CHAPTER 8

2 0 0
                                    


CHAPTER 8

NAGISING si Angelie sa tunog ng doorbell. Napabalikwas siya nang maalala ang naging usapan nila ni 

Andrei.

"Sandali!" Itinakip niya ang bathrobe sa katawan na kanina'y natatakpan lang ng loose tee shirt at panty short.

'Toooot!'

"Oo na! Nagmamadali na nga,eh." Nanlaki ang mga mata niya sa hindi inaasahang mga bisita.

"Surprise!" Masaya siyang niyakap ni Nannette, kasunod nito si Melrose na patamad na kumaway sa kaniya.

"Hi!" Inginuso nito ang nagtatagong lalaki sa kaniyang likuran. "Nagpumilit 'tong sumama nang malamang dito kami pupunta."

"H-hi!" Nahihiyang kumaway si Alvin, bitbit nito ang isang karton ng carpentry and painting tools.

"H- hi! Ang dami naman niyan."

"Ako na," hindi niya ibinigay ang dala kay Angelie, "maybe you could let us in."

"Sorry," isinarado niya ang pinto nang makapasok sila. "Kayo pala ang dalang surprise ni Andrei, pero bakit wala siya?"

"Nag-jogging pa sila nina Mon, susunod din daw sila rito." Agad na inikot ni Nannette ng tingin ang kabuuan ng unit. Tumango-tango siya sa earth colors nito. "Sino ang pumili ng color combination?"

"Ewan ko, si dad yata. Ganito na 'to paglipat ko." Kibit-balikat siyang umupo sa sofa.

"Maganda. Pero mas bagay Ito sa dad mo. Try natin ang Scandinavian theme dito. Classy ang dating."

"I think it would be better if we choose mid-century," pagkontra ni Melrose na tila nangangarap ang mga mata.

"Ah, kung ganiyan na si Melrose, wa na ko say," pabiro pa nitong pinitik ang daliri sa harap ng mukha ni Melrose. "Ang bilis mo namang nakarating, iniwan mo agad kami. Pasabayin mo naman si Alvin."

"Nando'n na nga ako, pinabalik mo naman ako agad. Grrr!"

Pilit siyang ngumiti kahit feeling weird sa ginawa ng dalawa. "Guys, magpapalit muna ako," she wanted to close her bedroom door fast.

"Okey lang, magmumuni-muni muna kami rito." Inilapag ni Nannette sa lamesita ang dalang kartolina, lapis, at papel. "Sisimulan na namin ang planning, ha."

"You can take a shower. Puwede bang magluto dito?" Naupo siya sa halip na pumunta ng kusina dahil sinenyasan siya nina Nannette at Alvin na umupo.

"Hindi iyan sanay ng may ibang tao, remember?" Ibinulong iyon ni Nannette. Isang tango naman ang naging sagot ni Melrose.

Inside the bedroom, nalilito si Angelie kung ano ang gagawin. Hindi niya alam kung paano niya maaasikaso ng maayos ang mga bisita. It was overwhelming for her na may mga bisita siya bukod kay Andrei, at feeling at home pa ang mga ito. She wished for Andrei to come.

Halos hindi na siya naghilod. Ayaw niyang paghintayin ng matagal ang tatlo. Ayaw din niyang iba ang magbayad ng inorder niyang pizza. 

'Tooot!' Sumikdo ng malakas ang dibdib niya sa pagtunog ng doorbell. Either si Andrei o ang pizza delivery ang dumating.

"Coming!" Kay bills niyang napagbuksan ang lalaking may maluwang na ngiti pagkakita say kaniya.

"Miss Angelie Buenafalco?" Lalo pang sumingkit ang mga mata ng delivery man sa pagpapa-cute nito sa dalagang bagong-ligo. 

"Yes, sorry,..." natuluan kasi ng basa niyang buhok ang resibo.

"It's okay, ma'am," titig na titig pa rin Ito sa mukha ng dalaga, gandang-ganda siya rito. Nahiya  ang lalaki nang mapansing nakuha na ng mga babae ang pizza nang halos 'di niya namalayan. Namumula ang pisnging nagpaalam Ito.

You, Me, and The Sea (Finding Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon