Chapter 1

26 12 6
                                    

Because of great love,we can suffer the killing pain inside.

Sometimes, those that we loved are the one who hurts us the most.

Because of true love, we can sacrifice our life.

This is not perfect so there will be mistakes.
Pls understand

Chapter 1 "Love is hard"
5 yrs later. 17yrs old na si Darwin...

Darwin's POV

Nagsimula ng manghina ang aking tuhod at tumulo ang aking pawis mula sa ulo hangang paa. "Hindi ko mapalabas "
Sabi ko habang pinipilit kong palabasin ang aking kapangyarihan.

"E-focus mo ang isipan mo!" Sigaw ni Sir Lupin.
Si Lupin ang aming guro.

"Pogi ka sana kaso lang mahina ka pala ," Narinig kong sabi ni Ma'am Ann.
Tama si ma'am.Porket pogi ka okay na ? Kailangan mo ding matutunan na kulang ang pogi lang ... dapat may alam ka din. Kaso lang wala pa din akong alam. Hindi ko mapalabas ang aking kapangyarihan.

Nan dito ako ngayon sa Naldre Magical Academy. Pagkatapos mong mag highschool, kapag may kapangyarihan ka, sa magical academy ka dapat magpatuloy ng pag-aaral. Nong highschool ako nanibago ako dahil wala si na lolo at lola. Kasi nong elementary palang ako parati silang nan dyan sa labas ng classroom, cheering me up. I miss those days.I love you lolo at lola.

"Hey nakikinig ka ba?" Tanong ni sir Lupin.
Oo nga pala hindi ko pa din napapalabas ang aking kapangyarihan. Bakit hindi ko ito mapalabas? Eh dati naman kaya ko itong kontrulin.

Sa sampong student,ako nalang ang hindi nakakagawa ng inutos ni sir Lupin. Ano nga yon? Ah ! Oo! Kailangan mong patayin ang apoy ng kandila. Yon lang, very simple. Pero hindi ko magawa. Lahat sila ay inaabangan ako na matapos na. Nahihiya na ako. Ayaw kong tinititigan ng mga tao habang pinagbubulungan. Kayo na magaling ,at ako mahina .

"Anong nga ulit ang kapangyarihan mo ?" Tanong ni sir Lupin.

"Related sa water " maiksing sagot ko. Hindi talaga ako mahilig magsalita . Parati ko lang kinakausap ay sina lolo at lola ,pero wala na sila. Kaya, sarili ko nalang ang kinakausap ko. Eh ! Parang baliw !

"So dapat masmabilis mo itong mapapatay ." Sabat ni ma'am Ann.
"Pag hindi mo yan nagawa failed ka na agad ."

Ayaw ko talaga kay ma'am Ann. Unang kita ko palang sa kaniya ayaw ko na sa kaniya.
Siya ang taong parating may dalang stick. Pamalo niya ito. Tapos may dala din siyang librong kulay bughaw. Hindi ko alam kong anong meron don pero sa tingin ko pictures yon ng mga crush niya na hindi niya makalimutan. Joke lang . Nakasalamin din siya at maiksing kulot ang buhok niya. Kulay brown ang buhok niya. Matanda na siya at hindi siya mataba ,payat.

"Diba apo ka nina Capitan Crosana at Heneral Bax." Pagkasabi ni Sir Lupin. Naalala ko agad bakit ako nan dito. Si lolo ay ang kinakatakutang Heneral Bax. At si lola naman ang pinakamagandang Capitan Crosana. Sila ang dahilan kong bakit ko kailangan magpalakas at mabawi ko sila mula kay Falko.

Uminit ang dugo ko ng maalala ko si Falko.

"Siya din ang anak nina Vinsana at Haku."
Sabi ni ma'am Ann. "Sila ang lumabag sa batas natin dahil sa walang silbing pag-ibig."

Napayuko nalang ako sa sinabi ni ma'am Ann.

Napansin kong siniko ni sir Lupin si ma'am Ann at tiningnan sa mata na nagsasabi "Wag na please"

"Totoo naman diba!?" Sabi ni ma'am Ann.
Ayaw ko ng marinig ang boses ni ma'am Ann.

Umalis na si ma'am Ann at nawalan na ng ganang manood sa akin.Mabuti nga yon. Wala ng maingay.

Love and MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon