Dumaan yung dalawa pang linggo na sobrang okay kami ni Jill. Petty fights here and there pero naaayos din naman agad. I’m not used to this. Noon pag may nagtatampong babae sakin, I just dump them. Ayoko ng drama. Ayoko ng arte. Sa dami ng babae na naghahabol sakin noon, hindi ko sila kawalan. But with Jill, everything’s different. Sometimes it annoys me pag nag-iinarte siya but I can’t stand it when she’s ignoring me. Parang gusto ko magwala mapansin lang niya ko. Hindi ko alam kung ano meron sa bruhang yun pero sakanya lang ako hindi nahihiya na sabihin kung ano nararamdaman ko. Lahat na ata ng ka-cornyhan na sinumpa kong hindi ko gagawin nagawa ko na at magagawa pa. Before I pursued her all I want is for her to notice me and see me in a different light. When I finally had the courage to officialy court her, I wanted her to love me. And now that she already does… the goal is just to make her happy. It became automatic.
July 18, 8am sa dorm nila Jill…
I called Jill to let her know that I’m already here. She has class by 9am. Sinundo ko na siya ng maaga para makapagbreakfast kami. We may be seeing each other everyday but I want to spend as much quality time as I possibly can with her. Hindi ko alam kung clingy ba kong matatawag o sadyang gusto ko lang na nasa tabi ko siya ka lagi. Nasa loob lang ako ng kotse habang hinihintay siya. Sobrang init sa labas at ayoko pagpawisan so I just waited for her here. Few minutes after I called her up, nakita ko na siya na naglalakad palapit sa kotse.
Huminto nanaman mundo ko. Although she’s just wearing faded skinny jeans, black and white striped tank top and a beige cardigan, her simplicity never fails to catch my attention. Her hair is pulled up and for some reason seeing her neck turns me on. Damn it! Ang sexy ng girlfriend ko.
Ang laki ng ngiti ni Jill pagsakay niya sa kotse. I don’t know what’s up pero iba yung mood niya ngayon. Extra happy I guess? Ano kaya nangyari?
Jill: (pagkaupo sa kotse, nilagay yung bag niya at isang blue box na may white ribbon sa backseat, humalik sa pisngi ni Zander, tumitig at ngumiti) Good morning!
Zander: Good morning. What’s with you?
Jill: Why? :)
Zander: Wala lang. Parang sobrang saya mo eh.
Jill: Wala ka bang naaalala?
Zander: Umm… December pa birthday mo diba?
Jill: Hmm… Wala ka talaga naaalala?
Zander: May okasyon ba?
Jill: July 18…
Zander: And?
Jill: Hay. One month na tayo.
Zander: Oh… Umm… Ok. Ah… should I be saying happy first month?
Jill: Nakalimutan mo.
Zander: Of course I didn’t forget about it. I just didn’t realize na dapat palang icelebrate.
Jill: Siyempre.
Zander: (napakamot sa ulo, naawkwardan, hindi alam ano susunod na sasabihin) Umm… I didn’t buy you anything. I’m sorry. But I promise I’ll get you something tonight.
Jill: (hinawakan sa pisngi si Zander) It’s okay. I understand.
Zander: Wow. You understand? Bago yan ah?
Jill: (mula sa pisngi napunta sa likod ng ulo ni Zander yung kamay ni Jill biglang batok) Ungas ka! Inintindi ka na nga mang-aasar ka pa!
Zander: (natatawa) Aray!!! I’m kidding ok?! Sorry na. Pero seriously. Babawi ako ok?
BINABASA MO ANG
Project Z
Teen FictionDue to insistent demand of the readers of Project Ex and Project Why, here's the last installment of the series. Muling matawa, maaliw at kiligin as Zander and Jill's love story continues. Happy ending na nga ba? Abangan. :)