CHAPTER 9

2 0 0
                                    

"Hmmm..." Nakapikit ang mga matang ninanamnam niya to her heart's content ang kinakaing beefsteak. Bakas sa kaniyang mga ngiti ang katuwaan. Her vibrance became more obvious due to the striking brilliance of the restaurant's chandelier.

Natutuwa namang pinagmamasdan siya ng kaibigan. Pagbawi kasi ito ni Andrei dahil hindi nakatulong sa ginawa nilang interior decoration. Dinner date sa restaurant na Ito ang pinili ni Angelie dahil kilala ang Julio's sa masarap nilang beefsteak at iba pang Korean at Filipino dishes.

"Salamat naman at nagustuhan mo ang food," bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang papaubos na ang sliced beefsteak sa harap nila, "pero 'di ko akalaing mauubos mo."

"Feel ko, ako si Shin Min-a." She giggled, tila walang pakialam na may mga customer sa mga katabi nilang mesa.

"Sino? Schoolmate ba natin iyan?"

"You don't know her? Nine-tailed fox, hello!" Hinaplus-haplos niya pa ang kaniyang imaginary nine tails.

Sandaling nagpalinga-linga ang binata sa kabuuan ng restaurant. Tila wala namang pakialam sa kanila ang mga taong naroon. Nakatuon ang pansin ng iba sa lalaking tumutugtog ng saxophone habang ang iba ay abala sa pagkain habang nag-uusap.

"Kamukha ko ba talaga siya?" Kinilig uli Ito sa naitanong.

"Sorry, 'di ko siya kilala," at tila wala siyang pakialam na sumubo ng stake.

Nawala ang gana sa pagkain at tumuwidl ng pagkakaupo ang dalaga. "Di mo alam 'yung My Girlfriend Is A Gumiho?"

"A-aaa!... Korean teleserye pala."

"O, alam mo pala!"

"It's just a wild guess. Hindi ko siya kilala. Hindi ako nanonood niyan." Sumubo ito ng natitirang steak sa plato niya. "Aling channel ba iyan ngayon?"

"Haynaku! Matagal na iyan, bata pa ako. Di bale na lang." Inilapag nito sa plato ang tinidor.

"Ubusin mo iyan. Iisang subo na lang, ititira mo pa? The waiter won't be amused."

"I'm done."

"You're not." Inginuso niya ang plato nito. "Let's watch it together na lang. Ipakilala mo sa 'kin si Gumiho."

Iyon lang at kay bilis na isinubo ni Angelie ang pagkain. Nakangiti pa itong nagsalita habang ngumunguya. "Let's go."

"Tsss! Umayos ka, parang bata 'to." Tila wala kasing pakialam ang dalaga na magmukhang childish kahit na dalagang-dalaga itong tingnan sa suot nitong tight blue tube na bumagay sa kaniyang trendy and flowing floral skirt.

Lumapit ang waiter at dinagdagan ang papaubos nang wine ni Angelie, kapagkuwa'y bumalik sa puwesto nito.

"Dahan-dahan. Second glass mo na iyan."

Nakangiting tinitigan ng babae ang wine glass kapagkuwa'y inamoy ang alak.

Na-excite naman ang lalaki nang makita ang red-haired woman wearing a sexy tight black gown. "Si Julia Shares na pala ang tutugtog."

Pumailanlang ang sax music na version ng babae ng 'Endless Love'. Napapangiti si Andrei habang nakikinig sa musika. Sinundan pa ito ng 'I Will Always Love You'.

HIRAP man sa paghakbang dahil nabibigatan sa babaing nakasampa sa kaniyang likuran, sinikap niyang makaakyat ng maayos sa hagdanan.

"Tsss! Ngayon pa talaga nasira ang elevator ninyo!"

He couldn't clearly hear her words. "Stop murmuring, lasenggang Gumiho!"

"I'm not--"

Sinipat niyang maigi ang mukha ng dalaga nang 'di na ito nagpatuloy sa pagsasalita.

You, Me, and The Sea (Finding Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon