Chapter 4

18 11 11
                                    

Love will make a way

Chapter 4"Moments of Adventure" part 1

Linda's POV.

Iba pala ang feeling ng nagmamahal...kahit ano kaya mong gawin para sa kaniya. Na feel ko to kay Janis. Minahal niya si Darwin kahit ilang araw palang sila nagkakakilala. Pero hindi niya sinasabi...sa akin niya palang ito sinasabi.

Kahit ilang araw palang kaming magkaibigan ni Janis,pinagtitiwalaan niya na ako. Halos buong story ng buhay niya ay naikwento na niya sa akin. Nakakapuyat nga 'yon eh...pero okay lang kasi hindi naman boring. Nakakarelate din ako sa kaniyang mga naranasan.

Tatlong oras na kaming naglalakad ni Darwin.Nag short-cut na kami para mas mabilis naming mapuntahan ang Hegwania Kuantyapias. Ito kasi ang aking test at nagrequest akong isama si Darwin. Dinadaanan namin ang gubat Naldre. Katabi lang ito ng academy. Aabutin ng tatlong araw ang aming paglalakbay. Sana nga walang halimaw sa aming daan para mas mabilis ang aming paglalakbay. Sunod sa gubat Naldre ay ang bayan ng Muyako at ang huli ay ang ilog Rigata.

"Bakit pala ako ang isinama mo? " Tanong ni Darwin. Nasa unahan siya at nakaharap sa unahan. Hindi na siya humarap habang nagsasalita.

"Ayaw mo ba ng masmagandang grades?" Dadagdagan daw ni ma'am Ann yong grades ng sasama sa mga adventure test.

"Gusto ko din pero bakit hindi yon iba na lang? Hindi naman tayo close." Tanong niya. Hindi niya ako hinaharap. So,parang kinakausap ko yong likod niya.

"Na feel ko lang na mas maganda kang isama." Sabi ko. Parang hindi naman yon magandang rason. But it's the truth.
At sabi ni ma'am Ann isama ko daw si Darwin.

Madilim na ngayon. Syempre gabi na. Hindi pumapasok ang liwanag ng bituin o ng buwan dahil sa mahikang nakabalot sa gubat na ito. Dito daw kasi sa gubat Naldre ay kong saan nasaktan ang isang Light magician. Hindi siya pinakasalan ng kaniyang mahal at iniwan siyang nag-iisa sa gubat Naldre. Sad story ang naging buhay nong Light magician. Kaya sa huling niyang hininga,binalot niya ang gubat ng kaniyang kapangyarihan. Walang liwanag ang makakapasok sa loob ng gubat tuwing gabi. Kaya gumamit kami ng "eye candle",isang uri ng likido na makakapagbigay sayo ng night vision. Pero hindi ito tatagal ng limang oras at lalakadin namin ang gubat ng 6 na oras.May isang oras kaming mangangapa sa dilim,o kaya maghihintay nalang kami ng umaga.

"Ilang taon ka na nga ?"tanong ko kay Darwin.

Sasagot na sana siya kaso lang nahulog siya.
"Darwin!" napasigaw ako at kinabahan na agad.

"Ahhhhh!!!"sigaw ni Darwin. Bakit kasi hindi siya tumitingin sa dinadaan niya.

Ilang iglap lang ay nasa dulo na siya ng hukay.

"Darwin!"sinisigaw ko ang pangalan niya sa bunganga ng hukay." Okay ka lang!"masnilaksan ko pa ang sigaw ko.
"Darwin! Maghahanap ako ng tali !"

Hindi siya sumasagot. Buhay pa ba siya?
Baka nawalan siya ng malay pagkahulog niya.

"Darwin !! Okay ka lang!? Sumagot ka please !" Sigaw ko ulit na may kasamang concern. Wala talaga. Hindi na siya sumasagot. Baka patay na siya o nawalan ng malay. Baka nabagok ang ulo niya ng malakas at umaagos na ang kaniyang dugo.

Nagulat na lang ako ng may lumipad na dracu maggot galing sa hukay. Adag ko namang pinutol ang ulo nito gamit ang aking kamay.Kaya kong gawing matalin na bagay ang aking kamay. Ito ang aking extra power.

Namatay agad ang dracu maggot.Ito ang isang halimaw na kumakain ng tao at subrang laki nilang bulate na may matutulis na pangil.

Nanigas ang aking katawan ng malaman na nasa pugad si Darwin ng mga dracu maggot. Sa pugad na ito sila nagpapadami at namumuhay. Sigurado akong mas marami pa sila sa isang colony ng mga langgam. Dapat makalabas siya agad dito,o hindi na siya mabubuhay.

Love and MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon