EXTENDED CHAPTER

29.3K 678 374
                                    

SPECIAL PROJECT

(Project Ex Series Extended Chapter)

Rinig ko sa tabi ko yung mga officemates kong nang-aasar at kinikilig. Napahinto kami pare-pareho ng makita namin sa tapat ng office building yung itim na SUV, may lalaking nakasandal na naghihintay, natatakpan yung kalahati ng mukha niya ng hawak niyang malaking bouquet ng roses.

When he saw me, binaba niya yung bouquet. I finally saw his face. Sa wakas he shaved and had his hair groomed.

There he was.

Alexander Tady.

My Alexander Tady.

One week after the engagement parang surreal pa rin lahat. Tuwing titingnan ko yung mukha niya o maririnig ko boses niya, di ako makapaniwalang bumalik siya… at akalain mo yun, may bonus pang “forever”.

Jill: (nagpaalam sa mga officemates niya, lumapit kay Zander, stroked his hair) Namiss ko ‘to ah. Bagay pa rin. (wrapped her arms around Zander’s neck) Kainis! Ang gwapo mo.

Zander: (napangiti) Nagpropose ako sa ex ko last week eh. Nauto ko, umoo. Mahirap na baka magbago pa isip kaya kailangan pogi ulit. (inabot yung bouquet kay Jill)

Jill: (kinuha yung bouquet) Kahit magmukha ka pang ermitanyo, yes pa rin ang isasagot ko (gave Zander a quick kiss on the cheek). Saan tayo pupunta?

Zander: Magdidinner. Tsaka may surprise ako sayo. (hinawakan kamay ni Jill, binuksan pinto ng kotse)

Buong biyahe papunta sa kakainan namin hindi niya binitawan kamay ko. Akala ko ako lang nakakaramdam nito pero parang siya din, yung feeling na sa tagal naming magkahiwalay kulang yung oras na kasama namin isa’t isa para makabawi.

Biglang hininto ni Zander yung sasakyan.

Jill: O, bakit?

Zander: (kumuha ng panyo sa bulsa niya) Susuot ko muna sayo ‘to.

Jill: Magdidinner lang kailangan naka-bandana pa?

Zander: Shunga! Hindi bandana. Blindfold.

Jill: Ahhh! Linawin mo kasi. Saan ba tayo pupunta? (tumingin tingin sa paligid) Diba papuntang…

Zander: Surprise nga diba? (sinimulan ng piringan sa mata si Jill) Ssshhh. Wag ka muna maingay.

Jill: Ok ok. Malayo pa ba?

Zander: Malapit na tayo.

Pinaandar niya ulit yung kotse. After a few minutes naramdaman kong parang pinapark na niya yung sasakyan. He turned the engine off.

Jill: Andito na tayo?

Zander: Oo. Steady ka lang diyan. (lumabas ng kotse, inalalayan si Jill palabas)

Muntik na ko matalisod dahil wala akong makita. Naglakad kami at maya maya may narinig akong parang chime at squeak. Parang may binuksan siyang pinto. Binitawan ni Zander kamay ko at may narinig akong parang switch na binuksan niya. Biglang tumahimik.

Project ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon