Chapter 25: Forget

163 11 4
                                    

Chris

Two days later, pinilit kong hindi malungkot. Inisip ko nalang na yun ang nararapat gawin. Dahil yun naman talaga ang dapat gawin. Kung mananatili lang akong ganun, ako lang ang masasaktan.

"Hoy! Bakit ang gloomy mo?" Bungad ng pinsan kong bagong dating sa sala. "Ano bayan kahapon payang mukha mong hindi maka ngiti Chris ha! Naku naman, bukas na ang besperas ng pasko tapos ganyan ang mukha mo" sabi ng pinsan sabay upo malapit sa akin "anong problema mo?" Intrega niyang tanong.

Patuloy lang akong nakatitig sa tv kahit wala naman akong naririnig at wala akong naintindihan na kahit ano mula doon. Not that the television was broken, it just that, my mind was so preoccupied.

"Kuya, mahal ba tuition ng college niyo dito?" I asked instead of answering him.

"Hindi naman, in fact, gagawin ng State University ang Alegri University next year. Bakit mo natanong?"

"Naisip ko na dito ko nalang na dito nalang ipagpatuloy ang pagaaral ko"

"E, pano yan? Walang BSBA sa alegri?"

Oo nga naman, walang BSBA dito, kaya nga nandoon parin ako sa Malibu nagaaral dahil walang BSBA or BSA dito. Ang odd lang na walang silang BSBA na course  ang skwelahan nila dito. Yun na panaman anh usong course. 

"Bakit mo naisipang dito ipagpatuloy ang pagaaral mo? E noong una ayaw mong dito magaral kasi gusto mong ipagpatuloy mo nalang ang pagaaral mo doon sa skol mo?" Naghihinala ang boses ni kuya Kier.

Nag pout ako. Nagpaawa sa kanya.

"Ayaw mo ba akong kasama dito sa bahay mo?" Nilagay ni kuya ang kamay niya sa balikat ko.

"Syempre naman gusto pero nakapagtataka ka lang"

Ayaw kong sabihin sa kanya na gusto kong magtransfer ng skol dahil heartbroken ako, at sa lalaki pa. That would be too much of shame.

"Kailan balik ng boyfriend mo?" Tanong niya matapos ang ilang minutong nagdaan

Nagtaka akong nakatingin sa kanya. Kailan ako nagkaboyfriend?

"Yung Conor!" Naliwanagan ang mukha kong nakakunot pero agad din itong bumalik sa pagkakunot

"Hindi ko boyfriend yun!" Pasigaw kong sagot sa kanya.

Humiwalay siya sa akin at tinitigan niya ako na para bang may malaki akong kasalanan.

"Hindi boyfriend e bakit nakita kong naghalikan kayo kahapon bago siya umalis? Wag mong sabihin na may mag kaibigan na naghahalikan sa lips. Alam ko na yan kaya wag ka nang mag palusot diyan!"

Come to think of it. Hinalikan nga ako ni Conor kahapon ng bumalik siya dito.

"I-iy it jusy happened" nauutal kong sagot. Hindi ko alam kong bakit ako nauutal! Totoo namang parang magic ang nagyari kahapon. Bigla nalang nasa tapat ko si Conor at hinalikan niya ako sa labi.

"Ang guilty nag stutter" sabi niya.

Tiningnan ko siya. Malaki si kuya Kier at matangkad at pareho kaming gwapo. Takot lang ako sa kanya lalo na ng nakita niya pala akong nakipaghalikan——nope, hinalikan lang ako ni Conor hindi ako lumaban, at smack kiss lang iyon.

Takot ako kay kuya Kier. Siya nalang ang taong kadugo ko at ayaw kong malaman niya. Ayaw kong ma-judge niya, pero wala naman akong nakitang ganun sa mga mata niya. All I can see was pure concern.

"Ba't hindi ka galit?" Tumawa siya ng bahagya

"Bakit ako magagalit? Chris! 21st century na. Things are different. Besides, why would I get angry to my cute adorable cousin" tas kinurot niya ang mukha ko.

He's Kind Of Heartless (bxb) (Spg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon