Chapter 10: Second Chance?

29K 672 830
                                    

Pagkatapos ko maligo at mag-ayos, umupo ako sandali sa kama. I found myself smiling while combing my hair. Bumalik balik sa isip ko yung mga nangyari kanina. Nayakap ko si Zander. Naramdaman ko yung dating Alexander Tady, yung Zander ko. Mas lalo ko siyang namiss. At kahit na may pagka-maldito siya ngayon, kahit na bumalik nanaman siya sa pagiging antipatiko niya, hindi ko pa rin maiwasan mapangiti tuwing makikita ko yung mukha niya. Nastorbo yung pagmumuni-muni ko nung biglang may kumatok sa pinto. Siguro si Mitch ‘to.

Jill: (tumayo) Wait lang, ito na, bubuksan na. (binuksan yung pinto, nagulat sa nakita niya)

Zander: Let’s go. Magdidinner na tayo.

Jill: Ah. Ano. Umm… Tayo? Magdidinner?

Zander: Oo. Bakit? Ayaw mo?

Jill: Gusto! Gusto!

Zander: Tara. Naghihintay na sila Caloy.

Jill: Kasama sila?

Zander: Ummm. Oo. Diba sabay-sabay naman tayo lagi kumakain?

Jill: Ahhh. Oo nga.

Zander: Nauna na sila sa resto. Sabi ko ako na susundo sayo sa kwarto. Ano? Sasabay ka ba o isang oras pa tayo magke-question and answer portion dito?

Jill: (murmur) Sungit naman nito. (lumabas, sinara yung pinto)

Pagdating namin sa resto, nakaupo na sila Paolo, Caloy at Mitch. Nakahain na rin yung mga pagkain pero hindi pa nila ginagalaw. Hinintay pa yata kami ni Zander.

Zander: (umupo, may bakanteng upuan sa tabi niya, mabilis na hinawakan kamay ni Jill) Dito ka na.

Jill: (di mawari kung magtataka o kikiligin) Ha? Ah. Ok.

Caloy: Anak ng! (parang kinikilig, sinisipa sa ilalim ng table si Paolo, nagpipigil ng ngiti)

Paolo: Aray! Anong problema mo?

Caloy: (ngumunguso para ituro sila Jill at Zander, nagpaparinig) Akala ko ba ako yung ikakasal?

Mitch: (nagpipigil ng ngiti pero di maiwasan mang-asar) Mag give way ka daw, sila muna.

Zander: (in a masungit tone) Kumain na nga tayo!

Kinuha ni Zander yung lalagyan ng kanin at nilapit sakin. Alam kong sasandukan niya sana ako ng kanin because that’s how we were nung kami pa but he stopped. Hindi ko mapigil yung ngiti ko dahil kahit hindi natuloy, the thought na naalala niya na ganito ginagawa niya noon, somehow I saw a window of hope. Shet yaaaaannn!! Sabi ko sa sarili ko wag akong aasa pero bakit naman kasi sumusundot ng kasweetan ‘tong si Zander, or should I say almost-kasweetan dahil hindi naman natutuloy. While eating nagkwentuhan kami tungkol sa kasal nila Caloy sa Sunday. Excited na daw siya. Ang dami niyang kung ano anong gimik na naiisip para sa reception dahil gusto daw niya isurprise si Trisha.

After dinner, kung kalian ready na ko tumayo biglang naghain ng dessert yung waiter. Lech! Ice cream na may marshmallow na toppings. Gusto kong kainin dahil mukhang masarap pero hindi ko alam kung bakit ako naawkwardan. Magkatabi pa rin kami ni Zander. I heard him laughing kasi may pinag-uusapan sila ni Paolo. Hindi ko alam kung ano dahil hindi ako makapagconcentrate kakatitig sa ice cream na nasa harapan ko. Maya maya natahimik si Zander habang sila Caloy tuloy tuloy pa rin sa pag-uusap.

Zander: (lumapit ng konti kay Jill, his eyes were looking straight ahead pero nakikipag-usap kay Jill) Ang dila nasa bibig, wala sa mata. Hindi mo malalasahan yan sa titig, try mo kaya kainin.

Project ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon