CHAPTER ELEVEN

3K 85 8
                                    

CHAPTER ELEVEN



TUMINGIN si Doniella sa kaniyang relo, alas dose na ng tanghali. Akala niya kanina ay madadatnan niya ang asawa sa loob ng bahay, ngunit wala ito. Nadatnan lamang niyang tahimik ang paligid. Mukhang walang dilig ang mga halaman. Medyo magulo rin ang ilang gamit doon sa loob ng bahay at maalikabok. Tila ilang buwan nang hindi nalilinisan. Kaya naman sinimulan niyang maglinis ng bahay.

Pati mga pinggan sa kusina ay hinugasan niya dahil mukhang hindi na naasikaso ni Wazel. Pagkatapos ay tinungo niya ang kwarto nila. At iyon ang pinakamagulo, kalat-kalat ang mga maruruming damit. Nakakalat ang lahat. Ang bedsheets ay nakalukot na katulad ng kumot ay magulo, ang mga unan ay nasa sahig. May ilang bote pa siyang nakita doon.

"Ano bang nangyari kay Wazel noong wala ako?" tanong pa niya sa sarili.

Napariwara ba ang kanyang asawa noong iniwan niya ito? Nasobrahan ba talaga siya sa galit at nagpakain sa sama ng loob? Naglinis rin siya sa kwarto, pinalitan niya ng bagong bedsheets ang kama at pati punda ng unan. Maging mga kurtina ng buong bahay ay pinalitan niya ng bago. Bukas nalamang siguro niya lalabhan ang mga maruruming damit at mga kailangang labhan..

Ngayon nga ay nakaupo siya sa harap ng hapagkainan habang salitan na tinitingnan ang mga nilutong ulam at ang maindoor. Nasaan na ba si Wazel? Kinakabahan siyang makitang muli ang asawa.

Paano kung hindi pa niya kayang patawarin ang asawa? Paano kung akala niya lang ay kaya na niya itong harapin? Paano kung masigawan na naman niya ito?

Kinakabahan man sa maaring mangyari, hinintay niya parin ang asawa.

Nandito na siya sa pamamahay nila, napaghandaan na rin naman niya ang maaaring mangyari. Sumusugal siya sa walang kasiguraduhan. Hindi man siya sigurado kung mapapatawad niya ito, ngunit isa lang ang nasa puso niya, ito ay ang pagmamahal niya sa asawa. Kasal sila, kailangan nilang ayusin ito.

Mabalot man ng galit at hinanakit ang puso niya, nandoon pa rin ang pagmamahal na pilit umaahon sa nalunod na puso niya.

"D-doniella?" halos makaidlip na siya ng biglang may nagsalita.

Kaya naman napatunghay siya at biglang napatayo ng makita ang asawa. Amoy alak ito at mukhang maraming nainom. Gusot gusot ang damit at magulo ang buhok. Malayong malayo sa Wazel na kilala niya bilang asawa.

"Wazel," aniya.

Ramdam na ramdam na niya ang pagkabog ng puso niya habang nakatingin dito na wala sa mabuting hitsura. Ni hindi pa siya nito lapitan. Ang inaasahan niya ay yayakapin siya nito kapag makita siya sa loob ng pamamahay nila, ngunit hindi. Nakatayo lamang ito sa kanyang harapan.

"You're here?" anito. Hindi rin nawala sa paningin niya ang pagngisi nito. Ano ba ang nangyayari sa asawa? Parang ibang iba na ito.

"And you're drunk?" aniyang nakataas ang kilay. Si Wazel ang tipong hindi iinom ng sagad. Hindi iinom ng sobra sobra. Pero ngayon, mukha palang nito ay halatang nasobrahan nito dahil namumula.

"What are you doing here?" Natigilan siya sa tanong ng asawa. Bakit biglang naging cold ang pagtrato nito sakanya? Hindi ba dapat ay matuwa ito at narito na siya? Na iyon ang halos araw araw nitong hiling sa tuwing nagpupunta ito sa bahay nila? "Hindi ba at sinabi mong hindi na tayo magkakaayos pa?"

"Bakit, Wazel? Ayaw mo na bang nandito ako?" tanong niya at sinalubong ang mga mapanakit na mata nito. Bakit kung kailan handa na siyang patawarin ang asawa, saka naman ito nagkakaganyan? Imbes na sumagot ay nilingon nito ang mesa kung saan naroon ang mga pagkaing hinanda at niluto niya kanina pa.

MORRISON SERIES #2:DONIELLA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon