Chapter 8: 18 Months After

21.9K 445 129
                                    

It’s been quite a while, well hindi lang quite a while dahil matagal tagal din yung mahigit isang taon. A lot has changed mula nung umalis ni Zander. When I look back, I can’t remember how I even got here. Hindi ko naramdaman yung paglipas ng panahon. After Zander left, I have disappointed so many people. Pakiramdam ko nasira lahat ng mga plano ko kasabay ng pagkabasag ng puso ko. After that night when Paolo told me na wag ko na raw hintayin si Zander, I lost focus. I stopped attending my classes because what’s the point. Napapahiya lang ako dahil tuwing tatawagin ako ng prof wala akong masagot. Araw araw blanko yung utak ko. I flunked all my exams. I lost control of everything. Eventually I lost my scholarship and just decided to drop out of law school.

Hindi maintindihan ng mga tao sa paligid ko yung pinagdadaanan ko. For some people it may be just a breakup but for me, losing Zander felt like I was paralyzed. I couldn’t move, I couldn’t think, everything just don’t make sense. Kaya kong tanggapin kung sana nabigyan lang ako kahit isang araw lang na makausap siya. 5 minutes, o kahit isang minuto lang to get a decent goodbye. Marinig ko lang mismo sakanya na ayaw na niya, na tama na, na tapos na lahat. But I was left with nothing.

Everyone around me moved on. Yung parents ko busy sa negosyo dahil gumanda takbo ng bakeshop namin sa Laguna. They opened a second branch malapit lang din sa bahay namin. Wala na kami masyadong problema sa pag-aaral ni Louie dahil kumikita na sila Papa. For three months naging bum ako at nagstay lang sa bahay namin sa Laguna. Lagi ako napagsasabihan nila Mama na mag-enroll daw ako ulit tutal wala na kaming problema sa pera pero hindi nila ako makumbinsi. Buong araw wala akong ginawa kundi humilata sa kama, magbabad sa TV, titigan ang cellphone ko at kumain. In other words, nawalan ako ng gana mangarap at nawalan ako ng pakialam sa lahat.

Madalas ako dalawin ni Paolo at Rocky sa Laguna. Minsan sumasama din si Mitch at Caloy. Pero katagalan dumalang na yung pagpunta nila samin. Si Rocky natuloy na sa States. Dun na daw siya for good. Kinaya nila ni Mitch ang long-distance relationship ng tatlong buwan pero after that, nauwi din sa hiwalayan. According to Mitch, maayos naman daw sila nag-usap ni Rocky. Sadyang mahirap lang daw talagang kalaban ang distansya. Since their breakup, sinubsob na ni Mitch sarili niya sa pagtatrabaho. Eventually nagsemi-retire na yung parents niya at sila na nung kapatid niyang babae ang namahala ng family business nila. In fairness naman kay Mitch nanalig sa three-month rule. May bago na siyang boyfriend ngayon. Si Caloy naman twice ng napopromote sa trabaho. He’s still working in his uncle’s company and so far, he’s doing good. At by the way, may girlfriend na siya. Akalain mo nga naman. Officemate niya yung babae. Nameet ko na once nung sinama niya sa Laguna. Si Paolo naman binigyan ng puhunan ng parents niya at nagsosyo sila ng pinsan niya sa isang auto shop at car dealership.

One night nung dinalaw ako ni Paolo sa Laguna…

8pm sa terrace ng bahay nila Jill…

Paolo: (umupo sa bench, tumabi kay Jill, may hawak na baso ng tubig) Sarap talaga magluto ng mama mo. (uminom ng tubig)

Jill: Oo naman. Nagtataka nga ako na sa ilang buwan kong nakatambay dito sa bahay hindi pa ko nagiging lumba lumba.

Paolo: Eh baka nabuburn ng depression mo yung calories.

Jill: May ganun ba??

Paolo: (natatawa) Wala. Binibiro lang kita. Pero seryoso nga, how are you?

Jill: Nakausap mo na ba siya?

Paolo: So umaasa ka pa rin that one day he’ll give one of us a call?

Jill: (naluluha) Ewan ko ba. Nababaliw na ata ako.

Project ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon