CHAPTER 1
HINUHUBARAN ni Angelie si Andrei habang nagpapagpag ng putik sa braso ang lalaki. Hinayang na hinayang ang lalaki sa hinuhubad na puting tee shirt na uniform nila sa P.E. Nakulapulan kasi ito ng putik nang mag goal sa soccer si Andrei."Iyan kasi, besh! Maha-high blood na naman si ate Flor niyan. Ang dumi!" sabi ng babae na tila nandidiri sa putik.
Tinutukoy ni Angelie ay ang ate Flor nina Andrei na matagal na nilang kasambahay. Kilala na kasi ng dalaga ang mga kasama sa bahay ng kaibigan.
"Di mai- HB iyon, kikilitiin ko lang 'yon at ikukulong sa Chris Evans- stronghold ko!" pakenkoy nitong ipinakita ang macho niyang katawan.
Nangiti lang ang babae. Alam kasi ni Andrei na idol na idol niya si Chris Evans.
"Tamo, pati ikaw, tulo-laway na."
Itinapon ng babae ang maruming tee shirt sa mukha nito bilang ganti sa joke nito sabay talikod.
"Punasan mo, uy!" patuloy na pang-aasar ng lalaki.
Nanunulis ang ngusong umalis si Angelie. Siya talaga ang pikon sa kanilang dalawa. Nakahalata, sinundan siya ng kaibigan at inakbayan. Nang hindi pa rin natanggal ang panunulis ng nguso ng babae ay pinagsalikop ni Andrei ang mga braso niya sa katawan nito.
Weakness ni Angelie kapag nagre-wrestling silang dalawa. Siya kasi ang nako-conscious laluna kapag pinagtitinginan sila, samantalang tila balewala lang ito kay Andrei.
"Babae iyan, brod," ang sawata ni Alvin kay Andrei. Kaklase nila si Alvin at minsan na itong nagpahaging ng pagkagusto kay Angelie.
"Babae ba ito?" tumatawang ipinahid ni Andrei ang putikang tee shirt kay Angelie.
Pakunwaring pag-amba ng suntok ang iginanti ni Angelie sa tumatawang kaibigan. "Kung maggu-goal kasi, i- shoot lang, 'wag mag-dive sa putikan."
Sa background ay tumango-tango si Alvin sa mga sinabi ni Angelie.
'Sana nga'y manatili kayong magkaibigan lang. Sana, maambagan mo naman ako kahit isang ngiti lang.'Siyang paglingon ni Angelie sa kaniya na nakangiti, kapagkuwa'y bumalik sa pakikipagkulitan kay Andrei. Naiwang nakaawang ang bibig ni Alvin sa pagkagitla. Napangiti ito at napahaplos sa dibdib.
Samantala, may ilang babae naman doon ang nakasimangot kay Angelie, ang grupo nina Norma, Vens at Grecia..
Kinuha ni Angelie ang putikang tee shirt at ipinahid sa mukha ng lalaki. Siya naman ngayon ang tumatawa ng malakas.
SA shower ang diretso ng dalawa. Abala ang dalawa sa paglilinis ng katawan, si Angelie sa shower room ng girls at sa kabilang shower room naman si Andrei.
Tumatawang nilapitan ng tatlong kaklaseng lalaki si Andrei.
"Grabe ka, besh! Naniniwala na talaga ako na curly ka!" ang pabaklang kantiyaw ni Mon kay Andrei. Sumang-ayon naman ang iba.
BINABASA MO ANG
You, Me, and The Sea (Finding Forever)
Romance"If you can't accept the fact on what's happening here, at least be true to yourself," he turned his back on her to hide his teary eyes. Andrei Silva and Angelie Buenafalco was an outstanding pair in the campus. They ruled as Campus King and Queen a...