Ace martin

23 0 0
                                    

Kinabukasan agad akong nag manman kay Ace martin .

Sayang at ibang seksyon siya dahil kung kaklase ko siya ay mas mapapadali ang pagmamanman ko.

Napag usapan na namin ito ni Ivan na magmamanman kame dito dahil talaga namang nakaka gulat na parehas sila ng physical appearance nung killer.

At sa pag mamanman ko napag alam ko ding isa siyang honor student na may pag ka nerd dahil sa kalimitan nitong pagiging tahimik lang sa
klase.

Hindi naman masyadong halata ang attitude niyang ito dahil madami ding babaeng nahuhumaling sa kanya di naman kase kataka taka dahil may ipagmamalaki naman talaga siya .

Singkit na mga mata,maputi at may matangos na ilang idagdag mo pa ang pinkish lips niya.

Pero di hamak na mas malakas at gwapo si Ivan haha gagu ang landi .

Saktong breaktime kaya diretso ako sa seksyon ni ace ,nagpapanggap na dumadaan lang sa hall way nila.

Abala ako sa pag silip sa room nila kung saan nakita kong naka upo lang siya dun at nagbabasa ng libro.

Nakakataka di ba siya kumakain tuwing break time.?

Or wala ba siyang mga kaibigan man lang?

"Obvious ka masyado."

Isang boses na sa lamig ay tumindig ang balahibo ko.

Kilala ko ang boses na ito hindo ko pa man lingunin.

Nagpasya akong magpatuloy sa paglalakad dahil ramdam ko namang nakasunod lang siya sa likod ko.

Bullshit bat ako kinakabahan.

Huminto kame sa medyo tagong parte ng school.

"Obvious kang mag spy."

Ulit niya sa sinabi niya kanina kaya napa irap nalang ako.

"Atleast may ginawa."

Pabalang kong sagot sa kanya tsaka tamad siyang tinitigan.

Ang ganda at lakas ng aura niya , tipong ket di siya magsalita alam na agad ng mga taong nakapalibot sa kanya na may authority siyang dala.

Mukang napatagal ang pagtitig ko  sa kanya kaya nahuli niya ang tingin ko at tumitig pabalik .

Nauna siyang nagbawi ng tingin tsaka tumikhan .

"M-may ginagawa din naman ako."

Sagot niya tsaka parang naiinis na iwan sa tumingin sa ibang parte ng paaralan kaya tumango tango ako sa kanya.

"Ah, sige lunch break muna ako."

Sabay nag aalingan kong turo sa may canteen kung san ang daming istudyanteng nag sisiksikan para makabili ng kakainin.

"Sabay na tayo."

Gulat akong tumingin sa kanyang likuran ng biglang mauna siyang nag lakad sa akin papuntang canteen.

"Let's go."

Tamad siyang lumingon sakin ng di niya makitang nakasunod ako sa kanya.

Kibit balikat akong sumunod sa kanya hanggang maka pasok kame ng canteen.

Pinagtitinginan at nag bubulungan ang mga school mates namin,tsk issue nanaman to.

Padarang akong umupo sa isang mahabang mesa at nangalumbaba.

"What do you want to eat .?"

"Kahit ano nalang."

Tamad kong sagot at nagkibit balikat siyang lumakad papuntang counter ng school para tignan kung anong mga pag kain ang nakahain dun.

Suminghap naman ang mga istudyante habang pabalik balik ang tingin nila sakin at kay ivan.

Seriously ngayon lang ba nila nakitang nautosan ang ivan moredo nila?

Dapat ba akong matuwang mukang ako ang kauna unahang nakautos sa kanya?

Sa isiping iyon ay di ko maiwasang mapangisi at pamulahan ng pisnge.

Damn, mukang nahuhulog nako sa yelong to haha.




A/N: Hi langgang pleasee VOTE  , tekyuuu ❤️.

Academy Of A GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon