Chris
Habang nasa ganong posisyon kami ay bigla na lamang bumukas ang pinto. Lumabas mula doon ang kambal na sina luffy at luppin at isang lalaki na may suot na eyeglasses. Nakapang teacher uniform pa ito kaya ito siguro ang teacher nila.
Nahihiya akong kumalas mula sa halik. Awkward ding napatingin ang lalaking teacher sa amin.
Sinalubong ko ang mga bata at lumuhod, binuka ko ang aking mga braso para i hug sila. Dali dali naman silang nagbigay sa akin ng mahigpit na yakap sa leeg ko. Kinuha ko ang kamay ng mga bata at tumayo.
"Good afternoon sir, ano pong nangyari sir?" Tanong ko kay teacher
"Nag aalala ako kay luffy dahil nahihilo daw ito, pero ng i-check ko ang temperatura niya wala naman siyang lagnat kaya akala ko ay nagsisinungaling siya pero kaninang lunch ay bigla na lamang siyang natumba. Che-neck ko muli ang ang temperatura niya ngunit normal parin ito, kaya isunugod ko siya sa clinic. Ang sabi ng nurse nasa loob daw ang lagnat ng bata. Pinainum na namin siya ng gamot at nakapagpahinga na din siya. Gusto niyang umuwi daw sa bahay niyo kaya inuwi ko. Sinama ko na si luppin dahil gusto niya din daw bantayan ang kambal niya." mahaba nitong paliwanag.
Nagalala ako para kay Luffy, kaya hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya.
"Salamat Sir....?" Prolonge ko dahil hindi ko pala alam ang pangalan niya
"Warren!" Pakilala niya
"Salamat sir Warren sa paghatid mo sa mga kapatid ko" kukuha sana ako ng maiinom para sa kanya ng nagsalita ito ulit
"Wag kanang mag abala, aalis nadin ako agad. May klase pa ako ngayon kaya kailangan ko ng bumalik sa school" Tumango na lamang ako.
"Sigi sir, salamat po ulit" tas umalis na ito.
I feel bad for not thanking him enough. Hindi ko din kasi alam pano! Hindi ako sanay sa mga ganong sitwasyon.
Agad kong hinarap si Luffy at pinaupo sa kama.
"Anong nangyari sayo? Okay lang ba ang kalagayan mo? Sumasakit ang ulo mo? May lagnat ka pa ba?" Nagaalala kong tanong sa kapatid ko. Humagikhik lang naman ito.
Ano bang nakakatawa doon?
"Pwedeng isa-isa lang kuya? Ang dami mong tanong eh, sumakit tuloy bigla ang ulo ko" bigla kong kinapa ang ulo nito. "Mag lagnat kapa?" Tanong ko pero imbis na sagutin ako ay ngumisi lamang ito. Sinamaan ko ito ng titig
"Wala na po akong lagnat, napainum na ako ng gamot pero gusto kong matulog katabi ka kuya" kiniliti ko ito. Sus, namiss lang pala nito akong katabi matulog.
"Sigi, pero dapat pag gising mo malakas kana uli ha. Nagaalala si kuya" niyakap niya ako sa leeg ko."Opo kuya" masaya kong niyakap siya pabalik.
"Saan naman ako matutulog?" Tanong ng kapatid kong si Luppin. Sus! Isa patong si luppin napaka seloso. Kung anong gusto ng kambal nito ay gusto niya rin. Kambal nga talaga.
"Sa kanya ka nalang tumabi" turo ko kay Conor na ngayoy out of place. Napaigtad naman ito sa ginawa ko. "Ako?" Tanong niyang naninigurado
"Oo"
"Eh, ikaw naman kasi ang gusto kong makatabi kuya" tumawa ako sa pagmamatol ni luppin. Frustrated kasi nitong kinamot ang mga mata na para bang iiyak na ito.
BINABASA MO ANG
He's Kind Of Heartless (bxb) (Spg)
RomanceChris is broke. His parents got an accident that caused their Death. Leaving him the responsibility of raising two children yet cute and innocent twins. His parents also leave him their debts, Which made Chris' life harder. The bank took all their p...