Weeks passed after we celebrated our graduation sa resort nila Caloy. Paolo left for the States para magbakasyon. 3 weeks na nakakalipas. He called me up last week, ang sabi niya baka magtagal pa siya ng dalawang linggo dun. Sina Rocky at Caloy pumetiks muna. Nagpaka-bum at nag-uubos ng oras araw araw sa gym. Mitch, on the other hand, went to Palawan with her family para magbakasyon. A week after that, nagsimula na siya magtrabaho sa kumpanya ng daddy niya. She became busy and less visible pag nagkakayayaan kami lumabas. Careerwoman na daw siya kaya sa ngayon trabaho na yung priority. Ayaw niya daw madisappoint sakanya pamilya niya that’s why she’s trying her best to show quality work to impress her parents. Sila pa rin naman ni Rocky. Hindi ko na inuusisa kung kumusta sila dahil hindi naman ako tsismoso. Wala namang kinekwento si Rocky so I assume maayos naman takbo ng relasyon nila.
Jill and I are doing great. I was able to convince her to take entrance exams sa dalawang kilalang law school. I told her whether she decides to pursue it or not, wala namang mawawala. Ang importante sinubukan niya. The smart girl that she is, pumasa siya sa pareho. She had a hard time choosing which one pero eventually nagdecide siya na piliin yung school kung saan mas malapit sa papasukan ni Louie. She was really excited at first. She started imagining kung papano mangyayari lahat pag nagsimula na siya pumasok, yung mga bagong taong makikilala niya, yung mga magiging professors niya, yung pag-graduate niya and eventually pagpasa ng bar exams. I don’t get tired of listening to her because I love seeing her face light up whenever she talks about her dreams. She applied for a scholarship program. Sabi ko sakanya we’ll take that as a cue. Pag maapprove, itutuloy niya. Pag hindi, then that means magtrabaho na muna siya at patapusin kapatid niya.
1pm sa bahay nila Jill sa Laguna…
Jill: (nakaupo sa sofa, fidgety, tingin ng tingin sa phone niya) Yam… tingin mo what time darating yung email?
Zander: (natatawa) Wag ka ngang aligaga. Sabi nila ngayon isesend, maghintay nalang tayo.
Jill: (tumayo, palakad lakad habang hawak yung phone niya) Check mo kaya sa laptop? Baka naman nag-email na nagloloko lang yung phone ko.
Zander: (tumayo, hinawakan kamay ni Jill) Yam quit pacing. Nahihilo na ko sayo.
Jill: (huminto sa paglakad lakad niya) Eh kasi naman, kinakabahan ako. Papano kung hindi maapprove yung application ko for scholarship? Ano babye na sa pangarap ko? Ganun lang?
Zander: Ano ka ba? Isang rejection letter lang yan. Pag hindi ka matanggap eh di subukan ulit sa susunod na schoolyear. Napag-usapan na natin yan diba?
Jill: (napayakap kay Zander) Dito ka lang.
Zander: (napapangiti habang yakap si Jill) I’m not leaving until malaman natin kung tanggap ka o hindi. (naramdaman yung phone ni Jill na nagvibrate) YAN NAAAA!!
Jill: (binigay kay Zander yung phone, namumutla) Ikaw na magbasa!
Zander: Ikaw na. Dapat ikaw una makaalam.(binalik yung phone kay Jill)
Jill: (binigay ulit kay Zander yung phone) Please???
Zander: Fine fine. (chineck yung email sa phone ni Jill, tiningnan si Jill at niyakap pagkatapos mabasa yung email)
Jill: Hindi naapprove noh? I knew it.
Zander: (yakap pa rin si Jill) I’m proud of you, you know that?
Jill: Proud of me kahit hindi naapprove scholarship ko?
Zander: Proud of you kasi… APPROVED YUNG APPLICATION MO!!!
BINABASA MO ANG
Project Z
Teen FictionDue to insistent demand of the readers of Project Ex and Project Why, here's the last installment of the series. Muling matawa, maaliw at kiligin as Zander and Jill's love story continues. Happy ending na nga ba? Abangan. :)