Prologue

971 41 1
                                    

Chris

Pagod kong pinihit ang doorknob ng kwartong inuupahan naming magkakapatid.

Malalagot ako nito kay aling linda ng siyang pansamantalang nag babantay sa mga kapatid ko. Si aling Linda din ang may-ari ng kwartong inuupahan namin.

Nakita kong mahimbing na natutulog sa kama sina Luppin at Luffy. Kambal silang dalawa, anim na taong gulang kaya kailangan pang bantayan. Nakita ko din doon si aling Linda. Napabalikwas siya ng narinig na ang pagsarado ng pinto.

Alas tres na ng madaling araw kaya baka galit na itong si aling Linda.

"Sorry po aling Linda, patawarin niyo po ako hindi napo mauulit" sabi ko sa kanya bago pa siya maunang magsalita. Bukod sa dalawang buwan na na hindi ko nababayaran ang renta ay siya narin ang nagbabantay sa mga kapatid ko. "Hindi po ako makauwi ng maaga dahil kailangan ko pong mag overtime sa trabaho para makabayad narin ako sa inyo, mahabang gabi walang nagbibigay ng tip, kaya kailangan kong maghintay at magtyaga muna, naabutan ako ng madaling araw" mahaba kong paliwanag dito habang kinakamot ang batok

nakita kung bumuntong hininga si aling Linda

"Alam ko ang kalagayan mo CJ, naiintidihan ko. Kaya nga ako nandito diba? Pero dapat mo ring alalahanin ang sarili mo. Nagaaral kapa sa umaga tapos nagtatrabaho ka sa gabi" Maswerte ako kay aling Linda dahil napakabuti niya. Buti nalang dito kami nangupahan sa kanya kundi baka nagpalipat lipat na kami ng bahay na matutuluyan ngayon.

"Kailangan ko pong gawin iyon aling Linda dahil bukod sa nahihiya napo ako sa inyo ay wala na pong laman ang ref. Baka wala na kaming makain sa makalawa. Pasensya na'po" alam kong kailangan narin ni aling Linda ng pera para pampagamot sa asawa niyang high blood at maintenance na gamot nito.

"Naiintidihan ko CJ, hindi naman kita pinepressure. Pero kapag nagkakapera kana alam mo namang kailangan ng kuya Lando mo ng maintenance na gamot" tumango lamang ako sa kanya. Alam na alam ko iyon. Hindi lang ako ang naghihirap dito. Alam kong nahihirapan na din sila pero pinagbibigyan  parin nila ako.

Hays, baka kailangan ko pang maghanap ng isa pang trabaho nito.

"Hanga ako sa didikasyon mo sa buhay Cj, pero hindi pwedeng ganyan nalang palagi baka magkasakit kapa, 20 kapa, deserve mo ang mas magandang buhay. Deserve ng mga bata ang magandang buhay. Baka..." May sasabihin pa sana siya pero pinutol niya, bumuka bibig niya pero sinisirado niya rin ito pagkatapos. Halatang may gusto pa siyang sabihin.

Tiningnan ko lang siya. Naghihintay sa gusto niyang sabihin.

" Anak, alam kong mahal mo ang mga kapatid mo pero baka kailangan mo na silang hanapan ng magandang pamilya, anim pa naman sila at alam kung may mga mag asawang gustong amponin sila" malungkot na sabi nito sa akin.

Dinaan ko nalang sa ngiti ang malungkot na katotohanan na iyon

"Ayaw ko po aling Linda, meron na naman silang pamilya na diba?, meron na silang Kuya Cj diba?"

"Pero nahihirapan kana, tsaka malimit ka lang din nilang nakikita" hindi ako umimik. She hit the bull's eye, I admit wala na talaga akong time sa kanila. Walang nagsalita matapos nun.

