao ng water shield na subrang tibay ,at si lola at ay kaya ding hulihin ang ilang libong pana gamit ng kaniyang water cage.Pagkatapos ni Darwin kumain ay sinubukan niyang gumawa ng tubig mula sa kaniyang mga palad . Dahil bata pa si Darwin , isang tulo lang ng tubig ang pumatak. Natawa ang lolo at lola niya sa kaniya. Hindi naman nainis ni Darwin ngunit nauna nalang na matulog.
"Mahal kong lola at lolo ...wag niyo po akong ...iiwan " bulong na sabi ni Darwin. Madalas niya itong banggitin habang tulog."Mahal na mahal ko po kayo."
Magising si Darwin sa pagkakatulog. Umaga na pala .
Inisip niya" bakit wala sila?"
"Lolo! Lola!"Sigaw niya ng mapansin niyang wala na sila sa higaan.
Hinanap niya sila sa buong bahay ,pero wala siyang nakita . Kahit anino ,ay hindi niya makita ang kaniyang lolo at lola .
Tumulo nalang bigla ang kaniyang luha.
"Lolo!Lola!"umiiyak na sinabi ni Darwin.
"Nasaan po kayo? Wag niyo po akong iwan. Kayo nalang po ang natitira sa akin ."Napaluhod si Darwin sa subrang lungkot niya.
Ni isang beses , hindi umalis ang kaniyang lolo at lola na hindi siya kasama.
Habang umiiyak ang kawawang si Darwin ay may na pansin siyang itim na bagay sa sahig. Pinilit niya ito at tiningnan ng mabuti.At mas lalong napaiyak si Darwin ng tuluyan niya sa itong malaman .Ito ay isang itim na feather . Ito ay ang kalaban . Ang itim na balahibo itong ay mula kay Falko ,ang makapangyarihang dilim. Siya ang pinanggalingan ng lahat na halimaw sa Maglo.Walang kabutigan sa kinya at pawang kasamaan lang. Siya ang hari ng dilim.
Hinawakan ng maigting ni Darwin ang itim na bagay habang nagsasalita.
"Magpapalakas ako lolo at lola ... Babawiin ko kayo mula sa hari ng dilim ...yan po ang aking pangako." Tiningnan niya ng mabuti ang balahibo.
"Magsasama po tayo ulit balang araw ."
Love and Magic
By MarjunManabat
![](https://img.wattpad.com/cover/264615437-288-k71627.jpg)
BINABASA MO ANG
Love and Magic
FantasyLove is powerful.Pag-ibig ang isa sa mga makapangyarihang bagay sa buong daigdig.Kaya nitong gumawa ng mga hindi makapaniwalang bagay.Kaya din nitong pumatay,bumuhay,at magsiklab ng isang digmaan.Love can be dangerous.(on-going) "Mahal mo ba ako o...