Chapter 8

7 7 0
                                        

Is "jealous" part of "love"?

This part will be short...nakulangan po ako ng time sa pagsusulat. May tungkulin din po kasi ako sa paaralan at iba pa.

Chapter 8: I'm jealous.

Darwin's POV..

Iritang-irita na ako sa lalaking 'to. Kung umuusok lang ang ilong at tenga ko, lumiyab pa ito.Gusto ko nang gamitan siya ng kapangyarihan at tanggalin ang tubig sa buong katawan niya. Ito na yata ang huling araw niya.

Inakbayan ng lalaki si Linda.

Talagang sumusubra kana! Ilayo mo yang madumi mong kamay kay Linda o puputulin ko 'yan. Hindi ko kayang makita na may dumudikit na langaw kay Linda.

Napasin ata ni Linda ang ekspresiyon ko kaya napatanong siya.

"Ayos ka lang ba Darwin?"tanong ni Linda. Hindi ko siya matitigan bagkos sa lalaki na lang ako tumungin habang sinasagot ang tanong niya.

"Ikaw ayos ka lang ? May insecto kasing dumapo sayo,"sabi ko. "Dapat pala nagdala tayo ng insecticide."

"Saang!?"lumingon-lingon pa si Linda sa paligid niya. "Wala naman"

"Nasa tabi mo lang ,"nakatitig pa din ako sa lalaki. Hindi tumitingin sa mata ko ang lalaki. Hinahanap niya din ang insecto.

Hindi niya ba maisip na siya ang tinutukoy ko? Mahina pala siyang mag-isip.

Nasa loob kami ng isang karwahe...

Pagkatapos kasi namin mapatos ang pagsusulit, may dumating na sagabal. Isang lalaki na matangkad,kasing tangkad ko, magandang lalaki at maganda ang kasuotan. Pero insecto lang siya sa aking paningin. Kinuha niya agad ang atensiyon ni Linda sa pagtatanong kung saan daw ang Naldre Magical Academy. Alam ng lahat ang lukasyon ng paaralang ito pero tinatanong pa ng insectong ito. Papansin ka!

Naluko naman agad si Linda ng lalaking 'to.

Naaalala ko pa ang mga sinabi ng lalaking 'to kay Linda.

"Alam mo ba aking prinsisa kung saan ang tinutukoy ko?"

Hindi ko naman alam kung ano ang pumasok sa kukute ni Linda at isinama niya ang insecto sa aming pagbalik sa paaralan.

Dahil ba sa kagwapuhan niya kaya mabait si Linda sa kaniya?

At hindi ko makalimutan yong sinabi niya kay Linda habang hinahawakan ang kamay niya.

"Ang bait naman ng prinsisa ko," Uminit agad ang ulo ko nito at kumulo ang dugo sa bawat ugat ko. 'hindi mo siya prinsisa!!!! Nakakapuro ka na insecto!'

Pumasok kami sa karwahe at sila ang nagtabihan. At ako naman ay nagdudusa panuodin ang dalawa. Puro sila tawanan at biruan. Mabuti nalang wala akong karapatan para pigilan sila. Pero kung meron, patay na 'tong insecto na 'to.

Sana bilisan ng tsuper ang takbo para matapos na ang beyahe namin.

Ilang ulit nagbiro ang lalaki at pinuri si Linda. Alam ko naman na sinadiya ang halat na 'to. Sa subrang daming tao sa ilog Rigata. Maraming pwede pagtanungan ,pero kami pa talaga. Naputol ang aking pag-mimilay ng kasusapin ako ng lalaki.

"Ako pala si Leonardo. Ikaw anong pangalan mo?"tanong niya.

Ayaw kong sagutin ang tanong niya. Baka isa siyang mangnanakaw o mamatay tao at inaalam kong may mapapala siya sa akin. Pwes hindi kita pagbibigyan.

"Hoy, Darwin tinatanong ka!"sabi ni Linda. Nakita ko sa ekspresiyon ng mukha niya na napapahiya siya.

"Ah, Darwin pala ang pangalan mo. Masaya akong makilala ka!"sabi ni Leonardo. Inabot niya ang kamay niya at gustong makipagkamay.

Ayaw ko! Alam kong gusto mo akong gamitan ng kapangyarihan kapag hinawakan kita. At kapag natalo na ako si Linda naman ang isusunod mo. Hindi dapat ako malinlang ng langaw na 'to.

Hindi ako nakipagkamay at tinitigan siya ang tinatamad na tingin.

"Hoy, Darwin! Anong nangyari sayo! Nakikipagkaibigan lang naman si Leonardo. Ba't ang sama mo sa kaniya?," Nasaktan ko si Linda. Para na din naman 'to sa amin. Bawal magtiwala sa hindi kilalang tao. Ito ang isa sa mga turo ni kuya Pogo.

Tahimik lang ako at hindi sila pinansin.

Malapit na kami sa Naldre Magical Academy nang tanungin ulit ako ng insecto.

"Gusto mo ba si Linda?"ang kapal naman ng muta nito para tanungin ako ng ganito. Mutain din pala ang insectong ito.

Ayaw kong sagutin ang tanong niya dahil ayaw kong mapahiya. Baka pagsinabi kong "oo",tanungin niya si Linda ng parehas na tanong at sabihin ni Linda na "hindi". Ayaw ko ng ganon. Kahit yong nagbabasa nito. Damay-damay na 'to.

Tinitigan ko siya ng masamang tingin at natakot ang langaw. Napansin naman ni Linda ang kasamaan ko.

"Wag mo nalang siyang pansinin,"sabi ni Linda.

Ako pa talaga ang wag pansinin. Dapat yong langaw ang wag pansinin dahil siya ang papansin. Dahil siya ay langaw,makapal ang muta at papansin pa.

Tinutuhanan nga nilang dalawa ang sinabi ni Linda. Hindi nila ako pinapansin. Pinag-uusapan nila ako kahit naririnig ko.

"Anong tao ba si Darwin?"tanong ni Leonardo.

"Ayaw niya kasama ang pangit,"sabi ni Linda.

Kala ko ba nagkaintindihan na kami dito.

"Ah...anong kapangyarihan niya?"tanong ni Leonardo.

"Water,"sabi ni Linda.

"Malakas ba siya?"tanong ni Leonardo habang nakaturo sa akin.

"Oo din pero minsan mahina ang paningin niya. Hindi niya nakikita ang nasa harapan niya at malapit sa kaniya,"sabi Linda.

"Haha!!"natawa ang langaw.

Bumangon ako sa upuan at akmang susuntukin na siya.

"Kanina ka pa ha! Namumuro ka na!" Sigaw ko.

Agad na tumigil ang karwahe at bumukas ang pintuan ng karwahe. Nan dito na pala kami sa Naldre Magical Academy. Ang bilis ng biyahe namin.

Hindi ko na sinuntok si Leonardo at lumubas na agad ako sa karwahe. Sumuka ako at napaluhod sa lupa. Ayan na naman ang magic deduction. Ganitong-ganito ang naramdaman ko nong unang araw ng pasukan.Sabi nila kinakabahan lang daw ako. Pero magic deduction talaga 'to.At sigurado akong nan dito sa loob ng paaralan ang gumagawa nito sa akin.

"Ayos ka lang Darwin?"tanong ni Linda. Agad siyang bumaba at pinuntahan ako. May pahimashimas pa siya sa likod ko.

Tumayo ako at naglakad ng mabilis papasok sa paaralan habang pinupunasan ang bibig.
Dumiritso ako sa boys' room at nagmukmok.

Kala ko talaga magkakaroon na ako ng kaibigan na makakausap ko sa paaralan pero nagkamali ako. Magiging silent at lonely boy na naman ako. Gusto ko ding maging maingay at may mga kaibigan. Parang hindi na 'yon mangyayari.

...to be continued°°°



























Love and Magic
By MarjunManabat
😊😘❤️💕

Sorry kasi maikli lang ang update ko ngayon ...sa Monday po ang continuation ng Chapter 8 ... thanks po ulit sa pagbabasa ng Love and Magic ✨

Love and MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon