9

21.1K 698 28
                                    

"I've been feeling unmotivated to do things lately but it's alright I'm trying my BEST"

_____________________________________

"C-Catalina anong ginagawa mo dito?" pabulong kong tanong sakanya kahit na pinipilit ko na huwag madistract sa lapit ng mukha niya sakin, hindi ito kumibo habang nakatingin lang ito sa mga mata ko kaya hindi ko maiwasang ibaling sa ibang bagay ang tingin ko... ang ganda niya kasi

pero sa kakaiwas ko ay bumabalik parin sakanya ang mata ko hanggang sa bumaba ang tingin niya sa labi ko, halos atakehin ako sa puso ng ikawit nito ang isang braso niya sa leeg ko habang yung isa ay bigla niyang tinakpan ang bibig ko ...

booooggggssssssss!!!!

malakas na pagbukas sa pintuan ang narinig namin sa labas at mas lalo pa akong hinigit ni catalina palapit sakanya at naramdaman kong nagsimulang manginig ang katawan niya

"shhhhhh" nagtaasan ang balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa may tenga ko, narinig ko ang mga mabibigat na yabag papasok sa banyo. Medyo mahina ang boses pero nasisiguro kong mga lalaki ito.

mga lalaki??! ano ang ginagawa nila dito sa cr ng babae??!
hindi ko masyadong naiintindihan ang pinagsasabi nila pero nung papalapit na sila sa cubicle na pinasokan namin ay dun ko na klaro ang lenggwahe

"ella no está aquí" sino tinutukoy nila?

"¿comó hizo para escapar? encontrar a su!"

galit na utos nung isa hanggang sa narinig kong isa isang nilang binubuksan ang cubicle na ikinalaki ng mga mata ko

"mierda" (shit)

sabi ni catalina at dun ko lang napagtanto kung sino ang hinahanap ng mga lalaki.. potek yarn nakalimutan kong sikat na actress pala siya pero ano ang ginagawa niya dito sa pinas???

"ikaw ang hinahanap nila?" bulong kong tanong sakanya at naramdaman ko ang pagtango nito...

"Phoebe t-they keep on following me and I don't know how they recognized me but it scares the hell out of me, I didn't even know them" bakas sa boses nito ang takot kaya nabahala ako kung sino ang mga naghahanap sakanya pero nakakasiguro akong hindi sila pwedeng pagkatiwalaan

"shhhh here, suotin mo to" hinubad ko ang leather jacket kaya nakasando nalang ako at mabilis ko itong pinasuot sakanya dahil palapit na samin, tinago ko rin yung sumbrero niya at pinasuot ko sakanya yung sakin dahil alam kong ito na ang palatandaan nila sakanya

"what are you doing??" naguguluhan nitong tanong

"do you trust me?" wala naman itong pag aalinlangang tumango

"just go with the flow okay?" ginulo ko din ang buhok ko bago ako naupo sa nakatakip na toilet at pinaupo ko siya paharap sakin

"this is so hot" bulong nito ng hapitin ko siya palapit sakin

"sh--" magsasalita palang sana ako ng malalakas na katok ang narinig namin sa labas kaya pigil ang mga hininga namin hanggang sa pinagsisipa na nila ito at nasira ang padlock kaya mabilis kong hinalikan ang leeg ni Catalina at naramdaman kong nanigas ang katawan nito pero hindi ko na inisip yun dahil nasa oras de peligro .. ang plano ko kasi magkukunwari kaming you know

Tinaas ko ang mukha ko at nakipagtitigan sa nakakatakot na balbas saradong mukha ng lalaki, matagal ako nitong pinagkatitigan bago si Catalina kaya tinago ko ang mukha niya sa leeg ko hanggang sa nagitla ako ng maramdaman ko ang malambot niyang labi sa balat ko.

"w-what?!" kunwaring naiinis kong sambit pero nautal parin ako dahil imbes na matakot pa ako sa tingin ng lalaki ay mas kinakabahan na ako sa ginagawang panghahalik ng babae sa leeg ko at kamuntikan pang mapapikit ang mga mata ko sa sensasyon.

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon