Chapter 8 (continuation)

7 7 0
                                    

Darwin's POV..

Tinanong ko si Tumi kung nasaan ang ibang mga estudyante.

"Yong ibang hindi nakapag test ay isinaman sa magic games. Pangatlong araw na nga nila ngayon," sagot niya . "Kumusta pala ang paglalakbay niyo ni Linda?"

"Ayos lang,"tamad kong sagot.

"Anong ayos lang? Hindi ba naging masaya? Wala bang nangyari sa inyong dalawa?"pang aasar niya. Baliw na yata si Tumi.

"Napagod lang ako,"sabi ko.

"Ah,...parang ang boring naman non,"sabi niya.

"May tanong pala ako,"sabi ko.

"Ano yon?"tanong niya.

"May napansin ka bang kakaiba sa lugar na 'to?"Tanong ko.

"Katulad ng??"tanong niya.

"Katulad ng bagay na kakaiba ang itsura,kakaibang aura sa paligid,o kakaibang kilos ng bawat isa?"sabi ko.

Nakita kong nag-aalangan si Tumi. May tinatago siya at may nalalaman siya.

"Meron!"sabi niya.

"Talaga !?"sabi ko. Nagulat talaga ako. Sabi na may iba sa lugar na 'to.

"Tara ituturo ko sayo,"sabi ni Tumi.

Kaya lumabas kami sa kwarto at pumunta sa likod ng paaralan. May bakante dong lote at isang malaking container. Kulay asul ito at may nakadikit na papel sa pintuan nito.

"Ano sa tingin mo ang laman nito?,"tanong ko.

"Hindi ko alam pero sigurado akong iba ang nasaloob nito. Dahil dito."sabi ni Tumi sabay ang paghimas sa papel na nakadikit sa pintuan.

"Ano ba yan?"tanong ko.

"Sealing paper,ang ginagamit para hindi makalabas ang nasa loob. Kahit ano pwedeng pagdikitan nito pero mahirap makagawa nito,"sabi ni Tumi.

"Kakaibanga ang nasa loob niyan kapag may nakadikit na sealing paper,"sabi ko.

"Pano natin malalaman kung ano ang nasa loob nito?"tanong ko.

"Simple lang,bukasan natin!"sabi ni Tumi.
Seryuso siya? Pwedeng gamit talaga 'to ng school tapos bawal talaga 'tong buksan. Pagbinuksan namin 'to ay pwede kaming maparusahan. Pero hindi namin malalaman kung ano ang nasa loob.

"Sige ikaw na ang bahala."sabi ko.

Dahan-dahan tinangal ni Tumi ang sealing paper at binuksan ang container.

May umungol ng napakalakas galing sa container. Nagtakip agad kami ng tenga. At pagkatapos ng ingay ay nanginig ang aking mga tuhod dahil may isang higanting paa ng leon ang aking nakita. Unti-unti akong tumingal at nakita ko ang dalawang pulang mata. Nakakatakot ang mga titig nito.

"Da...damon!"sabi ko.

"Darwin ilag!"sigaw ni Tumi pero hulina. May napakalakas na buntot ang pumalo sa akin at tumalsik agad ako.

"Darwin!"sigaw ni Tumi.

Nagliyab agad si Tumi at tinadtad ng apoy ang damon.

Damon: isang halimaw na alaga ni Falko. Kalahating leon at agila ,at sila ay kasing laki ng elepante. May mahaba ding buntot ang damon. Tapat sila kay Falko.

Subrang bilis ng damon gumalaw at inilagan lang ang mga apoy ni Tumi.

"Kaasar!"

Pinaliyab ni Tumi ang kaniyang mga kamao at sumugod. Makakasuntok nasa si Tumi pero nakalipad ang damon. Gumawa naman si Tumi ng fire towers para patamaan mula sa lupa ang damon. Ilang matataas na fire tower ang ginawa ni Tumi pero hindi niya matataan ang damon. Ang damon naman tuloy ang sumugod mula sa langit. Nang malapit na ang Damon ay bumuga ng apoy si Tumi mula sa bibig. Pero hindi 'to gumana at binunggo siya ng damon. Tumalsik si Tumi at bumangga sa puno.

Nakatayo naman na ako at ako naman ang lalaban. Gumawa naman ako ng water spears at pinaulanan nito ng damon. Tininklop niya lang ang kaniyang pakpak at sinangga ang mga water spears ko.

"Panong!!"

Ang damon naman ang umatake at gumamit ito ng lasers  sa mata. Patakbo naman akong umiwas sa lasers. Ng wala na akong matatakbuhan ay ginamit ko ang water shield. Hindi natunaw ang water shield. Ako naman ang lumalapit sa damon. Patuloy naman itong naglelaser sa akin. Mabuti nalang matibay ang water shield.

"Tumi! " Sigaw ko.

Nagising naman si Tumi at bumangon na agad. Nagliyab ulit siya at ginamit ang blue fire niya. Masmainit ito kesa sa kanina. Subrang bilis niyang nakalapit sa damon at umakyat sa ulo nito. Natigil naman ang damon sa paglelaser dahil kay Tumi.

Habang nasa ulo si Tumi ay lumiyab pa siya ng lumiyab. Nasunog naman ang damon. Hindi na makagalaw ang damon dahil sa ginawa ko. Tinangal ko ang tubig sa mga paa nito. Naging payat ang mga paa nito. Hangang sa bumagsak na ang damon at wala ng magawa.

"Wala ka pala !"sabi ni Tumi.

Binawi agad namin ang aming pagod at pinag-usapan ang nangyari.

"Bakit may damon dito?"tanong ko agad.

"Wag tayo dito mag-usap. Umalis na muna tayo,"sabi ni Tumi. Tama naman yon. Ilang sigundo nalang ay may pupunta na ditong faculty.

"San naman?"tanong ko.

"Sa clinic,nan don si Janis at alam niya din na may kakaiba sa lugar na 'to,"sabi ni Tumi. Umalis na kami bago pa may makakita sa amin.

Sa clinic nakita kong may ibang estudyante at may mga healers.

Pumunta naman kami sa kwarto ni Janis. Hindi pa siya magaling at may mga benda pa sa katawan. Nakasilip lang siya sa bintana.

"Janis,... kailan nating mag-usap,"sabi ni Tumi. Napalingon naman siya.

"Umupo kayo,"sabi ni Janis. Agad kaming umupo at sa gitna namin ay ang isang table.

"Tungkol ba 'to sa container?"tanong ni Janis.

"Oo,nakita na namin ang laman nito at isa tong damon,"sabi ni Tumi.

"Ah... hindi naging mali ang ating akala. Alam niyo na ba kung sino ang nagdala nito?"tanong ni Janis.

"Satingin may kinalaman dito ang sealing paper."sabi ko. "Kong malaman natin ang pinanggalingan nito malalaman natin kong sino ang nagdala non dito."

"May suspect ka na?"tanong ni Janis.

"Wala pa pero maghahanap ako ,"sabi ko.

"Sa tingin ko nan dito lang sa loob ng school na 'to ang nagdala ng damon,"sabi ni Tumi.

"At isa pa pala! Sa tingin ko dahilan ng paghina ng kapangyarihan ko ang kasamaang nagaganap sa lugar na 'to," sabi ko .

"Anong paghina ng kapangyarihan?"tanong ni Janis.

"Pagnahanap natin ang magic deduction sigurado akong  mahahanap din natin ang nagdala ng damon sa school,"

"Ang lakas mo nga tapos sinasabi mong may magic deduction na nangyayari sayo,so gaano ka talaga kalakas?"tanong ni Janis.

"Hindi na natin yong kailangan problemahin,"sabi ni Tumi.

...to be continued°°°






















Love and Magic
By MarjunManabat ✨💕💕😊
Thanks po sa support 🙂🙂😸☺️😁😁😁🙂🙂🙂😸




Love and MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon