1 John 4:7
Beloved, let us love one another: for love is of God; and every one that loveth is born of God, and knoweth God.Parati ka bang umiiyak? Ako kasi minsa lang.
Sometimes we can't understand love.
Sometimes we understand because of love.
Chapter 7"The magic games II"
Zin's POV..
Kinamumuhian ko talaga ang mga laro. Bakit? Parati kasing talo at hindi pa worth it ang makukuha mo pagnanalo ka. Wala pa sa kalahati ng pagod mo ang premyong makukuha mo. Pero bakit marami pa ding mahilig maglaro? Hindi ba sila napapagod? Kasiyahan lang naman ang kadalasan sinasabi nila kapag tinatanong kung anong makukuha mo sa laro. Pero sabi sa akin ni Janis,"... hindi mo kasi mabibili ang saya, pag-ibig,at iba pa." Sana matapos na itong magic games na 'to.
Pumutok ang kanyon . Sa langit ay nakita ko ang picture ni Deogo at may nakalagay na "Deogo:Out "
Natalo na si Deogo. Kaya, 10 nalang kami.
Nakahawak pa din ako sa mabalahibong paa ng lobo.
"Sino ka ba? At anong kailan mo sa akin?"tanong ko. Hirap na din pati akong magsalita.
Hindi ako pinansin ng lobo at kakain na niya ako.
"Energy Vamp!"sabi ko. Hindi pansin ng lobo sa aking energy Vamp. Ito ang pagkuha ko ng enerhiya sa iba at ililipat ko sa aking sarili. Ilang sigundo ka lang madikit sa akin,siguradong manghihina ka na agad. Isang minuto kang madikit sa akin ay siguradong patay ka na.
Agad inalis ng lobo ang kaniyang paa at nahihilong umalis. Hindi ko na siya nakita,dahil pumasok na siya sa kakahuyan.
Nabawi ko na ang aking lakas at bumangon na. Iniinda ko pa rin ang aking sugat sa likod. Mabuti nalang yong pangtaas lang ang nabutas at hindi yong pang-ibaba. Nakakahiya naman kasi yon. Mas lalo na pagnakita ito ni Janis. Subrang nakakahiya yon.
"Kailan ko ng makuha ang healing leaves,"
Nakatayo na ako at nakapunta na sa ilog. Ako ang unang nakapunta dito at mabilis kong nakuha ang healing leaves. Uminom na din ako ng tubig sa ilog.Malinis naman ang tubig nito. Nagdala na din ako ng dahon na may tubig para kina Bella at Caesar.
"Unti nalang Caesar,"
Naglakad na ako pabalik...
"Nakuha ko na,"
Nakita ko naman sa mga mata nila ang saya sa aking pagbalik.
"Anong nangyari sayo?"tanong agad ni Bella. Umupo ako at ibinigay sa kaniya ang mga dahon. Pinaimon ko din sila ng tubig na nakuha ko sa ilog.
"May lobo akong nakaharap,"ayaw ko sa sabihin pero kailangan.
Nagkita ko namang piniga ni Bella ang mga dahon. Inulit-ulit niya ito hangang sa may puting likido ang lumabas. Kumikinang ang puting likido,parang kristal na kumukinang.
Binunot ni Bella ang kahoy na nakatusok sa tagiliran ni Caesar. Hindi lang siya nagsabi. Ayon si Caesar, napasigaw sa sakit.
"Ahhhhh!!!!!"sigaw ni Caesar. May luha pang umagos sa kaniyang mukha. Ipinatak ni Bella ang puting likido at massumakit ang iniinda niya.
"Ahhhhh!!!!!"tapos nawalan na siya ang malay.
"Anong nangyari kay Caesar?"tanong ko.
"Mamaya magigising na siya at hilom na ang sugat,"mabilisang paggamot.
BINABASA MO ANG
Love and Magic
FantastikLove is powerful.Pag-ibig ang isa sa mga makapangyarihang bagay sa buong daigdig.Kaya nitong gumawa ng mga hindi makapaniwalang bagay.Kaya din nitong pumatay,bumuhay,at magsiklab ng isang digmaan.Love can be dangerous.(on-going) "Mahal mo ba ako o...