Chapter 4: Mr. and Mrs. Tady

27.1K 508 164
                                    

*knock knock*

“Alex…”

*knock knock*

“Alex…”

Nagising kami sa gulat ni Zander nung nakarinig kami ng kumakatok. Pag tingin namin sa bintana… Shoot!!!!! Maliwanag na!!!! Buong gabi kami nakatulog ni Zander… sa iisang kama!!!

*knock knock*

“Alex… Nakahanda na almusal. Bumaba ka na.”

Nagkatinginan kami ni Zander. Nagbubulungan kami.

Zander: Bubuksan ko ba yung pinto??

Jill: Ha?? Teka lang!! San ako pupunta??

“Alex! Gising ka na ba? Bakit naka-lock ‘tong pinto mo?”

Zander: Ah.. Ano po.. Ahhh… (sinesenyasan si Jill na magtago) Sandali lang po.

Jill: (pabulong) Saan????

Zander: (tumayo) Sa kurtina?? Sa ilalim ng kama?? Sa likod ng sofa? Kahit saan! Bilis!!!

“May kausap ka ba diyan?? Alex! Buksan mo nga ‘tong pinto!”

*knock knock*

Jill: (pabulong) Pagtataguin mo ko sa kurtina?!! Ano ‘to sitcom??!!

Zander: Sa cr!! Dali!!

Tumakbo ako sa cr. Jusko nga naman pag natataranta, ang hirap mag-isip ng may sense. Narinig ko na binuksan ni Zander yung pinto. Naririnig ko din usapan nila pero medyo mahina.

Yaya Fanny: (sumisilip sa loob ng kwarto ni Zander) Ano ba nangyayari sayo? Bakit ang tagal mo magbukas ng pinto? Tsaka di ka naman naglalock dati.

Zander: (di mapakali) Ah, ano po, naiwan ko lang nalock kagabi. Di ko lang po napansin.

Yaya Fanny: (tumingin tingin pa rin sa loob ng kwarto ni Zander pero hindi pumasok) Hmm… Sige. Nakahanda na pagkain sa baba. Kumain ka na.

Zander: Sige po. (namumutla)

Yaya Fanny: (may tinitingnan sa sofa sa loob ng kwarto ni Zander) Isama mo na rin yung kaibigan mo.

Zander: Ha? Kaibigan? Sino pong kaibigan?? (pinagpapawisan na)

Yaya Fanny: (tinuro yung bag sa sofa) Kailan ka pa nagshoulder bag na pink? (umalis na)

Narinig ko si Zander na sinara yung pinto. Lumabas na ko ng cr. I was wearing my worried face.

Zander: Huli tayo. (napapakamot nalang sa ulo)

Jill: Shet! Anong iisipin nila? Na ganun akong klaseng babae?

Zander: Wala naman tayong ginawang masama.

Jill: (napaupo sa sofa) Oo nga. Pero pano naman natin ieexplain kung bakit dito ako natulog?

Project ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon