Puma's POV..
Ilang oras kaming sumubok. Ginawa na namin ang lahat. Sinubukan na din namin ang iba't ibang klaseng paraan para gamutin ang sugat pero nabigo lang kami. Hindi namin maampat ang pagdurugo ni Deogo. Hindi na rin siya nagigising.Umiiyak ako kahit wala itong maiitulong. Hindi ko kasi mapigilan.Kusa na itong tumutulo.
"Deogo ...patawadin mo sana ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Sana mapatawad mo ako...,"hindi ko alam kong pinapatawad niya ako.
Alam kong ilang sigundo nalang siya mabubuhay. Masyado ng marami ang mawala sa kaniyang dugo. Sigurado akong mamamatay na siya.
"Sir Lupin!!! Mamamatay na po si Deogo!"sigaw ko sa taas. Hindi ko alam kong nakikinig siya,pero hindi dapat mamatay si Deogo.
"Hindi pa ito ang panahon niya. Marami pa siyang maaaring magawa at makamit. Hindi pa siya mamamatay!"Ipinatong ni Tigress ang kaniyang kamay sa aking balikat at nilingon ko siya. Nakita ko naman ang awra ng kaniyang mukha na nagsasabing "wala na tayong magagawa."Subrang lungkot ng mukha ni Tigress.
Kung nakinig sana ako sa sinabi ni Tigress kanina ,sana hindi ko nakikita ang kamatayan ni Deogo.
Sinisisi ko ang aking sarili sa nangyari kay Deogo.
May ilaw natumama kay Deogo at lumabas sa tabi niya si Sir Lupin.Nagulat naman ako at napatayo sa pagkakaupo. Kinuha si Deogo ng ilaw at lumipad siya paas ng langit. Ang bilis niya nawala at naiwan naman si sir Lupin.
"Nagsinungaling ako kanina. Hindi ko hahayan na may mamatay sa inyong lahat. Hindi mamatay ang kaibigan mo," sabi ni Sir Lupin.
Nakahinga na ako ng maluwag at nakampanti na.
"Salamat naman po.Pero yong kaninang nakalaban namin?"tanong ko.
"Kasama yon sa laro. Pagkukunwari lang yon. Hindi talaga siya namatay. Ginagamot naman na si Roland," ah...kala ko talaga namatay yong lalaki. Parang totoo talaga ang pag-iyak niya.
Hehehe . Nakaiyak din pala ako ... Nakakatawa naman yong aking ginawa.
"Bakit po kayo nagsinungaling?"tanong ko.
"Para siryusuhin niyo ang laro at malaman ko ang gagawin niyo kapag napunta kayo sa alanganing sitwasyon... Kasabwat ko din pala ang mga level 2 at 3 sa larong ito. Hindi lang ito isang laro, ito'y pagsubok din,"sabi ni Sir Lupin.
"Gusto niyo po kaming matotoo,"sabi ko naman.
"Yon mismo ang tunay na saysay ng pagsubok na 'to. Ang ihanda kayo sa mga alanganing sitwasyon na maaari niyong harapin,sa mga panahon na nakasalalay sa inyong disisyon tama man o mali,at iba-iba man ang piliin niyong daan na tahakin,"pangangaral ni Sir Lupin.
"Sa atin nalang 'to ha! Maglaro ka pa rin,at wag mo itong sasabihin kahit kanino. Isipin mo nalang na hindi 'to nangyari.Sige,pagbutihan mo," may ilaw ulit na bumagsak sa langit.
Kinidatan pa ni Sir Lupin si Tigress at saka siya kinuha ng ilaw. Kinikilig naman si Tigress pero papigil. Pinalo niya pa ako sa balikat.
End of POV___----______ d^_^b_______----______
..to be continued°°°
Love and Magic
By MarjunManabat 😘❤️💕😊Don't forget to vote and comment 😍🤗☺️😁love you ❤️ guys 😃🙂
Salamat po ulit sa pagbabasa ng Love and Magic. Sa mga support niyo po ako sumasaya 🤗🤣 ...
BINABASA MO ANG
Love and Magic
FantastikLove is powerful.Pag-ibig ang isa sa mga makapangyarihang bagay sa buong daigdig.Kaya nitong gumawa ng mga hindi makapaniwalang bagay.Kaya din nitong pumatay,bumuhay,at magsiklab ng isang digmaan.Love can be dangerous.(on-going) "Mahal mo ba ako o...