6 days before the wedding…
It’s a weird feeling. I’m going back to a place where all of my best memories with Zander happened pero this time, iba ang kasabay ko, hindi na siya. Mula pa nung nagkita kami hindi na ko mapakali. Nakukulitan na nga yata sakin si Mitch dahil mula nung araw na yun, naka-ilang beses na kong tumawag sakanya para lang makipag-usap tungkol kay Zander. Hindi namin alam pareho kung ano ibig sabihin ng pagbabalik niya. Aalis pa ba siya ulit? O umuwi lang siya para sa kasal ni Caloy?? Yung paghoholding hands nila ni Ira? Ano yun??? Sila na ba?? Pano nangyari?? At teka… saan ba talaga siya pumunta??? Ang daming tanong sa isip ko kaya gustong gusto ko siya makausap. Baka ito na yung pagkakataon para masagot yun lahat.
Kasabay namin ni Paolo papuntang resort si Mitch. Si Paolo ang nagmaneho, ako nasa passenger seat at si Mitch naman nasa likod. Tulog si Mitch buong biyahe pero ako, gustuhin ko mang matulog, hindi ko magawa. Hindi ko maintindihan kung kinakabahan ako o naeexcite. I don’t know what to expect sa isang buong linggong ‘to. Pero sigurado ako sa isang bagay… namiss ko si Zander.
Pagdating namin sa resort, nandun na si Zander at Caloy. Sinalubong nila kami sa reception area.
Caloy: (halatang excited) This is going to be fun!! Just like old times!!
Jill: (Palingon lingon, parang may hinahanap) Umm… tayo lang ba?
Caloy: Hinahanap mo ba yung ibang guests? Wala. Tayo tayo lang nandito ngayon. Yung mga guests a day before the wedding pa dadating.
Paolo: (nilapag muna yung bitbit na bag niya at mga gamit ni Jill at Mitch) Si Rocky ba nakausap mo na?
Caloy: Yeah. He texted this morning. Hindi daw siya nakakuha ng maagang flight pero darating siya bago yung kasal. Ano? Gutom na ba kayo? Gusto niyo ba muna kumain?
Mitch: Caloy, I’m so sleepy. Can we go to the room first? Iidlip muna ako.
Caloy: Ok sige. Kayo Pao?
Paolo: Punta nalang siguro ako sa kwarto para malagay na muna mga gamit dun.
Caloy: O big boys and girls na tayo ah. Kanya kanya na tayo ng kwarto.
Jill: Umm… dito nalang muna siguro ako. Magiikot-ikot lang. (tumingin kay Paolo) Pao, kunin ko nalang gamit ko. Iwan ko nalang muna sa receptionist.
Paolo: No, it’s ok. Hahatid ko nalang sa kwarto mo mamaya.
Caloy: Z, samahan mo nalang muna si Jill, ok lang? Hatid ko muna sila Paolo sa kwarto nila.
Zander: Ha? Eh may gagawin pa ko.
Caloy: Anong gagawin? Kakatapos lang natin kumain, alangan namang matulog ka agad? Baboy lang bro? Sige na! Samahan mo na muna si Jill. Mag-wisikan kayo ng tubig sa beach. Reminisce reminisce muna. (natatawa)
Zander: (binatukan si Caloy) Manahimik ka na! Sige na ihatid mo na sila!
Umalis na si Caloy, Paolo at Mitch. Naiwan kami ni Zander sa may reception area.
Zander: Kailangan pa ba kita samahan?
Jill: Ikaw bahala.
Zander: (bumuntung hininga) Tara na nga! Saan mo ba balak pumunta?
Jill: Kung saan saan. Magiikot lang.
Zander: (napapahawak sa batok niya, naunang maglakad) Tara!
Jill: (napapangiti, medyo kinikilig) Saan tayo pupunta?
Zander: (lumingon kay Jill) Sabi mo kung saan saan, eh di kung saan saan!
Naunang maglakad si Zander. Pumunta kami sa beach. Ang ganda tingnan kasi walang tao maliban sa amin. Pinasara yata talaga yung resort para samin at sa wedding nila Caloy sa Sunday. Hindi kami nagkikibuan ni Zander. Nakapamulsa lang siya habang naglalakad, ako naman patingin tingin sa paligid. Kanina ko pa gusto magtanong sakanya pero hindi ko alam papano sisimulan. Pano ko ba tatanggalin tong awkward atmosphere??
BINABASA MO ANG
Project Z
Teen FictionDue to insistent demand of the readers of Project Ex and Project Why, here's the last installment of the series. Muling matawa, maaliw at kiligin as Zander and Jill's love story continues. Happy ending na nga ba? Abangan. :)