It's been a few weeks since my stepsister's madness, wala pa akong balita sa babaeng yun dahil mas pinaglaanan ko ng pansin ang magkapatid pero nakasisiguro akong nakakulong siya ngayon.Maging sila papa ay hindi rin makapaniwala sa nangyari at nung mabalitaan nila ang insidente ay kaagad silang napasugod sa hospital at humingi ng tawad sa pamilya sacramento.
Ikinuwento din sa'kin ni Nick kung paano nag agaw buhay ang ate nito nang isugod ito sa hospital. Nawalan ako ng malay that time but I can't imagine seeing her sister's lifeless body being wheeled in the emergency room.
She wouldn't have a chance to survive but miracle happened, her body was able to cope even though she had lost a lot of blood. The doctor also didn't say when she would regain consciousness kaya matiyaga kaming naghihintay.
And one more thing... si Levi
Mula nang madischarge siya sa hospital ay walang araw na hindi ko siya binibisita sa bahay nila but I don't understand why she's acting weird dahil kapag kinakausap siya ng parents niya hindi ito masyadong nagsasalita at kapag sinusubukan ko siyang kausapin titingnan lang niya ako and honestly, nasasaktan ako sa kinikilos niya.
She keeps ignoring me and it seemed like she doesn't want me at all. Napapaisip na nga lang ako baka nagkakaganito siya ay marahil sinisisi ang sarili sa nangyare.
"iha dapat umuwi ka muna at makapag pahinga, galing ka pa naman sa trabaho"
"huwag po kayong mag alala uuwi din po ako kapag nagpapahinga na po siya" matamlay akong ngumiti kay Mrs. Sacramento pagkatapos ay tiningnan si levi na tahimik lang. Sa ngayon ang nagbabantay sa ate niya na nasa hospital ay ang asawa nitong kakauwi lang din galing ng mexico.
"pero baka ikaw naman ang magkasakit niyan, pwede mo naman siyang bisitahin bukas" mahinahon nitong sabi bago naupo sa tabi ko at tulad ko ay pinagmasdan niya rin ang anak na nakaupo sa ibabaw ng kama.
Nakita kong napatingin siya sa gawi namin at hinintay kong magtama ang mga mata namin. Ngingitian ko sana siya pero para na namang pinunit ang puso ko nang ibaling na naman nito sa ibang direksyon ang mga mata.
Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang sariling huwag maiyak sa harapan ng nanay niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang makausap siya nang hindi ako binabalewala.
Isang madiing pisil ang naramdaman ko sa kamay kaya napatingin ako kay Mrs. Sacramento "alam kong may tinatago kayo"
"ano po ang ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong
"magtapat ka iha... may namamagitan ba sainyong dalawa ng anak ko?" nahigit ko ang hininga at mabilis na dinaga ang dibdib ko sa sinabi nito.
Ilang beses akong napalunok dahil bukod sa alam nilang isa akong kilalang modelo ay ang pagkakakilala din nila sa'kin ay isa sa mga malapit na kaibigan ni levi.
Ito ang pangalawang beses na nameet ko si mrs. sacramento. Una ay yung sinadya ko talagang puntahan si levi para personal na imbitahang maghapunan sa bahay ko.
Masyado ba akong halata kaya napansin niya?
Tiningnan kong muli ang kasintahan kong may sariling mundo bago ako nagpabuntong hininga ng malalim. Nabanggit na minsan sa'kin ni levi na botong boto ito kay catalina kaya nag aalangan ako kapag sinabi ko kung ano ang totoong namamagitan samin.
Sa lalim ng iniisip ay hindi ko namalayan ang muling pagpisil ni Mrs. Sacramento sa kamay ko pero ngayon sobrang gentle nito. Naguguluhan ako ng sinabi nitong sumunod ako sakanya.
Bago ko pa maisara ang pinto ay napansin kong nakatingin siya sa'kin. Ilang minuto din ang tinagal ng pagtitigan naming dalawa at buong akala ko ay magsasalita ito pero nanatiling tikom ang bibig nito. Bagsak ang mga balikat kong isinara ang pinto, tumingala ako para pigilan ang namumuong luha bago ko sinundan ang ginang.