EPILOGUE

4.7K 87 56
                                    

EPILOGUE

FIVE MONTHS LATER. Nakasoot ng puti sina Doniella ng araw na iyon. Nasa isang pribadong sementeryo sila at pinagmaasdan ang isang kabaong na pababa sa hukay. Napaluha siya habang inalala ang mga nakaraan. Mapapait na nakaraan. Hinaplos niya ang kanyang tiyan na ngayon ay limang buwan na. Halatang halata na ang umbok sa kanyang tiyan kahit limambuwan palamang ito.

Habang pinagmamasdan ang kabaong, naisip niya na kay dali lang mawala ang ating buhay kung hindi natin ito papahalagahan.

“T-tita Doniella,” hagulgol ni Sky ang kanina pa niya naririnig kaya naman nakayakap lamang siya sa bata. Hindi niya masisisi ang bata dahil minahal nito ng sobra ang nasa loob ng kabaong.

“Everything will be okay, baby.” aniya. Naroon rin ang ilang kamaganak, sina Melisandre, Athena, ang pamilya ni Matthew, si Andrew at Teddy. Na katulad niya’y nakasoot ng puti at taimtim lamang din nakatingin sa pababang kabaong.

“Doniella, uminom ka ng tubig. Huwag ka nang malungkot. Makakasama yan sa pagbubuntis mo.” Ngumiti siya ng tipid. Siyempre nasa tabi niya ang kanyang ex-husband, si Wazel. Inaabutan siya nito ng bottled water.

“Salamat.” aniya. Oo naghiwalay nga sila ni Wazel. Nung una, ayaw nitong pumayag pero wala rin itong nagawa. Hindi niya parin makakalimutan ang mga nangyaring kataksilan ng dating asawa. Mas okay na yung ganito, hiwalay sila at sa bata nalang ang usapan.

Nagpapasalamat rin siya sa Panginoon dahil nagising si Wazel ng araw ding nalaman niyang buntis siya. Pero bago ito magising ay nag agaw buhay muna ito. Akala nga nila ay mawawala na ng tuluyan ang kanyang asawa pero talagang mabait sakanila ang Diyos.

“Your mom is gone, but don’t be sad, okay? Nandito lang ako at ang mommy Doniella mo.” Nakangiting saad ni Wazel kay Sky.  Tuluyan na na ngang inampon ni Wazel si Sky. Sa wakas, sa tulong ng mga attorney ay ganap na rin itong Morrison.

“Thank you, daddy Wazel.”sagot naman ni Sky. Si Zyrah, nagpakamatay sa loob ng selda. Hindi nito iniinom ang mga gamot para sa utak kaya naman hindi ito gumaling. At bangkay nga ni Zyrah ang inililibing ngayon.

Walang kamaganak si Zyrah doon. Sinubukan naman nilang hanapin ang kamaganak nito pero wala silang nahanap, kaya sila na lang ang pumunta. Kawawa rin kasi si Sky kung hindi man lamang nila titingnan ang ina nito. Alam ni Sky ang nangyari sa mommy nito at natanggap naman iyon ng bata. Pero nandoon pa rin ang pagiging cold ng bata. Hindi palangiti at takot sa ibang tao. Kay Teddy lang yata ito ngumingiti at nagku-kwento.

Wala na si Zyrah pero hindi parin niya tuluyan na napatawad si Wazel sa lahat ng mga nagawa nito. Bumawi naman ito sakanya pero hindi iyon sapat upang ,mabuo siyang muli mula sa pagkakawasak. Tama na ang sakit na naramdaman nila noon upang madagdagan pa. Wala na rin naman siyang nakikitang rason upang magsama pa sila. Oo buntis siya, pero kaya naman nilang palakihin ang bata kahit na hindi magkasama.

Nagkanya-kanya na nga sa pag-alis ang mga dumalo sa libing. Tutal ay bawat pamilya naman may sasakyan. Naka schedule rin ang pag papa-ultrasound niya mamayang hapon upang malaman kung babae ba o lalaki ang kanyang pinagbubuntis. Excited na sya at mas lalo na ang kanyang asawa.

“Tita Doniella. . .” si Sky

“Yes, baby?” tugon niya.

“I wanna go to school with Teddy.” Aniya. Napangiti naman siya dahil doon. Oo nga pala, mag lilimang taong gulang na si Sky. At sa susunod na taon ay dapat na itong pumasok sa paaralan.

“Oo naman, baby. I’m gonna tell her dad kung saan kita i-enroll para doon rin niya ipasok ang bestfriend mo.” si Wazel ang sumagot habang ito’y nagmamaneho. Si Wazel rin kasi ang umako sa pagpapaaral kay Sky, malamang dahil legal na anak na niya ang bata.  “Doon ka papasok sa school nina kuya Brion at Ate Ziandra mo.”

MORRISON SERIES #2:DONIELLA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon