CHAPTER 14
NAGKASALUBONG sina Norma at Melrose habang papalabas si Norma sa lobby ng condominium.
“Hey, boss! Nakabusangot ka na naman. Me toyo na naman ba ang primadonna?”
Nag- beso ang dalawa.
“Nag-i-emote na naman siya. Ayaw namang umiyak. Parang gusto lang niya laging mang-asar. Nauubos na talaga ang pasensiya ko sa babaing iyon!” Humakbang na papalayo si Norma. “Ikaw na ang bahala sa alaga mo.”
Melrose thinned her lips and shrugged her shoulders. “Me choice ba ‘ko? It's forbidden to quit!” Tumawa na lang siya habang tinutungo ang elevator.
Tumunog ang cellphone niya habang pinipihit ang seradura ng pinto ni Angelie. Nagmamadali niya itong sinagot
“Yes, we’re com-“ Nanlaki ang mga mata niya sa pagkadismaya nang makitang hindi pa nakaligo ang kaniyang sinusundo. “Angelie! My God naman! Mali-late ka na naman sa appointment mo!”
Larawan ng pagkagulat ang dalaga nang makita ang kaniyang manager. “M-Mel? You're here, me appointment ba tayo?” She wore an apologetic face.
Napasapo sa noon ang tinanong. “Four o’clock ang call-in ninyo ngayon sa Manila Boulevard! Ano’ng oras na, o?! Kakagising mo pa lang yata, mukha ka pang last night! Go, have a quick shower!”
Tumayo naman si Angelie para tumalima. Akmang patungo na siya sa banyo nang bumalik din ito kaagad at patamad na umupo.
“O?! Anyare? Biglang U- turn lang?” Namewang na sa disappointment si Melrose. "Angelie Buenafalco, may modeling contract ka, hello!"
“Just cancel it. Wala ako sa mood.”
“Wala sa mood! Wow! Naubos na ba lahat ng sakit mo, girl? Headache, toothache, backache, ngayon nama'y so blunt na wala lang sa mood? Gusto mo ba talagang masira ang career mo, babae ka?”
“I don’t care-“
“You should, and you would, kung ayaw mong humimas ng rehas at ma-rape sa kulungan dahil wala kang pambayad ng damages sa contracts mo. At huwag mo akong idadamay dahil gusto ko pang makahanap ng Afam! Now, go! Double time!”
Padabog siyang tumungo ng banyo at kinanta ang “I Want To Break Free” ng Queen.
“I want to break free! I want to break free!”
“Oo na, rockstar ka na!” Umiling-iling si Melrose habang pinakikinggan ang babae. Mabilis niyang inilagay sa bag ang mga damit na isusuot ni Angelie sa pictorial. “Bilisan mo diyan at maba-bash ka na naman! Remember, nasa top rank ka na ng list of most controversial artists, and it's not a good publicity!”
“I’m bad! I’m bad! Ohh!” pakantang sagot ng dalaga.
Napadako ang tingin ni Melrose sa nakataob na picture frame sa ibabaw ng bedside table. Pinakawalan niya ang isang buntunghininga, kapagkuwa'y kinuha niya ito at pabulong na kinausap ang larawan ni Andrei. “God! Andrei, nasa’n ka na ba? Are you even alive? We need you here!”
Sa kusina ang tambayan niya sa tuwing nagbibihis si Angelie. Ayaw niyang magdaldal dito para mapabilis ang pagkilos ng babae. Alam din naman niyang may ginagawa ito sa tuwing umaalis patungo sa isang project.
“Di ba, ang usapan natin, sabay nating aabutin ang mga pangarap natin. Sabay tayong magsisikap, haharapin natin ang lahat, pero bakit ka nawala?” Angelie sighed after delivering her message to Andrei’s picture. Kung anu-ano ang sinasabi niya sa larawan ng lalaki, hoping na aabot ang mensahe niya saan man ito naroroon.
BINABASA MO ANG
You, Me, and The Sea (Finding Forever)
Romance"If you can't accept the fact on what's happening here, at least be true to yourself," he turned his back on her to hide his teary eyes. Andrei Silva and Angelie Buenafalco was an outstanding pair in the campus. They ruled as Campus King and Queen a...