Kinuha ko ang wallet ko at kinuha lahat ng perang nasahod ko, kulang pa ng isang libo para sa dalawang buwan na bayarin dito. "Kulang ng isang libo po ito baka sa sunod na araw nalang" ayaw niya pa sana itong tanggapin pero alam kung kailangan niya din ito tsaka nahihiya na rin ako sa kanya.

"Osha, kailangan ko ng bumalik sa kwarto ko. Ikaw na ang bahala dito"

"Cge po, salamat po" matapos niyang umalis ay napabuntong hininga ako.

Hapong-hapo na ang katawan ko sa trabaho. Gusto ko ng mapahinga. Humiga ako sa kama kung saan humiga ang mga kapatid ko. Sakto lang kami dito, hindi panaman sila malalaki. Gumawa ng alon ang pagkakadagan ko sa kama kaya bahagyang gamalaw si Luppin-ay hindi si Luffy pala. Napangiti ako pero pait na ngiti, sa sobrang busy ko hindi ko na alam kung sino si Luffy o si luppin.

Wala ako dito sa umaga kasi nagaaral ako. Gabi na din ako kung makauwi dahil sa trabaho ko.

Pinagmasdan ko sila. Pinagaaralan para naman sa susunod ay alam ko na kung sino sino sila. Pero nawala ako sa koncentrasyon ng may maalala, napapikit nalang ako. Galit ako sa mga magulang ko dahil namatay silang baon sa utang.

"Kuya?" Binuksan ko ang mga mata ko tsaka nakita ang isa sa mga kapatid ko ang nagsalita. Ibayong kaba at hiya ang naramdaman ko dahil hindi ko ito nakilala kung Si Luffy ba ito o si Luppin. Kasalanan to ng mahinang ilaw namin

"Baby" my voice is hoarse

Dahan dahan ito umopo para hindi magising ang kapatid.

"Kamusta kana? Miss na miss na kita kuya" sabi nito tsaka ginawaran niya ako ng yakap sa leeg.

"Miss na miss na din kita baby" niyakap ko din siya pabalik. Mahigpit na yakap.

"Kamusta ang araw ninyo ngayon, naglaro ba kayo?" Kumalas na sa yakap si Luffy pero hindi ko parin ito pinakawalan sa yakap ko.

"Opo kuya, naglaro kami sa labas ni luppin ng basketball at habol-habolan pero pumasok din kami agad ng may pumuntang Tao"

"Sinong tao?"

"Mailman daw po, may pinapahatid na letter para sayo, nasa mesa niyo po"

Nilingon ko ang mesa at doon ko nakita ang envelope, ang nakakakaba lang ay ang seal na logo na nakapaskil doon. Nikakad ko ang mesa at doon kinuha ang letter at bumalik sa kama. May kama naman ako, double deck naman  pero ngayong gabi ay dito ako matutulog kina luffy.

"Ano po iyan Kuya?"

Binuksan ko ang envelope at kinuha ang sulat doon. Galing to siguro sa banko na naglalaman ng sulat na meron pa kaming kailangan bayaran? Pero hindi dahil may logo iyon sa paaralan namin.

Nang mabuksan ko ang envelope at mabasa ang sulat at laking pagkawasak ng puso ko.

"unacceptable grade.. upon failure of improvement...scholarship will be terminated unless the student achieves"

"unacceptable grade.. upon failure of improvement...scholarship will be terminated unless the student achieves"

"unacceptable grade.. upon failure of improvement...scholarship will be terminated unless the student achieves"

Yan na lang ang pabalik-balik sa utak ko. Hindi ko na namalayan na nalaglag na pala sa sahig ang sulat.

"Anong nangyari sayo kuya?" Lumingon ako sa kapatid ko. Binigyan ko ito ng isang ngiti.

"Wala naman, okay lang ako" sana okay lang. 'Sana magiging okay nalang'

Pinikit ko ang aking mga mata. Tumingala ako para pagbawalang bumuhos ang masaganang luha pero hindi ko iyon napigilan. When it rains, it pours.

To be continued...

•••Drientz•••

He's Kind Of Heartless (bxb) (Spg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon