Chapter 2

13 11 6
                                    

You can give without love...
But you can't love without giving.

I break the rules because of love.

There must be always love in our life.

Chapter 2 "Love is painful"

Darwin's POV
8:00 am ...we are inside the class room.

Nauna na akong pumasok sa classroom.
Nakita ko pati yong kandila. Nahandon pa din ito sa sahig.
Naalala ko tuloy yong kahapon.

Bakit kaya ako na una sa classroom ?? Gusto ko kasing itanong kay Linda pano nakakapagpalit ng kulay ang buwan.Hindi...sa totoo lang gusto ko siyang kausapin ,pero paano ko yon gagawin?? Sigurado akong mauutal lang ako at mapapahiya at pagtatawanan.Hay! Wag na nga.

Pumasok na yong ibang lalaki at umupo nasa mga upuan. Gusto ko silang kausapin at makipagkaibigan pero nahihiya ako.Kahit kasama ko silang natutulog hindi ko pa rin sila makausap ng parang isang kaibigan.
Pero dapat matalo ko ang aking hiya para magkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin si Linda. Ganon ko na ba talaga siya gustong kausapin??

Lalapitan ko nasa na sila pero dumating na si Sir Lupin at ma'am Ann. Tumayo kami agad at nag good morning sa kanila. Ang hina pati ng good morning ko ,parang hindi kumain.

"Darwin! "Tawag ni sir Lupin."Lumabas ka ba kagabi? "
Pano nila nalaman?
Hindi ako makasagot sa takot at kaba.Drop na ba ako??

"Sumagot ka! "Sabi ni ma'am Ann."Lumabas ka ba kagabi?"

"Opo ,pero hindi po ako lumabas ng school campus."wow nakapagsalita ako ng ganito kahaba sa teacher ko.

"Sinong kasama mo? " Tanong nanaman ni ma'am Ann. An dami mong tanong. Nakakagalit ka ma'am Ann.

"Si Linda po," hala!Ba't ko sinabi ? Dapat pinagtakpan ko siya. Ang hina ko namang mag-isip.

"Ay wala po pala akong kasama ,"pagbawi ko sa aking sinabi.Ba't ko ba siya pinagtatakpan? Kagabi ko palang naman siya nakausap.

Tumahimik silang dalawa pero pumasok na si Linda.Na gulat siya ng lahat kami ay tumingin sa kaniya.

"Is something wrong?"tanong niya.Agad na mang tinanong ni sir Lupin si Linda.

"Lumabas ka din ba kagabi? "

Hindi siya agad sumagot pero inamin niya din ito.

"Lumabas po ako. " Sabi niya.

"Dahil dyan!Pumunta kayong dalawa sa principal office."sabi ni ma'am Ann.Kabago-bago ko dito na papunta agad akong principal's office.Ang galing ko naman.Pero kinakabahan na ako ng papunta na kami sa principal's office. Hindi ko na matingnan si Linda. Kinakabahan na ako ng subra.

Ako ang kumatok sa pintuan.

"Pumasok na kayo! Kanina ko pa kayo hinihintay!"nakakatakot ang boses ng principal. Parang lion.

Pumasok na kami at puro halaman ang nasa loob ng office.May mga paru-paro din sa loob. At may honey bees din.Hindi mo aakalain na ganito pala ang loob ng office ng principal.

May dalawang upuan ang lumipad papunta sa amin. Nanlaki ang mga mata ko dahil tatamaan na kami nito. Kaya ang ginawa ako ay tumalon ako at dimanbahan si Linda. Ginawa ko ito para mailagan namin ang dalawang upuan.

Nakapatong na ako sa kaniya at nakita ko ang galit niyang mukha.Bumangon agad ako at tinulungan ko syang tumayo.

Nagulat nalang ako ng makita kong hindi naman pala talaga kami tatamaan ng mga upuan.Nakita kong nakalagay na ang mga upuan as lupa.

Love and MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon