CHAPTER 4
DAHIL maaga silang dumating sa venue, hindi pa puno ng tao ang lugar. Nagpalinga-linga ang dalawa.
"Hey, come here," aniya sa kaibigan nang nakahanap siya ng magandang spot para sa kanila.
Lumapit naman ang dalaga pero nanatiling nakatuon ang atensiyon ni Angelie sa tatlong babaing nasa di kalayuan sa kanila. Hindi siya nakatiis at nilapitan niya ang tatlong babaing nagkukuwentuhan.
"Hi!" nagpakilala si Angelie sa mga babae. Naging magiliw naman ang mga ito sa kaniya. May lumapit sa kanilang dalawang babae at nadagdagan pa.
Hindi lumapit sa umpukan nila si Andrei kahit na sinisenyasan siya ng kaibigan.
Mga naka-chat pala ni Angelie iyong tatlong babaing nilapitan niya. Pare-pareho silang nagbabakasakaling makita nila ng maaga ang mga manunulat ng Double Heart Romances.
Umupo si Angelie sa tabi ni Andrei nang magsalita na ang emcee. Excited na inilabas niya sa bag ang cellphone at inihanda ang camera nito.
"Ila-live mo ba iyan sa social media?"
Kinikilig na tumango ang dalaga sa kaibigan. Pinaghandaan niya talaga ang meet and greet event ng mga hinahangaan niyang manunulat.
Nagsilabasan na mula sa backstage ang mga naroong nobelista ng Double Heart Romances. Isa-isa silang ipinakilala ng emcee.
Palakpakan at hiyawan naman ang isinalubong sa kanila ng mga avid readers.
"Nasaan si Sybil Lee?" ang mahinang sambit ni Angelie.
"Relax. Magpapakita rin siya," pang-aalo ni Andrei sa kaibigan na alumpihit na sa pagkakaupo at palinga-linga.
Nagsimula na ang question and answer portion. May mga avid readers na interesado sa personal na buhay ng mga nobelista. Game namang sinagot ng mga writers ang mga itinanong sa kanila. Siyang-siya ang mga nandoon.
"Gusto ko sila," aniya kay Andrei. "Simple people lang sila pero nakakapagpasaya sila."
"That being said," ipinasilip ni Andrei sa kaibigan ang hawak niyang dalawang pocketbook na ang author ay si Sybil Lee. Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga sa sorpresa sa kaniya ng kaibigan. Pirmado kasi ang dalawang libro ni Sybil Lee. Nakapangalan ang isa kay Andrei at ang isa sa kanila.
"Paano'ng...?" hindi makapaniwala ang dalaga sa nakikita pero tuwang-tuwa ang puso niya. Napayapos siya sa kaibigan. Tiyempong napadako sa kanila ang camera.
"Uuyyy! Hindi ko pa mandin naia-announce ang pakulo ngayong araw ay mukhang may winner couple na tayo!" ang announcement ng emcee.
Itinambad sa monitor sina Andrei at Angelie. Gulat, nagtataka at alanganing sumunod sa emcee ang magkaibigan.
"Lapit kayo dito," ang anyaya sa kanila ng emcee. "Maaga pa'y may winner na agad tayo."
Habang lumalapit sa emcee ay bumubulong sa kaibigan si Angelie. "Sino'ng nagbigay?"
"Sshhh! 'Wag kang maingay," bulong ni Andrei. "Sasabihin ko sa 'yo ang secret mamaya." Sinigurado niyang nakatago sa bagpack ni Angelie ang dalawang libro.
"A-a...," naniniguradong tingin ang ipinukol ng babae sa katabi, "sigurado ka ha!"
"Oo. Relax lang kasi." Binati nila ang emcee at ang mga writers sa harapan.
"Ano'ng pangalan ninyo?" ang tanong habang binibigyan ang dalawa ng tig-isang pocketbook.
"Angelie," ang sabi ng dalaga habang tuwang-tuwang binistahan ang ibinigay sa kaniyang bag na puno ng pocketbook collection.
BINABASA MO ANG
You, Me, and The Sea (Finding Forever)
Romance"If you can't accept the fact on what's happening here, at least be true to yourself," he turned his back on her to hide his teary eyes. Andrei Silva and Angelie Buenafalco was an outstanding pair in the campus. They ruled as Campus King and Queen a...