I woke up the next morning na nakangiti. This is the happiest I’ve been in a long time. Nakita’t naramdaman ko yung sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kwarto. The rays were touching my face and I closed my eyes to savor the daylight. I took a moment para amuyin yung shirt na suot ko. This familiar smell na ang tagal kong hinanap hanap. I turned on the other side of the bed…
“Good morning…”
I couldn’t say it back dahil hindi ako makapaniwala na nagising akong katabi si Zander. We looked at each other for a… umm… hindi ko na ma-estimate kung gaano katagal because that stare-fest was by far the longest and perhaps the best we had. He kissed my forehead and moved closer to hug me. My hand felt his skin when I placed it on his chest. He stroked my hair and asked…
“Had a good sleep?”
I couldn’t say anything kasi focused ako masyado sa pagkakayakap niya sakin. Parang gusto ko ulit bumalik sa pagtulog pero sana nakayakap lang siya sakin. He looked at my face…
Zander: Di ka ba nakatulog?
Jill: (natatawa) Nakatulog naman.
Zander: Why? What’s funny?
Jill: Wala. (halata sa ngiti na nahihiya)
Zander: You’re hot.
Jill: Umm… Thank you??
Zander: No. I mean you’re hot… literally. (touched Jill’s forehead using the back of his palm) Are you okay?
Jill: I’m fine. Baka… ano… umm… mawawala din ‘to.
Zander: (kissed Jill’s lips) Stay here. Matulog ka pa. Maaga pa naman. I’ll go to my room to fix up. Nagising kasi ako sa text ni Caloy kanina. He needs help. Groomsman duties muna ha? Hahatiran lang kita breakfast tapos pupuntahan ko na sila.
He kissed my hand bago siya bumangon. He was wearing boxer shorts, he took his sweatpants from the chair near the bed at binalikan ako sa kama.
Zander: Umm… (napapahawak sa batok niya, topless dahil suot ni Jill shirt niya)
Jill: (napatingin sa shirt na suot niya) Ay wait lang… Magpapalit lang ako.
Zander: (pinigilan si Jill sa pagbangon) No. Wag na. It’s fine. My room is just a few walks away. May sinat ka. Humiga ka nalang. (kissed Jill’s forehead) I’ll be back.
Hindi na ko nakapagsalita. I looked at him as he left the room at nung paglabas niya……
Napatili akooooo!!!!!!!!
Betchaby golly!!!!!! Last night… last night was… JUSMIYOOOOOOO!!!!!
Bumalik ako pagtulog pagkalabas ni Zander. After an hour bumalik siya na may dalang tray na may egg, pancakes at tasa ng kape. Sabi niya gusto niya sana ako sabayan at samahan pero hinihintay na raw siya nina Caloy, Paolo at Rocky. After breakfast, I went back to sleep. Hindi ko alam kung ano ba nangyari sakin bakit bigla akong sininat. Dahil kaya sa kagabi? Hindi ako pwede magkasakit dahil bukas na kasal ni Caloy.
By lunch time medyo gumaan na pakiramdam ko. Feeling ko busy mga tao ngayon dahil ngayon ang dating ng lahat ng guests pati na din ng bride. Ngayon na din magsisimulang magsetup ng venue para sa wedding ceremony at sa reception. True enough, pag labas ko ng kwarto maingay na sa may reception area ng resort. Marami akong nadaanang mga tao na nakangitian ko habang hinahanap ko sina Zander. May mga batang naghahabulan. Siguro sila yung mga flower girls bukas. Pumunta ako sa restaurant. Wala sila Caloy doon. Sinilip ko sa may beach, wala rin. I decided to order lunch at pinahatid ko nalang sa kwarto ko. Itetext ko nalang siguro sila na puntahan nalang ako sa kwarto pag hindi na sila busy.
BINABASA MO ANG
Project Z
Teen FictionDue to insistent demand of the readers of Project Ex and Project Why, here's the last installment of the series. Muling matawa, maaliw at kiligin as Zander and Jill's love story continues. Happy ending na nga ba? Abangan. :)