Chapter 1: Babe

42.4K 609 296
                                    

7am sa dorm…

 

It’s been a week since Z and I officially became a couple. Wow. Couple. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay. Tuwing maiisip ko lahat lahat ng nangyari I still wonder how we came to this. Slowly nawawala na yung takot ko at pag-aalangan kasi this week, grabe. Wala akong masabi sa effort ni Zander. Hindi ko alam kung naging ganito din siya sa mga babae niya noon but everytime we’re together since naging kami, there was never a day na hindi niya pinaramdam sakin na ako lang ang babae sa paningin niya.

Ngayon ang first day of classes namin. Our 4th and last year. Ang daming nagbago sa ilang buwan lang na nakalipas pero masasabi kong ito na yung pinakasiksik at kumpleto ako. Supportive family, new group of friends, ahem, a hot boyfriend, and a bright future ahead… what more can I ask for. Anyway, tama na ang pagmumuni muni dahil may klase pa ako ng 8:30. Pagbangon ko biglang nagring yung phone ko…

Zander calling…

After 2 rings…

Zander: Good morning hon.

Jill: (kinuha yun twalya niya habang sinasagot yung phone) Good morning. What was that?

Zander: What was what?

Jill: Yung sinabi mo after good morning.

Zander: Hon?

Jill: Ano yun?

Zander: Ayaw mo ba? How about babe? Or by as in baby?

Jill: Huh? (natatawa)

Zander: Eh one week na tayo hanggang ngayon wala pa rin tayong term of endearment.

Jill: Kailangan ba nun?

Zander: Fine fine! Good morning bru. You have class by 8:30 right? Mag-ayos ka na. I’ll pick you up by 8.

Jill: Wag na. Magkita nalang tayo sa school.

Zander: No. Susunduin kita.

Jill: Wag na makulit. Ang lapit lapit ko lang. Sa school na tayo magkita ok?

Zander: Paalala ko lang. You have a boyfriend now. Susunduin kita pag gusto ko, so stop making this an argument.

Jill: Eh bakit ang init ng ulo mo?

Zander: Hindi mainit ulo ko. I’m just saying. You better get used to it kasi I don’t care if I look like your “anino” basta kung nasaan ka, nandun ako.

Jill: Hay. Ok. I’ll see you later. Maliligo na ko.

Zander: Ok.

(tumahimik, naghihintay ng susunod na magsasalita… after 15 seconds…)

Jill: Hello? Andyan ka pa ba?

Zander: Umm… oo. Wala ka bang sasabihin?

Jill: May dapat ba kong sabihin?

Zander: Tsk! Ako nalang lagi nauuna. Hanggang lobo ka lang talaga. May paconfess confess ka pa last week tapos yung ano lang di mo pa rin masabi.

Jill: Eh ano ba??

Zander: Sige na maligo ka na!! I LOVE YOU! (binaba na yung phone)

*end call*

Tingnan mo yun. Nag-I love you pero sumigaw naman. Mahal ko si Zander. Sure na sure ako dun. Pero hindi ko alam kung sadyang hindi lang ako sanay o nachicheesyhan ako o ano ba pero parang nahihiya akong sabihin. Pasensya naman, first time eh. One time last week bigla lang lumabas sa bibig ko at ang priceless ng mukha ni Zander. Para siyang batang binilhan ng bagong laruan. Yakap ng yakap sakin. Sa isang linggo namin nagaadjust pa kami sa isa’t isa dahil noon puro kami bangayan. I still don’t know how to act around him. I guess one of these days masasanay din ako.

Project ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon