True identity of Leonardo.
Chapter 9 "Who is Leonardo?"
Natapos na ang magic games at si Zin ang nanalo. At pagkatapos na pagkatapos ng magic games ay nagpulong ang mga guro at ang punong guro. Pito ang lahat na mga guro at kasama nila si Leonardo.
May pitong upuan na nakapalibot sa isang upuan. Si Leonardo ang nasa gita ng lahat at ang mga guro at punong guro ang nakapalibot sa kaniya.
Pinagpupulungan nila ang biglang pagdating ni Leonardo. Hindi kasi pwedeng basta-basta na lang papasok sa paaralan na walang pahintulot.
Ano ba kasi ang dahilan ng pagpunta ni Leonardo sa Naldre Magical Academy? Sino ba siya at ano ang kailangan niya sa paaralang ito.
"Anong pangalan mo at san ka nanggaling?"tanong ng punong guro (principal)
"Ako si Leonardo. 18yrs old at isang squad leader sa Mundo ng Efi,"pagpapakilala ni Leonardo.
Nagbulungan ang lahat at puno ng tanong sa kanilang mga isipan.
"Pano ka nakapunta dito?"tanong ng isang guro.
"Bakit ka nan dito? Ano ang pakay mo?"tanong ng pangalawang guro.
"Sugo ka ba ng kabutihan o kadiliman?"tanong ng tangatlong guro.
"Kakampi ka ba o kalaban?"tanong ni ma'am Ann.
"Ang dami namang tanong,"pagrereklamo ni Leonardo."Pinapunta ako dito para kuhanin ang apo nina Crosana at Bax Pauleork. Anak naman siya nina Vinsana at Haku Pauleork. Kung kilala niyo siya dalhin niyo na siya ngayon din.Nauubos na ang oras nating lahat."
Lumapit naman si Sir Lupin sa squad leader ng Mundong Efi.
"Isa sa aking mga estudyante ang tinutukoy mo. Sasabihin ko ang pangalan niya kapalit ng mga impormasiyong kailangan naming malaman,"sabi ni Sir Lupin.
"Pasenya na,pero hindi ko pwedeng sabihin sa inyo ang iba pang bagay dahil hindi dapat ito malaman ng kahit sino,"sabi ni Leonardo.
"Hindi ko sasabihin kong sino ang estudyante at papaalisin ka na sa paaralan ngayon din,"pagmamatigas ni Sir Lupin.
"Hindi niyo alam kung anong hirap ang dinanas ko para lang makapunta dito. Itinaya ko ang buhay ko para sa misyong ito. At kahit mamatay ako para matapos ito ay gagawin ko,"pagpapaliwanag ni Leonardo.
"Anong ibig mong sabihin? Gagamit ka ba ng dahas kapag hindi namin siya ibinigay?"tanong ng panglimang guro.
"Ituturing ka na naming kalaban kapag ginawa mo yon,"sabi ng pang-anim na guro."At wala kang laban sa aming pito."
Natawa bigla si Leonardo. Para bang iniinsulto niya ang mga guro. Ganon ba siya kalakas kaya natawa siya sa sinabi ng pang-anim na guro?
"Nakakalimutan niyo yata na galing ako sa Mundo ng Efi. Mas malakas kami ng ilang ulit kesa sa inyo. Katumbas ng isang Efian ang lima sa inyo. At sa lagay niyo ngayon ay kaya ko kayong patumbahing lahat. Wala kayong bat-bat sa akin. Wag niyo ng piliting humantong ang bagay na yon."sabi ni Leonardo.
Nagalit ang pang-anim na guro at tinangkang patamaan si Leonardo ng kaniyang electric ball. Napaka bilis ng pangyayari at halos imposible nang makita. Nagulat nalang ang lahat dahil nasa likod na si Leonardo ni ma'am Ann at bumagsak na ang pang-anim na guro. Nakatutok sa leeg ni ma'am Ann ang kamay ni Leonardo. Balot ng kapangyarihan ang mga darili ni Leonardo at sinasakal niya si ma'am Ann.
"Binalaan ko na kayo,"sabi ni Leonardo.
Tumakbo si Sir Lupin at lumuhod malapit sa pang-anim na guro. Tiningnan niya ang kalagayan ng nakadapang guro.

BINABASA MO ANG
Love and Magic
FantasyLove is powerful.Pag-ibig ang isa sa mga makapangyarihang bagay sa buong daigdig.Kaya nitong gumawa ng mga hindi makapaniwalang bagay.Kaya din nitong pumatay,bumuhay,at magsiklab ng isang digmaan.Love can be dangerous.(on-going) "Mahal mo ba ako o...