CHAPTER FIVE

2.9K 125 10
                                    

 CHAPTER FIVE



"BE careful, okay? Don't move too much. Just rest. If you need something just ask the maids to do it for you." Napangiti si Doniella sa muling pagpapa-alala sakanya ni Wazel sa mga dapat at hindi dapat niyang gawin. Nakabihis na ito at papunta na sa trabaho. Araw-araw naman itong nagpapa-alala sa tuwing umaalis ito sa kanilang bahay.

"I know, hon. You always say that. Ikaw talaga." Natatawa niyang tugon.

"It's okay to be safe, hon." Seryosong saad ng asawa. Tumango nalamang siya bilang tugon. "Ah hon, later, I'll be home late, is that okay?"

"Why?" tanong niya. Hindi na kasi ito nag o-overtime simula noong buntis siya, kaya naman nakakapagtaka. Nakita naman niyang umiwas ng tingin sakanya ang asawa kaya nagsalubong ang kilay niya.

"I-I just need to take care of something in the office." tila nauutal nitong sagot.

"Okay. Sasabay ka ba saakin sa dinner?" nagkibit balikat nalamang siya sa napansin sa asawa. Baka marami talaga itong kailangan gawin sa clinic.

"Don't wait for me, hon. Doon na ako kakain sa clinic. Eat early and then just rest. Okay?" muli nitong saad. Hinalikan pa siya ng asawa sa kanyang noo at yumuko ito upang halikan ang kanyang tiyan. "I love you."

"Ingat ka, Wazel." Paalala niya. "I love you."

Matapos nga iyon ay umalis na ang asawa. Tinungo na nga niya ang dining area upang kumain ng almusal. Nadatnan naman niya doon ang kasambahay na kasalukuyang inihahanda ang kakainin niya.

"Good morning ma'am, kumain na ho kayo." Nakangiting bati ni Manag Sena saka marahang hinila ang silya kung saan siya uupo.

"Salamat, Manang Sena." Nakangiti niyang tugon.


***


KANINA pa hindi mapakali si Wazel, malalim ang kanyang iniisip. Hindi niya malaman sa sarili kung makikipagkita ba talaga siya kay Zyrah. O kung dapat ba siyang maniwalang may anak silang dalawa. Nagsinungaling pa siya sa asawa. Ayaw niya talagang makipagkita pa kay Zyrah, pero naguguluhan ang utak niya sa sinabi nitong may anak sila. At narinig pa nga niya ang boses ng bata.

"Doc, are you okay?" tanong ng isang nurse niya. Tumango lamang siya, mabuti nalamang rin at wala masyadong appointment ngayong araw. Kung mayroon man, mild lang.

Bago pa lumalim ang iniisip. Tumunog ang kanyang cellphone. Napapikit pa siya ng makitang si Zyrah ang tumatawag. Sasagutin ba niya ito? Makikipagkita na ba talaga siya rito kahit walang kasiguraduhan totoo bang nagkaanak sila?

Huminga siya ng malalim bago niya pinindot ang answer button.

"Hello Wazel! Ready ka na ba mamaya?" bungad nito sa kabilang linya.

"Just make sure that you're not fooling me. That the child with you is really mine." seryoso niyang saad. Hindi siya sigurado kung nagsasabi ba ng totoo si Zyrah, pero isa lang ang sigurado siya, gusto niya makita ang bata sa hindi malamang dahilan. Lukso ng dugo? Siguro.

"Bakit naman kita lolokohin, Wazel? We came all the way here from America para lang makausap ka." Pasinghal nitong tugon. Kaya naman huminga siya ng malalim. He knew Zyrah, alam niyang may paninindigan ito.

"Okay, see you later. Ise-send ko nalang ang address." Aniya. Totoo man o hindi na may anak sila, kailangan niyang makita ang bata mamaya para mawala na ang curiosity sa kanyang katawan.

MORRISON SERIES #2:DONIELLA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon