Chapter 5

11 9 6
                                        

Love is the Fruit of the Spirit.

Chapter 5"Moments of Adventure"part 2

Darwin's POV.

Nan dito na kami sa bayan ng Muyako. Ito ang sikat na bayan dahil sa subrang daming mabibili dito. Mababa lang ang mga presyo ng mga bilihin dito,at magaganda ang mga klase kahit mura lang. Marami ang dumadayo dito. Mula sa pagkain,damit,sandata,alipin, halimaw,halaman,hayop,curse items,parte ng katawan,mga libangan ,at iba pa ay meron dito sa bayan ng Muyako.

Dahil sa laki ng bayang ito,aabutin kami ng isang araw sa paglalakbay. Una,dadaan muna kami sa Derapi Park. Sunod, dadaan naman kami sa centro ng bayan at panghuli, ay sa Sheralon,ang dulo ng Muyako.

"Ano pong maitutulong ko?"tanong ng lalaki.Siya ay isa sa mga money guides. Mukha silang tao pero gawa lang sila sa kapangyarihan ng pera. Tutulungan ka nila sa paggastos ng pera dito sa Muyako.

"Dalhin mo kami sa pinakamalapit na paupahan."sabi ko. Gusto ko munang magpahinga mula sa aming paglalakbay.

Nagsimula na ang lalaki maglakad at sinundan namin siya.

"May pera ka ?"tanong ni Linda.Meron akong pera. Kaso lang kasama ko si Linda. Masyado siyang maganda at kaakit-akit. Mahihirapan kaming maglakbay pag may  nakapansin sa kagandahan niya. Dapat makalampas kami ng Depari Park na hindi na papansin ni Pogo.

"Meron,"sabi ko.

"Ah ,mabuti! Ikaw muna ang magbayad ako na sa pagkain."sabi ni Linda na masaya ang mukha. Hindi naman natin kailan problemahin ang pagkain. Yong kagandahan mo.

"Magtakip ka ng mukha."sabi ko.

"Huh!? Bakit!?"sabi niya. Pano ko kaya ito sasabihin?

"Nakakahiya ang mukha mo,"sabi ko . Parang mali naman. "Basta, magtakip ka ng mukha. Ayaw kong makita nilang kasama ko ang isang bruha." Ang sakit naman non!

Hindi siya nagsalita at ramdam ko ang pagkainis niya. Kumuha siya ng panyo sa bag at itinali sa mukha niya.

"Ano!!Ayos na !! " sigaw niya. (Napalingon ang mga tao)

"Wag kang sumigaw"sabi ko.

"Nan dito na po tayo"sabi ng lalaki.

Tinabig ni Linda ang braso ko at pumasok na sa paupahan. 

Galit na nga si Linda. Para naman yon sa kaniya. Pero mamaya sasabihin ko yong totoo.Sana maintindihan niya.

Pumasok na din ako at umalis na ang money guide. Nakita kong tumaas na si Linda. May napili na yata siyang kwarto. Lumapit ako sa babaeng may-ari ng paupahan. May tag name pa siya."The Owner"

"Wala na pong available,"sabi niya. Huh!? Hindi pwede.
"Sa iba nalang po!"sabi nong babae.
Hindi ko pwedeng iwan si Linda.

"Pwede po bang sa couch na lang po ako. Magbabayad po ako."sabi ko sa babae habang nakaturo sa couch.

"Hindi po pwede. Ako po ang hihiga don,"sabi ng babae.

"100 lam" sabi ko. Please pumayag kana.
"Hindi po talaga-..."hindi ko na siya pinasalita.

"150 lam"parang napaisip siya.Kaya dinagdagan ko pa.

"200 lam"sabi ko sabay kuha ng pera at lapag nito sa malesa niya.

Hindi na siya nakatanggi at kinuha ang pera.

"Maraming salamat po,"

Katumbas ng isang buwang baon ko yong ibinayad ko. Hay nako!

Love and MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon