Prologue

50.8K 667 62
                                    

“Ayaw mo na ba?”

Hindi ko alam kung ano isasagot ko kay Paolo sa tanong niya. Gusto ko sabihing “hindi” dahil sa totoo lang, there’s still a part of me that’s holding on to him. Naglalaban yung puso’t isip ko dahil alam ko na mas tamang itigil ko na. I need to move on.

Jill: Oo.

Paolo: Are you sure? Is this really what you want?

Jill: Yes.

Paolo hugged me tight habang nakaupo kami sa may pool side. Hindi ko na maramdaman yung tubig sa pool kung saan nakalublob yung mga paa namin because all I can feel right now are tears falling from my eyes. Para akong naghihilamos sa luha. Katumbas ng bawat hikbi ko yung di ko na mabilang na araw na naramdaman kong unti unting nabibiyak yung puso ko.

Paolo: (hinigpitan yung yakap kay Jill) I’m sorry.

Jill: (pabulong) I’ll be fine.

Tumagal pa ng ilang minuto ang emo session namin. Di nagtagal napagod din ako kakaiyak. Kulang nalang maghyperventilate na ko kaya ako na rin nagkusang tumigil. Kumawala ako sa pagkakayakap ni Paolo.

Jill: (wiped the tears on her face gamit kamay niya, huminga ng malalim, natawa) Sorry. Para na kong baliw.

Paolo: Di talaga bagay sayo umiiyak.

Jill: (tumayo) I better go.

Paolo: (sumunod sa pagtayo ni Jill) Can I at least bring you home?

Jill: Wag na Pao. But thank you for offering.

Kinuha ko yung bag ko na naiwan sa sala nina Paolo at hinatid niya ko sa gate ng bahay nila.

Paolo: (hinawakan sa kamay si Jill) Are you sure you’ll be okay?

Jill: (napangiti, tumingin kay Paolo) Yes. Thank you Pao. For everything.

Binuksan ni Paolo yung gate at lumabas na ko. Naglakad ako ng patalikod habang nakatingin sakanya para mapakinggan yung mga pahabol niyang salita.

Paolo: (nakasandal sa may gate habang nakatingin kay Jill) Ingat ka pauwi.

Jill: (naglakad dahan dahan ng patalikod habang nakatingin kay Paolo) Salamat. (napayuko sa shoulder bag niya habang kinakapa yung cellphone niya) I’ll text you when I…

Paolo: JILL!!!!!!

Nagulat ako sa sigaw ni Paolo pero bago pa ko mapatingin sakanya mas napansin ko yung ingay ng brake ng sasakyan na konting konti nalang makakakiskisan na ng katawan ko. Sa gulat ko napaupo ako pero hindi naman talaga ako tinamaan. Langya naman! Magsisimula palang ako ng bagong buhay ko eh parang papatayin pa ata ako ng hinayupak na driver na ‘to. Ang luwag luwag ng daan sa village nina Paolo at hindi naman siguro ako invisible para hindi niya makita! Naramdaman ko may humawak sa braso ko…

“Miss, I’m sorry. Ok ka lang?”

Pinagpag ko yung dumi sa braso ko sabay tabig sa kamay niya. Tinayo ko sarili ko at nakita ko from my peripheral view na palapit si Paolo sakin. Mumurahin ko na sana tong gagong driver na ‘to pero napatingin ako sa mukha niya. Bago pa lumabas sa bibig ko yung pagsumpa ko sakanya pati na sa mga kanunununuan niya dahil muntik niya na ko masagasaan, parang nagslow motion lahat. Ni hindi ko maramdaman yung paghinga ko. All I know was that I was looking at this guy in a black muscle shirt and dark blue jeans intently na para bang dinodrawing ko yung mukha niya sa isip ko.

Tinanggal niya yung shades sa mata niya…

“Jillian?”

His hair is longer now. Hindi pa naman natatakpan yung mata niya pero bagsak na yung buhok niya di gaya nung huli ko siyang nakita a year and a half ago. His cheeks are flushed. May konting facial hair na rin siya ngayon. He looks more matured. Gumwapo lalo. Hindi na ko nakapag-isip, hindi ko nakontrol sarili ko. Bigla kong nabitawan yung shoulder bag ko sa kalye and the next thing I knew, my arms were already wrapped around his neck.

“Hey… I can’t breathe…”

Pagkarinig ko sa sinabi niya, binitawan ko siya. Totoo ba ‘tong nakikita ko? After not talking to him for a long time, now he’s right here… in front of me in flesh. Hindi nalang imagination o memory. Kumabog ng mabilis yung dibdib ko. Ang nasabi ko nalang sa sarili ko…….

“Sh*t! He’s back.”

Project ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon