CHAPTER 2

10 2 34
                                    

CHAPTER 2

NAGHAHANDA ng matulog si Andrei nang nag-text sa kaniya si Angelie. Sinagot niya ito at hinanap si Flor.

"Ate Flor, nasaan ba 'yung cookbook na nabasa ko last week?"

Habang nag-iisip si Flor kung saan nakalagay ang hinahanap ni Andrei ay sumabad ang ina.

"Bakit? What is it this time?"

"E, si Angelie po," habang nagsasalita ay pinag-iisipan ng binata kung paano ipapaliwanag sa ina ang laman ng text ng kaibigan.

Itsurang naghihintay ang ina ng anumang iri-reveal ng anak.

"Gusto niyang matutong magluto."

"And?..."

"Iyon, mag-aaral kaming magluto," he shrugged his shoulder habang nangingiti sa iniabot sa kaniya ni Errol ang cookbook.

Tumango-tango si Marcia at nakangiting tiningnan sa mata ang anak, naghihintay sa idudugtong ng anak. Nangingiting nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Andrei sa ina.

"Nainggit kasi siya sa galing gumawa ng cake ng favorite character niyang anime, kaya dapat daw na marunong din kaming magluto," at hindi naitago ng binata ang weirdness niyang naramdaman sa plot ng kaibigan.

"That's okay," she embraced her son, adding, "'wag naman sanang next time na magaling mag-manicure ang bida ng pinanonood ninyo ay,... well, tipid sa salon yan," pagbibiro niya sa anak, at pinanggigilan ito ng halik sa pisngi.

"There!" pagpoprotesta naman ng binata, "sabi n'yo batibot 'yung isa,... look how you treat me, mother?"

Nangingiti at nakukyutan si Marcia sa pagprotesta ng anak sa pag-ulan niya ng halik dito.

"I'm your mother!" pataray effect ng ina.

"He's your son!" biglang sabad ni Errol. Natawa sila sa seryosong mukha nito.

"You're my son, so you tulog na." pakenkoy na pagtataboy ni Flor sa anak.

Naiwan sa kusina si Flor. Gabi-gabi ay sinisigurado niyang malinis ang lahat bago siya tuluyang magpahinga.

Sa isang sulok naman ay nagbabasa ng cookbook si Andrei.

Nang matapos sa ginagawa ay nilapitan ni Flor ang binata.

"Di ka pa ba matutulog? Pasado alas nuwebe na."

"Sandali na lang 'to, 'te."

"Maligamgam na tubig, gusto mo?"

"Sige po."

Pagkaabot ng tubig ay tumirada pa ng pamatay na tanong ang babae.

"Mahal na mahal mo talaga ang kaibigan mo, 'no?"

Sandaling tinimbang ang tanong at sinagot niya ito.

"Siyempre po. Matagal na rin naman kaming magkasama."

"Kaya lagi mo siyang pinagbibigyan?" Panghuling hirit niya iyon.

He just shrugged his shoulders, at ininom ang tubig.

"Wala namang gender- sensitivity issue sa pagkakaibigan. Basta masaya kayo at hindi kayo nananakit, kahit pang-fifth gender pa 'yan kung meron man."

Isang maluwang na ngiti ang isinukli ni Andrei sa sinabi ng kausap. "Iyan ang gusto ko sa 'yo ate Flor, e. You're genius!"

Nag-apir ang dalawa at masaya silang naghiwalay. Tinungo na ng babae ang kuwarto niya.

...........

You, Me, and The Sea (Finding Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon